8

807 51 6
                                    

CHAPTER 8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 8

Ilang buwan na ba mulang huli siyang magkaroon ng nobya-nobyahan?

Apat-limang buwan na ba?

Aba, daig pa pala niya ang isang pari na celibate! Na walang sex life kahit kaunti. Masyado na palang naabala ang atensiyon niya ng pagtatrabaho sa kanyang taniman na napabayaan na niya tuloy ang pagbibinata.

Dati naman ay nambobola siya ng mga dalaga. Idinidate niya ang mga ito mula sa restaurants hanggang sa sinehan.

May pagkakataon pa nga na ang game na mga babae ay sumasama sa kanya sa pribadong bahay-kubo niya sa katabing lote ng Santiara.

Palihim niyang dinadala roon ang babae at halos magdamag silang magniniig bago niya muling ihahatid ito sa bayan, sakay ng kanyang service van na siya mismo ang nagmamaneho.

Wala naman kasing motel sa San Simon kaya sa bahay-kubo niya dinadala ang mga ganitong babae.

“Sir Edward, narito na ho tayo,” nakangising bulong ni Nognog.

“Mamili na kayo sa mga nakahanay na belyas. Mga bagong paligo ho ang mga ‘yan.”

“Bagong paligo ng pabango,” biro ni Edward. At kumuha na ng isang dalaga para bolahin habang isinasayaw sa kabaret.

KAHIT PA nais sana ni Marydale na maging low-profile ang kanyang pagdating sa Pilipinas, ang matutunog na members ng media ay inabangan na siya paglapag pa lang ng eroplano niya sa international airport.

Natuwa sa kanya ang mga reporters at photographers dahil sa bukod sa magandang-maganda ay marunong din palang mag-Tagalog ang anak ng pilantropong multi-milyonaryo ng Amerika.

Inambush interview nila si Marydale.

“Miss Marydale, why did you choose the Philippines for your charity works?” tanong ng isang Ingleserang Pinay reporter.

“Why not?” tanong-sagot ni Marydale, nakangiti, “dapat lang naman na lawakan ko ang aking pananaw sa pagtulong. Hindi lang sa mahihirap sa Africa dapat concentrated ang charities namin ng papa ko.”

“Wow! Hindi ka pala garil mag-Tagalog! Saan ka natuto, Miss Marydale?” tanong naman ng isa pang babaing reporter habang palabas na ng airport ang dalaga.

Nakangiting itinuro ni Marydale ang katabi niyang si Nanay Lorna. “This is the person, guys. My dear Filipina nanny who taught me Tagalog.”

“Hello to you all, my friends and kapwa Pilipino!” masiglang bati naman ni Nanay Lorna. Akalain ba niyang kahit gabi na sila dumating sa Pilipinas ay may naghihintay pa palang media?

“Miss Marydale, where will you go next?”

“Saang hotel ka mag-i-stay, Miss Del Valle?”

“Hindi ka ba takot mamasyal sa Pilipinas, you know you may get kidnapped?”

Pero bago pa muling nakasagot si Marydale ay hinadlangan na ng tatlong bodyguards ng dalaga ang mga taga-media.

“No more interview, okay? Miss Del Valle is very tired.”

Nasupladuhan sa mga bodyguards ang media pero walang nagawa. Hindi naman kasi nagpa-schedule ng press conference si Marydale Maria Del Valle Entrata.

Dapat din naman kasing maging low-profile ang mayamang dalaga na ang tanging pakay sa bansa ay makatulong sa mahihirap, naunawaan ng mga mamamahayag.

....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon