CHAPTER 2
"26 ka na, Edward. Ni wala ka pang nobya. At nakukuntento ka rito sa Santiara at San Simon.”
“I knew it,” nakangising nasambit ng binata.
“Mommy, akala ko pa naman ay ibang main event…”
“Kung ayaw mong tumulad kina Marco at Tanner sa pag-conquer sa mundo, at least conquer your fear, Edward.”
“Mommy?… M-May fear ako?”
“Takot ka sa babae, iyan ang obserbasyon namin sa iyo ng ama mo.”
“Bejezuz, that’s ridiculous! Kung ayaw ko mang manligaw at magkanobya, iyon ho ay dahil hindi naman ako nagmamadali, Mommy!”
“Pero, anak, you are not getting any younger. Naunahan ka pa nga ni Marco sa paglagay sa tahimik.”
ANG ALAM ni Edward ay sinabi niya sa mommy niya na hindi siya tatandang binata.
Na bago siya mag-28 ay may asawa at anak na siya. That is 2 years from now.
Pero sabi lang niya iyon sa kanyang mommy. Wala pa talaga sa bokabularyo ng guwapong si Edward ang paghahanap man lang ng babaing iibigin.
Gaya ng nakagawian ay nilakad niya ang tabing dagat sa huling oras ng hapon, habang ang sikat ng araw ay hindi na masakit sa balat.
Walang kaalam-alam si Edward na nakatakda nang mabago ang takbo ng mabagal niyang buhay.
SA KAHABAAN ng beach ng San Simon naglalakad si Edward, gaya ng mga nakaraang araw ay suot niya ang kanyang usual get-up na puting cotton shirt na mahaba ang manggas pero nakatupi hanggang siko. Ang pants niyang maong ay hinahayaan niyang mabasa ang laylayan ng salpok ng alon sa dalampasigan.
Bukas ang harapan ng kanyang cotton shirt, kita ang mabalahibo niyang malapad na dibdib.
Ang buhok niyang makapal at malago, na hanggang leeg ang haba at bahagyang tumatakip sa kanyang mga tainga, ay nilalaro ng hanging mula sa dagat.
Ah, he is a sight to behold. Isang guwapong lalaking sunog sa araw ang balat pero parang Greek god sa kakisigan.
Walang kamalay-malay si Edward na may isang foreign news correspondent na naligaw sa San Simon, na ngayo’y palihim na itinutok sa kanya ang camera.
Ang dayuhan ay medyo nakakubli sa batuhang malapit sa dagat nang siya ay kunan ng larawan.
ANG SUMUNOD na nalaman ni Edward, siya pala ay naging cover boy na ng international magazine na Global Weekly.
Kundi pa sila pinadalhan ni Tanner ng kopya sa Santiara ay hindi pa sana malalaman ng buong pamilya Barber ang pangyayari.
Nagkakatuwa sina Cora at Marco pati na rin ang mga kapalid ni Edward.
Malaki nga namang karangalan na si Edward ang napagtuunan ng pansin ng foreigner, kahit walang pangalan sa cover si Edward ay sikat pa rin ito para sa kanila.
At napakaguwapo ni Edward sa cover, wala silang duda.
Napapabuntunghiningang minasdang muli ni Edward ang larawan.
There he is, nasa pabalat nga ng Global Weekly, kinunan habang naglalakad sa beach ng San Simon, kita sa background ang kagandahan ng dalampasigan na nalalatagan ng putimputing buhangin.
Gigil na binasa ni Edward ang sinasabi tungkol sa cover: This is the pristine beach of San Simon, in the Philippines. A handsome Filipino strolls along.
.....Itutuloy….
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...