3 Started of bridge

1K 58 11
                                    

CHAPTER 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 3

Hindi tulad ng kanyang kapamilya, naiinis nga sa pangyayari si Edward.

Bakit naman basta may kung sinong dayuhan na nakialam sa kanyang privacy?

Hindi man lang hiningi ang kanyang permiso.

Binasa niya ang pangalan ng photographer. Cover Photo by Yong Mujahil.

“Puwede ko kayang ireklamo sa korte ang Yong Mujahil na ‘to, Daddy?”

“Edward, bakit naman? Para sa amin ay karangalan ito…”

“Daddy, pinakialaman ng Mujahil na ‘to ang aking pananahimik, ang pribadong buhay ko.”

“Anak, wala namang sinabing pangalan. Wala ring sinabing masama tungkol sa iyo,” paliwanag ng ama.

Dumugtong si Cora. “Sabi pa nga ay ‘handsome Filipino’. Anak, okay lang ‘yon. Aba, ‘yung iba ay babayad pa siguro ma-cover lang sa international magazine!”

“Mommy, ayoko nga hong mapalagay sa magasin in whatever way, dapat ay hiningi muna ng gagong Mujahil na ‘yon ang permiso ko.”

“Iho, relax. Anyway, sino lang ba ang nagkakaroon ng ganitong napakamahal na international magazine sa Pilipinas? Mabibilang siguro sa daliri. Baka ‘yung big corporations lamang saka mayayamang businessmen and families. Sa ibang bansa naman ay walang problema kang mapansin. You will just be a nameless handsome man, anak…”

Bumuntunghiningang muli si Edward, iginala sa mga kapatid ang mga mata, naghahanap ng kakampi.

Pero sina Fenech, Rita at Kristine ay nakangiting natutuwa.

Gayundin sina Aizan at Cristian , walang tutol sa pagiging cover boy ni Edward ang dalawa.

Kung gayo’y siya lang pala ang tutol? Lalong nainis nang lihim si Edward.

Ano ba naman itong mga kaanak niya at gustung-gusto ng katanyagan?

Si Marco kaya…? Baka siya ang kakampi ko?

Tinawagan agad niya sa cell ang kapatid na nasa Singapore nang mga sandaling iyon.

“Edward, what’s up?” tanong ni Marco.

"Marco, sabi ni Tanner ay nakita mo na rin ang cover ng Global Weekly, what do you think?”

“Me? Of course, I’m glad! Para kang supladong super-handsome sa cover, Edward! Thanks to that Mujahil guy!”

“Shit, Marco! Ayokong maging cover!” sigaw ni Edward.

Bago pa nakasagot si Marco ay nagpatay na ng cell si Edward.

Ah, wala nga pala siya kahit isang kakampi sa mga kapamilya naunawaan niya.

SA ISANG bahagi ng San Francisco, California, USA, ang napakagandang dalagang kaytagal nang nagluluksa ay biglang nabuhayan ng loob. Titig na titig siya sa cover ng Global Weekly, sa mismong larawan ng guwapong Pilipinong naroon.

......Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon