14

783 52 7
                                    

CHAPTER 14

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 14

“Si Nanay Lorna po, ang yaya kong nakatulog sa sofa ninyo.” Napailing-napangiti si Marydale.

Natawa naman si Cora, nalimutan ang galit sa anak kahit saglit.

SA LOOB ng kotse, si Marydale ay walang kaimik-imik.

Pinansin siya ni Nanay Lorna na para na niyang magulang. “Nakatulog talaga ako, ano ba ang nangyari, Marydale? Bakit para kang gigil na hindi ko maintindihan?”

“Nakita ko na ang lalaking kamukha ni Tyler, Nanay.”

“Ha? Talaga? O, bakla ba kaya dismayado ka?”

“Lalaking lalaki pero napakasuplado niya, nanay. Kung maaari nga lang ay I want to kill him.”

Nanginginig na yata sa galit si Marydale. Ngayon lang talaga siya nainsulto ng isang lalaki.

“Huwag naman, Marydale. Kalimutan mo na lang, anyway he is not the real macoy.”

“nanay, please, huwag kang magbiro, mainit ang ulo ko. I will get even with that Edward!”

“Edward? Sino si Edward?” makulit na tanong ng yaya.

“Siya ang pinakaaroganteng lalaking bibigyan ko ng leksiyon tonight!” halos sigaw ni Marydale.

SI Edward  ay nasa loob pa rin ng kanyang bedroom sa Santiara. Pero parang alam niyang anumang oras ay susugurin siya ng ina na malamang ay kasama na rin ang kanyang ama.

Tiyak na sisitahin siya ng mga ito dahil sa pambabalewala niya halos kay Marydale Maria.

Naguguluhan na rin si Edward.

Bakit nga ba naging masyado siyang rude kanina sa babaing panauhin ng ina?

Nababaliw na ba siya, umaakto nang walang dahilan?

Merong dahilan kaya siya hindi naging friendly kay Marydale Maria, giit sa sarili ni Edward.

At natagpuan naman niya ang rason. Oo nga, ayaw nga pala niyang mapadikit in whatever way sa mga taong sikat.

Dahil ayaw nga niyang masira ang kanyang privacy, di ba?

Inisip niya agad kanina, kung magiging friendly siya kay Marydale Maria, baka alin sa dalawa ang mangyari. Either siya ang mapalapit nang husto sa magandang babaing ito or… ito ang mapalapit sa kanya nang todo.

Ayaw nga niya ng ganito. He values his privacy so much.

Di ba nga ayaw niyang tumulad kina Tanner at Marco?

Simply because he hates being famous. He wants his own existence right now. Na sarili niya ang mundo niya, walang nagdidikta ng dapat niyang gawin, walang pressure mula sa labas.

Kung magkakalapit sila ni Marydale Maria, masisira lahat ng kanyang gusto sa buhay.

Tiyak kasing pati siya ay bubulabugin ng mga taong humahanga at nagpapahalaga kay Marydale, laluna ang makulit na press. Ang media na kanya pa namang kinaiinisan dahil madalas na eksaherado ang mga report.

Ah tama lang na nagsuplado siya sa babaing iyon, dikdik ni Edward sa sarili.

Kinuha niya ang backpack at palihim na lumabas ng bintana.

.....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon