CHAPTER 20
Malungkot at maligalig silang naglakad patungo sa malaking bahay.
“Araw-araw na lang ba, Jerome, ganito tayo? Si Edward pa na ayaw ng high-profile na buhay ang nagkakaganito. Hindi ko talaga akalain na magiging kakaiba pala ang istorya ng buhay ni Edward. Para siyang hinahamon, kung ano ang ayaw niyang mangyari, siya namang nagaganap. Kulang na lamang ay magpatayan ang media sa pag-aagawan ng maisulat sa kanya, kahit pa hindi siya nagpapa-interview.”
Buong pagmamahal na inakbayan ni Jerome ang asawa.
“Ang mga anak natin, gaya rin nitong ating tahanan, ay tila ayaw talagang bigyan ng Diyos ng ordinaryo lamang na buhay. Aywan ko ba, Cora.”
“Nakakatuwa pero… mahirap din naman kung ganito tayo. Mula nang mangyari ito, si Edward ay parang galit na rin sa atin.”
“Nadadamay lang tayo. Wala na naman talaga siyang itinuturing na kakampi ngayon, e. Pero siya naman ay isang lalaki. He is a strong person. Kaya niya ito. Malalaman din niya isa sa mga araw na ito kung ano ang kahulugan ng pagdating ni Marydale Maria Del Valle sa kanyang buhay.”
SI Edward ay buo na ang loob.
Aalis muna siya sa San Simon. The heat is on sa lugar na ito. This is no longer for him.
Sumisikat na ang San Simon sa buong Pilipinas dahil sa kanyang kuwento at kay Marydale Maria Del Valle.
Ayaw na nga niyang magbasa ng mga diyaryo at magazines. Bantad na siya sa mga comments na siya raw ay suplado, walang damdamin.
Alam na alam na rin niya na may mga nagpapalagay naman na ang American-Mexican na dayuhan na dalaga ay cheap dahil naghahabol sa kanya.
He is lost as to what he should really feel.
Uunahin ba niya ang awa sa sarili dahil wala na siyang privacy at marami nang nakikialam sa kanyang buhay?
O maaawa muna siya kay Marydale dahil nasa bad light ito o pumapangit ang reputasyon?
.... Itutuloy…
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...