21 SWEET DAD

737 53 7
                                    

CHAPTER 21

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 21

SULAT na lamang ang iniwan ni Edward sa Santiara, naka-address sa kanyang mga magulang at kapatid.

Ang sabi niya sa sulat ay babalik lang siya kung wala na ang kaguluhang ito.

Iyak nang iyak si Cora, naguguluhan si Jerome, worried naman ang mga kapatid ni Edward.

“Hindi niya dapat ginawa ito. Tumatakas naman siya, e.” Himutok ng ina.

" Cora , babalik din naman si Edward.”

“Nagawa niya tayong iwan nang biglaan, Jerome. Sino ang mag-aalaga sa kanyang farm? Kung wala siya, magsisipag pa kaya iyang dalawa niyang tauhan?”

“Cora naman, parang wala ka na sa sarili mo, hindi naman problema iyang pinuproblema mo,”

“Jerome, what I mean, hindi pala madaling tanggapin na si Edward ay basta na lang mawawala. Kahit pinagsasabihan natin siya na masyado siyang simple sa buhay, hindi pala nakakatuwa kung mababago ang lahat. Parang bago na ang lahat, wala na siya, e.”

“Magbabakasyon namang biglaan dito sa Santiara sina Tanner at Marco, kasama ang kanilang pamilya. Si Yassi at ang pamilya ay naririyan pa rin sa Maynila.

Katuwang natin ang lahat nating anak sa problemang ito, Cora.”

“Jerome , naaawa rin ako kay Marydale.”

“Sa pagkakataong ito, kakampi muna tayo sa ating anak, Cora. Hindi natin puwedeng unahin ang damdamin ng dayuhang dalagang iyon.”

Napabuntung-hininga si Jerome .

SI MARYDALE ay nagkaroon ng biglaan at hindi inaasahang panauhin sa kanyang nili-lease na condo unit.

“Dad!” Nasa pinto na ng unit si Luis Johnson, halos katabi ang tatlong bantay na Kano ni Marydale.

“This is a tough time for you, baby, that’s why I’m here!” Puno ng simpatiya sa anak ang multi-milyonaryong Amerikano.

Luhaang napayakap si Marydale sa ama. “I’m sorry to give you a problem like this, Dad. This is not my intention.”

“You love this man, baby?”

“I don’t want to know, Dad. But… maybe… I know he is not Tyler. At first I just wanted to see somebody who looks like my beloved. But… he is very different. And yet, it hurts when he treats me like a dirty rag.”

“Then go home, Marydale. Leave this country. You don’t have to cry like this.”

“And how about my works? How about the children I’m helping? I can’t leave them. The charity foundation I established here will prove that there is another important reason for me to stay in the Philippines. This is a place where my efforts and resources are really needed.” Na-realize na ng magandang dayuhan na dalaga na hindi kailangang kakambal ng pagpapahalaga niya kay Edward ang napakabuluhang misyon niya dito sa Pilipinas.

“You won’t leave? Can you stand the pain this man is giving you?”

“It will make me strong Daddy. For now, I am not running away from anything.”

Walang nagawa ang ama, tahimik na nagbalik na lang si Luis Johnson sa Amerika.

.... Itutuloy...

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon