11 Ms Del Valle Meet Cora

766 55 10
                                    

CHAPTER 11

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 11

Si Cora na pasalubong kina Marydale, sakay pa rin ng bike, ay namukhaan ang magandang dalagang banyaga.

Palabasa siya ng diyaryo, palibhasa ay matagal nang guro at ngayo’y prinsipal na.

Hindi siya maaaring magkamali.

“My gosh, you are Miss Marydale Maria Del Valle Entrata, right?”

Naaliw naman si Marydale sa may edad na babae na bakas pa rin ang ganda. Kaygaling nitong mag-ingles, perfect pa ang diction.

Saglit lang nag-isip si Marydale kung ikakaila o hindi ang identity.

Pinili niyang huwag magkaila sa babaing ngayo’y nakababa na ng bisikleta.

“Yes, I am. But please, keep it a secret, ma’am. Gusto ko lang naman pong mamasyal dito nang matahimik.”

Natuwa at natawa si Cora.

“Tama pala ang sabi sa diyaryo, nakakapag-Tagalog ka nang maayos. Welcome to San Simon, iha. My name is Cora at doon kami nakatira ng pamilya ko.”

Itinuro ni Cota ang Santiara, na kinaroroonan ni Edward.

MAGAAN agad ang loob ni Marydake sa magandang ginang, na wala siyang kaalam-alam ay nanay pala ng lalaking kanyang hinahanap.

“That is a very beautiful house, madam! Naalala ko tuloy ang bahay ng lola ko sa Mexico.”

Lalo namang nagyabang sa sikat na ari-arian ng pamilya si Cora.

“Oh, please call me na lang po as Marydale. And I’ll call you Tita Cora. Is that okay?”

Tumangong nakangiti si Cora. “Okay, Marydale. Now puwede ba kitang anyayahan sa aming bahay, please?”

“Oh, really? Talaga pong nais ninyo akong imbitahan, Tita Cora?”

Pati si Nanay Lorna ay isinama nina Cora at Marydale sa loob ng Santiara.

Ang tatlong bantay ng dalaga ay naiwang nasa paligid lamang, sa tabi ng dalawang sasakyang arkilado.

Si Edward ay walang kamalay-malay na dumating na ang babaing magpapabago sa kanyang mabagal na buhay.

Abala ang binata sa pag-i-spray ng pesticide sa kanyang mga tanim.

Sina Cora at Marydale ay nasa living room.

Si nanay Lorna ay inantok, nakaupong nakatulog sa malambot na sofa.

Mahangin sa maluwang na salas dahil maraming French window na nakabukas, malayang pumapasok ang hanging nagmumula pa sa dagat.

Wala ang amang si Jerome, nasa piggery sa Antipolo na ngayo’y dumoble na ang laki at dami ng mga alaga.

Ang mga anak naman liban kay Aizan ay nasa paaralan at trabaho sa mga sandaling ito.

“How many children do you have, Tita Cora ?”

“Oh, so many. There are nine of them, some are grown-ups and married, may mga subteener, may mga teenagers at may isang binata na posibleng maging old bachelor na…”

“Meaning he is not planning to get married, Tita? Gusto lang po ba ay strike anywhere?”

.....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon