Bago ako pumasok sa opisina ay pumunta muna ako sa isang cafe para umorder ng kape dahil inaantok pa talaga ako dahil sa nangyari kanina at para narin makalimutan ung nangyari sa panaginip ko.
Pagkatapos kong pumunta sa cafe ay pumasok na ako sa aking opisina at dumeretso sa aking cubicle. Pagtapos kong ayusin ang mga blueprint ng bahay na dinesenyuhan ko ay dumating na si Macey.
"Aga natin ha."
Biro nya sakin at tumawa lang ako sakanya. Siya lang ang tanging ka close ko dito sa opisina at isa rin siyang arkitekto, si Kian naman ay isang engineer kaya naman hindi namin masyadong nakakasama dahil sobrang busy sa sobrang daming proyektong hinahawakan.
nasagi nanaman sa isip ko ang nangyari kanina, siguro mamaya ko nalang ikkwento sakanya tutal sabay naman kaming magla-lunch. Pumunta na ako sa officer ng aking boss para ipakita ang disenyo na kanyang gusto para sa bago naming proyekto.
"Good morning sir heto na po yung design na gusto nyo, pinakita ko muna bago ko ipresent sa meeting bukas dahil baka may gusto kayong ipabago." sabi ko sakanya pagpasok ko sa kanyang office at diretsong nilagay ang blueprint sakanyang table.
"Goodmorning Miss Trinidad, Have a seat." sabi niya saakin at ngumiti.
Tinignan niya ito ng mabuti habang tumatango tango. Ilang minuto din akong nag intay bago narinig ang kanyang kumento sa aking ginawang disenyo.
"Magaling Miss Trinidad, halatang pinag isipang mabuti ang disenyo, sigurado akong hahanga sa 'yo ang mga nasa meeting bukas." sabi niya habang nakangiti.
"Salamat po sir, mauna na po ako." hinintay ko ang pag tango niya at diretso na akong lumabas ng kanyang opisina. Pag upo ko sa aking cubicle ay nakichismis agad si Macey sa akin kahit kailan talaga tong babaeng to.
"Ang swerte, lagi ka nalang nakakapasok sa opisina ni sir." sabi nya sakin habang tinitingnan ako ng mapang asar na tingin.
Hindi naman maipagkakailang guwapo ang aming boss mabait din at magaling magtrabaho pero kahit kailan ay hindi ako kinilig manlang dito katulad ng mga kaopisina ko at ni Macey.
"Tigilan moko dyan Macey, wala akong oras sa mga ganyan mo." sabi ko sakanya at inirapan siya. Bumalik na kaming parehas sa pagttrabaho at sumagi nanaman sa isip ko ang nangyari kanina. Ginugol ko ang oras ko sa pagttrabaho para lang mawala sa isip ko ang panaginip na iyon hanggang sa nag lunch na at inaya na ako ni Macey na kumain.
"Macey naranasan mo na bang managinip?" sabi ko sakanya. Nagtaka ako dahil parang gulat na gulat siya sa tanong ko pero nagsalita din agad.
"Oo naman, tanga kaba? lahat naman tayo nananaginip." sabi niya habang pilit na tumatawa. Hindi na ako nagtanong pa dahil parang hindi siya komportable na pag usapan yon, baka naman panaginip lang talaga iyon at wala ng iba.
Natapos na ang aming lunch kaya balik trabaho na ulit kami. Gumawa akong aking ippresent bukas sa meeting at nang matapos ko ito, ilang oras lang din ay nag out na kami ni Macey. Habang palabas kami ng building ay nakasalubong namin si Kian.
"My girls! I miss you!" sabi niya samin at sabay kaming niyakap ni Macey. Isang linggo na din kasi simula nung nagbonding kaming tatlo kaya naman namiss talaga namin si Kian lalo na't siya ang parating busy sa amin.
"Wow Kian buhay ka pa pala." nagtatampong sabi ni Macey habang tinatarayan si kian. Alam naman namin na busy siya at naiintindihan namin yon, ganyan lang talaga lagi si Macey kay Kian.
Natawa naman si kian sakanya "Busy lang sobrang daming project, sayang naman kung papalampasin ko." sabi ni kian kay Macey at ginulo ang buhok nito.
Oo nga naman sayang ang mga proyekto kung hindi niya tatanggapin at isa rin siya sa magagaling na engineer ng kompanya kaya marami talagang trabaho. Tinawanan ko lang ang ang kakulitan nilang dalawa.
"Tara kain tayo sa labas, libre ko tutal ako yung laging busy." sabi ni Kian sa amin at agad namang ikinatuwa iyon ni Macey.
"Tama yan, gutom nadin ako eh, tara na." aya ko sakanila at dumeretso sa sasakyan ni Kian.
Pag tapos namin kumain ay nagsiuwian na kami. Hindi na kami masyadong nagtagal dahil pagod kami pare parehas. Pagpasok sa bahay ay nagpahinga lang ako saglit at nagshower na.
pagtapos kong magshower at magbihis ay nag open muna ako ng aking email. Nakita kong may sinend ang aking boss kaya naman ito ang una kong tinignan.
: Good Evening Miss Trinidad.
A friend of mine bought a house and planning to renovate it. He's asking me if I know someone who can help him plan the design of the house, since he's getting married soon. You're one of the best architects in our company, can you do this project or you have to many projects coming?
Hindi na ako nagdalawang isip at nag email narin ako kay sir na okay sa akin yon dahil dagdag experience iyon at makakatulong para mag improve pa ako. Dahil medyo maraming akong tinype kanina sa opisina ay sobrang sakit ng mata ko kaya dumeretso na ako ng tulog.
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasíaAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...