25 haha natatawa ako Kay Nikkulas

699 48 7
                                    

CHAPTER 25

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 25

PARANG baliw na nakatawa pa si Nikkulas II habang sinisindihan ang maliit na bundok ng papel.

Nagsimulang lumaki ang apoy. Matutupok na ang mga papel, kabilang doon ang mga pahina ng artikulo tungkol sa napakagandang beach ng San Simon at tungkol na rin sa unnamed model na ginawang coverboy.

Ngising-ngisi si Nikkulas II habang pinagmamasdan ang apoy. Dapat na talaga siyang magdiwang dahil hindi na kumpleto ang mga tao sa Santiara.

May nawawala na.

Kalungkutan na ang naghahari ngayon sa Santiara.

Nagsalita pang parang baliw si Nikkulas II m sa apoy. “Sige, kainin ninyo ang kahuli-hulihang souvenir ng maikling pagsikat ni Edward John Barber . Wala na ang mga kopya, wala na rin si Edward sa Santiara! Hindi na mabubuong muli ang tahanan na iyon!”

Pero napatanga si Nikkulas II, para siyang namamalikmata.

Nananaginip ba lamang siya nang masama?

Nanlaki ang kanyang mga mata. Paano ba naman, sa likod ng siga ay klaro niyang nakikita ang pamilyar na guwapong mukha na hindi pa rin nabawasan kahit konti ang appeal.

Nakatingin sa kanya ang mukhang iyon, walang tinag ang matatag na titig nito.

Napalunok si Nikkulas II.

Siya pa naman ay minsan nang nasuntok ni Marco at siya ay bumulagta at nawalan ng malay-tao.

Ngayon naman ay kaharap niya ang taong akala niya ay nawala na. Sa likod ng apoy, hayun si Edward at titig na titig sa kanya.

Kinusot ni Nikkulas ang kanyang mga mata.

“Edward, ikaw ba iyan? O… guni-guni ko lang?”

Nawala ang image sa likod ng apoy.

Paano ay gumilid pala sa napakalaking siga.

Ngayon ay nasa tabi na ni Nikkulas II si Edward.

“Tutoo ka nga! Hindi lang isang malikmata!”

Parang walang narinig si Edward. Marami pang kopya ang hindi nadidilaan ng apoy at hindi nakaligtas sa kanyang mga matalas na mata ang mga pahina na pamilyar sa kanya.

Binalingan niya ang namumutlang si Nikkulas II.

“Pauwi na sana ako sa Santiara nang matawag ang pansin ko sa napakalaking apoy na ito. Akala ko ay nasusunog na ang inyong gate. Nagsisiga ka pala, na tuwang-tuwa. Lahat ba iyan ay Global Weekly na iisa ang issue, noong ako ang coverboy?”

Umilap ang mga mata ni Nikkulas II, tumanggi kaagad. “Hindi!”

“Hindi ako tanga.”

“Mga lumang diyaryo at magasin lang iyan!”

“Na ikaw pa mismo ang nagsiga at para kang gagong tuwang-tuwa?”

“Pakialam mo ba?”

Nakatagpo ng konting katapangan ngayon si Nikkulas II.

Dumilim ang anyo ni Edward.

“Ano ba ang atraso ng mga taga-Santiara sa inyo, ha, Nikkulas Jr?”

Ngumisi kaagad si Nikkulas II.

“Hindi mo alam ang kuwento ng tatay ko at ng nanay mo?”

Hindi na nagtaka si Edward, hindi naguluhan.

“Alam ko na.”

Nanlaki na naman ang mga mata ni Nikkulas II.

“Iyung tungkol sa isang gabing sipingan at pagbawi ng Santiara ng mga magulang mo sa amin?”

“Oo. May teynga ako, may isip. Alam ko na, Nikkulas Jr.”

...itutuloy...

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon