CHAPTER 16
ILING nang iling si Edward habang nagsasalita ang mga magulang pero hindi naman niya magawang tumutol.
Nakasalalay na raw kasi ang reputasyon ng mga taga-Santiara sa mga mata ng isang banyaga, bilang sibilisadong tao.
Hindi raw gawain ng isang sibilisadong tao ang pagsusuplado sa isang panauhin, lalo pa nga daw at galing pa sa ibang bansa para gumawa ng kabutihan sa mahihirap na Pilipino.
Kaya the least he could do daw, sabi pa ng ina, ay ang humingi ng paumanhin kay Marydale Maria.
Ngayon nga daw gabi, sa Terry’s Grill sa bayan, ganap na alas-otso ng gabi.
Tumango na lang sa mga magulang si Edward, para na patahimikin siya ng mga ito, huwag nang sermunan.
Pero sa isip ng binata ay ulul lang ang hihingi ng paumanhin kay Marydale.
Okay, makikipagkita siya rito, sa isang sapilitang dinner-date.
Pero ang humingi ng dispensa kay Marydale, siya na lang muna ang nakakaalam na hindi niya gagawin.
Opo lang siya nang opo sa mga magulang.
Pero nagsiguro sina Jerome at Cora, sila mismo ang nakasunod sa kotse ng binata habang patungo ito sa Terry’s Grill.
Nang makita na nila si Edward na palapit na sa table ni Marydale ay saka na sila umalis sakay naman ng van, gaya ng pangako sa anak na binata.
Ayaw naman nilang parang binabantayan nila si Edward, hindi na ito bata.
Ang yaya at ang tatlong dayuhang bodyguards ni Marydale ay nakita nina Cora at Jerome na nakaupo sa di-kalayuan sa mayamang dalaga..
“Huwag luluku-luko ang binata mo at yari siya sa tatlong bantay ni Marydale,” pabirong sabi ni Jerome habang palayo na sila sa Terry’s Grill.
“Hopefully naman ay magpaka-gentleman na ang anak natin,” na-wish ng butihing ina.
SI MARYDALE ay naka-black dress na spaghetti strap, hakab sa katawan, lalong nagpalutang sa kaseksihan ng Mexicana-Americana.
Aywan kung dahil huli sa balita ang mga taga-San Simon, hindi naman pinapansin ng mga tao si Marydale, akala siguro ay isa lamang ordinaryong dayuhan na naligaw sa maganda nilang lugar.
Walang kangiti-ngiti si Marydale nang lapitan na ni Edward.
“Pinatatawag mo raw ako,” sabi ni Edward. Alam niyang marunong mag-Tagalog ang anak ng pilantropong Kano.
“We have things to settle, sit down.” Utos iyon ng dalaga, hindi mababa ang tono.
“As far as I’m coneerned, wala akong atraso sa iyo, Miss Del Valle.”
“As far as my ego is concerned, ininsulto mo ako, Mr. Barber. Sino ka ba para magsuplado sa akin? You are not even great like your two brothers.”
Namula ang mukha ng binata. Siya naman ang labis na nainsulto sa ulos ng kausap na banyaga.
Ano ang karapatan ng babaing ito na itulad siya sa dalawa niyang kapatid na parehong hilig magpasikat sa buong mundo?
Hindi ba alam ng babaing ito na siya ay great din in his own right? Sa sarili niyang paraan ay dakila siya, alam ni Edward.
Dakila siya dahil hindi siya naging obsessed sa materyal na bagay. Hindi niya ginawang Diyos ang dolyar ng mga Kano, iyon ay kadakilaan.
Dakila ako dahil kaya kong pigilin ang nag-aalpas kong pagnanasa sa babaing ito, sa Marydale Maria na ito, in favor of my dream of a peaceful life.
Dakila din daw siya, sabi pa ni Edward sa sarili, dahil siya ay hari ng sarili niyang kagustuhan. Ayaw niyang tumulad kina Marco at Tanner, siya ang nasunod.
.... Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...