CHAPTER 5
Nagmumukmok, iniiyakan ang mga larawan ni Tyler. Tantiya ni Nanay Lorna ay five pounds na ang nabawas sa tamang timbang ng dalaga.
Ang ama naman ni Marydale na si Luis ay halos bihira nang makita ng dalaga, palad nang magkasama sa bahay ang mag-ama kung weekends. At ang ina na si Aura? Ito ay abala sa sariling buhay, nagdadalaga, pabata nang pabata ang mga boyfriends.
Tumatawag naman ito kay Marydale paminsan-minsan. Nakikipagkita rin sa anak dalawang beses isang buwan. Hindi naman kasi naging malapit sa ina si Marydale ever since dahil career lady din naman ang inang Mexicana.
Kay Nanay Lorna lamang talaga napalapit nang husto si Marydale.
“Kung saan ka liligaya, Marydale… susuportahan kita,” buong katapatang naipangako ni Nanay Lorna, may kasamang butil ng luha sa matinding awa sa dalaga.
“Tuturuan mo ako ng tungkol sa Philippines, yaya, don’t forget,” sabi ni Marydale.
“Aba, oo naman, siyempre! Para pagpunta natin sa aking bansa ay may alam ka kahit kaunti!”
“But who is he?” may pananabik na naitanong ng dalaga, “Ano kaya ang pangalan ng lalaking kamukha ni Tyler?”
BUKOD kay Edward ay may isang tao sa San Simon na galit na galit din sa pagkaka-cover ng binatang taga-Santiara sa international magazine.
Si Nikkulas II o si Mccoy Jr, ang anak ng yumaong sugarol na si Nikkulas Sr ang pangit na lalaking umangkin noon ng isang gabi sa kapurihan ni Cora, kapalit ng pagbabalik nito Kay Jerome ng Santiara na tinalo nito sa sugal.
Nasa Manila si Nikkulas II nang makita niya sa book store ang bagong labas na Global Weekly na si Edward ang cover.
Kahit pa nga wala namang pangalan sa buong magazine si Edward ay hindi matanggap ni Nikkulas II na isang taga-Santiara pa ang nasa cover ng prestihiyosong babasahin.
Sa galit ni Nukkulas II ay pinakyaw niya ang lahat ng Global Weekly sa lahat ng bookstore at newsstand sa iba’t ibang panig ng Maynila.
Sa kahabaan ng Recto ay binili ding lahat ng hindi guwapong binatang taga-San Simon ang lahat ng kopya ng naturang magasin.
Nakarating pa nga siya sa Subic at Clark sa pagpakyaw sa mga natitirang kopya.
Ang nais kasi ni Nikkulas II o Mccoy Jr. ay walang Global Weekly na makarating man lang sa San Simon; ayaw din niyang makita ng maraming Pilipino ang cover boy na mula sa angkan na kanyang kinasusuklaman.
Di ba nga nasapawan na siya ng magkapatid na Tanner at Marco?
Pati ba naman ngayon ay hihirit din itong si Edward?
Kaya naman nang matapos mamakyaw ay napakaraming kopya ng Global Weekly ang nasa loob ng van ni Nikkulas Jr.
Sa loob ng kanyang tinutuluyang condo sa Manila ay isa-isa niyang pinagwawasak ang cover ng Global Weekly. Ang inside pages ay pinanghinayangan naman niya, itinambak sa attic ng bahay sa San Simon bilang souvenir ng kanyang pagkontrol sa pagsikat ni Edward.
At bakit naman hindi niya ituturing na tagumpay ang nagawa? Di ba dahil sa maagap niyang pagkilos ay wala na halos makakakita sa picture ni Edward sa Pilipinas?
Of course, alam niyang may kopya ang mga taga-Santiara, pati na rin siguro sina Marco at Tanner na nasa abroad.
... ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
Hayran KurguTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...