4 Destiny nga naman

961 57 7
                                    

CHAPTER 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 4

ANG MAGANDANG dalagang nagluluksa, na titig na titig sa larawan ni Edward Barber sa cover ng Global Weekly, ay si Marydale Maria Del Valle Entrata, isang Mexican-American.

Sampung buwan na siyang nangungulila sa namatay niyang nobyong Tyler.

May mga magulang pa si Marydale pero tatlong taon nang nagdiborsiyo, nagkanya-kanya na ng buhay.

Ang ama ni Marydale ay isang multi-milyonaryong Amerikano na kilalang negosyante at pilantropo, si Luis Entrata.

Nang magdiborsiyo ay biglang yumaman din ang ina ni Marydale na si Aura Del Valle dahil sa natanggap na ari-arian at cash mula kay Luis.

Si Marydale ay sa malaking bahay ng ama sa California nakatira, na ang tanging kasama ay ang yayang Pilipina, si Nanay Lorna.

Mula pagkabata ay yaya na ni Marydale si Nanay Lorna, kaya naman pati Tagalog ay naituro na ng yaya sa kanyang alaga.

“Nanay, dali! This is unbelievable!”

Napasugod ang yaya sa magandang alaga na ngayo’y isa nang corporate lady, namamahala mismo sa mga charities ng amang si Luis.

“Marydale, bakit? Why?” tarantang sabi ni Nanay Lorna.

Ipinakita ni Marydale ang cover ng Global Weekly.

Napatanga ang yaya, kinusot ang mga mata.

At muling tinitigan ang lalaking nasa cover ng international magazine.

“Si Tyler ba ito? Ang nobyo mong namatay?” magkasunod na tanong ng may edad nang yaya.

Umiling si Marydale, luhaan. “How I wish ito nga si Tyler, yaya. Pero siya ay ibang tao na kahawig na kahawig ng nobyo ko…”

Napa-sign of the cross ang tagapag-alagang Pilipino.

“Parang kakambal ni Tyler! Para ka namang biniro ng tadhana, Marydale!”

“No, this is not a joke or anything like that. Siguro ay talagang sinadya ng langit na makita kong muli si Tyler kahit sa ibang katauhan, yaya…”

What do you mean, Marydale, a-ano ang ibig mong sabihin?”

“May purpose sa buhay ko ang lalaking ito. He is a Filipino, yaya. Kababayan mo.”

“Ha?” Binasa ng yaya ang tungkol sa cover. “O-oo nga, Pinoy nga siya, Marydale, kalahi ko!”

“Now where is this place called San Simon, Nanay Lorna?” tanong ni Marydale, hindi maitago ang kyuryosidad.

“Aba, ewan ko. Hindi naman kasi sinabi diyan kung saang probinsiya? At ako’y matagal nang hindi napapauwi sa Pilipinas, iha. Di ba nga dito na ako tumanda sa bahay ninyo ng ama mo?”

“Yaya, we must know where this San Simon is. At gusto ko na turuan mo pa ako ng Philippine History.”

Napakunot-noo si Nanay Lorna. “And why the sudden interest in the Philippines, Marydale Maria Del Valle Entrata? May kinalaman ba ang guwapong lalaking ito na kahawig ng iyong yumaong nobyo?”

Luhaang tumango si Marydale. “Yes, yaya…”

“And how is that? Mag-iilusyon kang nabuhay si Tyler sa katauhan ng guwapong Pinoy na ito?” Itinuro ni Nanay Lorna ang larawan sa pabalat ng magasin.

“Bakit hindi, yaya? Sampung buwan na akong mamatay-matay sa lungkot. I could continue living just by seeing this man…”

Napabuntunghininga ang butihing yaya.

Tutoo naman kasi ang sinabi ng kanyang magandang alaga.

Di ba nga kaylaki na ng ipinamayat nito? Dahil sa pagdadalamhati sa wala sa panahong pagkamatay ni Tyler ng Argentina.

Ang nobyong ito ni Marydale ay namatay sa car crash, habang nakikipagkarera sa mga kapwa car racers. At di ba habang nagluluksa ay halos hindi na nakikipagsosyalan ang dating masayahing dalaga?

Bahay-opisina lamang ang routine nito. Nasa bahay lamang kapag wala sa pamamahala ng charitable foundations ng ama.

... ITUTULOY...

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon