Chapter Thirty-Two

25 6 0
                                    

Pagtapos ko silang kausapin ay nagbook agad kami ng ticket papuntang palawan. Kinakabahan ako sa mga dapat ko pang malaman. Macey keeps on apologizing to me simula pa kahapon, its not her fault sinunod nya lang ang magulang ko dahil para naman daw ito sa ikabubuti ko.

Simula kahapon ay patuloy ang pag sakit ng ulo ko pero hindi ko ito iniinda dahil ayokong mag alala pa sila Macey sa akin.

As we arrived in Palawan, dumeretso kaagad kami sa bahay para kausapin sila mama. I don't really know how to face them, nahihiya ako at halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nahihiya ako dahil naging pabigat pala ako sakanila ng hindi ko manlang nararamdaman, kaya pala they're always checking on me if im fine or kung may masakit ba sa akin, iyon pala ang dahilan.

"Tita.." bungad ni Macey kay mama pagbukas nito ng pinto. Nagkatinginan sila at ng mapansin ako ni mama ay halatang nagulat siya, siguro ay alam niya ng alam ko dahil wala namang rason para umuwi ako dito ng biglaan.

Pumasok kami sa bahay at umupo sa sala namin. Tahimik kaming lahat at walang may balak na magsalita kaya naman inunahan ko na sila.

"Bakit niyo tinago sa akin? Ng ganon katagal?"

"Im sorry a-anak, I just wanted to protect you. Sinubukan naman naming ipaalala sa iyo pero hindi naging maganda ang resulta at natatakot ako na baka mas hindi ka na makaalala tulad ng sabi ng doctor. Im sorry anak, hindi dapat namin pinatagal ito ng ganto pero hindi namin kayang makitang halos magwala sa sobrang sakit ng nararanas mo sa tuwing may naaalala ka." Sabi ni daddy at tumingin kay mama na kanina pa lumuluha.

"A-asan si T-trev? Bakit kailangan niyo pa kaming paglayuin?"

"Trev and Katelyn are in the hospital, they've been comatose for 2 years. Mas minabuti namin na ilayo ka dahil mas mag ttrigger ang sakit ng ulo mo kapag andito ka sa palawan at pilit na nakakaalala." Sabi ni daddy na mas ikinaluha ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"But W-why? What happened to us?"

"1 year after your graduation nag celebrate kayong tatlo dahil ikaw, magttrabaho kana at si Trev, nagkaroon ng malaking achievment ang kompanya nila at si Katelyn naman ay napromote sa trabaho niya noong panahong iyon. Naaksidente kayo dahil nabangga kayo ng truck dahil sa nakainom ang driver nito. Malakas ang naging impact ng pagkabangga kay Trevortine at Katelyn."

"A-asan sila? G-gusto ko silang p-puntahan." Sabi ko at naghahabol ng hininga dahil sa pagiyak ko.

"Pero baka mag—"

"Ma! Ang tagal ko ng nabuhay ng walang ala ala, ipagkakait niyo pa ba sa akin itong gusto ko?"

I really want to see them pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Kung alam ko lang ay sana nababantayan ko sila noon pa pero ano pa nga bang magagawa ko?

Pumunta kami sa ospital, ospital na pinagdalhan sa akin noon nina Larize noong inatake ako ng sakit ng ulo ay nawalan ng malay. Umakyat kami sa floor kung saan ang room nila Trev at naalala kong dito rin ang floor ng room ko noong dinala ako dito.

Una kong pinuntahan ang room ni Trev at nagulat akong andon si Neomi na nakikala ko sa El Nido. Nagulat siya ng makita niya akong papalapit sakanya at napatingin naman siya sa likod ko kaya ang gulat niya ay nahaluan ng pagtataka.

"S-sam?"

"Andyan ba si.."

Nagkatinginan si Macey at Neomi habang sila mama ay nasa likuran lamang at hindi kumikibo

"Si Trev."

Nakita ko ang tuwa sa mata ni Neomi kaya naman bigla siyang yumakap sa akin at saktong paglabas nung babae at batang kasama niya noon sa supermarket dito sa palawan.

"Finally! you're here, I missed you!" Sabi nito at nakayakap parin sa akin.

"Ate Sam!" Sabi ng bata at yumakap sa akin na hanggang beywang ko lamang kaya naman kumalas ng yakap si Neomi at bumaba ako at pinantayan ang batang lalake para kausapin ito. Pumikit ako ng mariin ng maalala ko ang isang imahe na kasama namin siya ni Trev sa Crocodile farm.

"I really missed you ate Sam! Pati ang bonding nating tatlo ni Kuya Trev." Sabi nito sa akin.

"May i know what's your name? Nagka amnesia si ate Sam, thats why I don't recognize you baby boy."

"Im Tyrone, kuya Trev's favorite cousin." Sabi niya. "You didn't remember ate Sam? Kuya Trev is so jealous noon kasi sabi Im your favorite baby boy." Dugtong pa niya.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit at ganoon rin ang ginawa niya sa akin. Napatingin ako sa babaeng kasama niya kanina palabas ng pinto at ngumiti ito sa akin.

"I miss you my favorite bitch." Sabi nito at unti unting lumapit sa akin para yakapin ako.

"Im sorry." Sabi ko na ikinatawa niya ng mahina.

"It's not your fault" sabi niya at kumalas ng yakap sa akin. "Pumaso kana sa loob, dalawang taon kana niyang inaantay." Sabi niya at ngumiti sa akin na may kasamang lungkot dahil sa huling sinabi niya.

"Thank you.."

"Angel." Sabi niya at ngumiti ulit sa akin.

"Thank you Angel."

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin si tita na nakaharap kay Trev at hawak ang kamay nito. Sumara ang pinto na naging dahilan ng paglingon niya sa kinaroroonan ko at ng makita niya ako ay laking gulat niya. Lumapit siya sa akin para yakapin ako.

"Finally, you're here anak."

Sabi niya na ikinalambot ng puso ko.

"Im sorry tita—"

"You forgot, you always call me 'Mi." Sabi nito at tumawa.

Ngumiti naman ako sakanya at hinawakan ang kamay niya.

"Im sorry M-mi, I should be the one taking care of them." Sabi ko.

"No anak, Im happy that you lived a happy and peaceful life in manila, ayon lang ang gusto ko para sayo." Sabi niya.

Lumabas na siya para iwan ako at si Trev na nakahikata sa kama ng ospital at maraming naka kabit na kung anong bagay sa kanyang katawan. Hindi na kinaya ng mata ko kaya tuloy tuloy ang luha na bumagsak sa aking pisngi.

This is so painful to see. I didn't expect na makikita ko siya ng ganito dahil noong magkasama kami sa Mallory ay ang kisig at ang saya niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at umupo sa tabi niya. Ang sarap sa feeling na nahawakan ko na ulit siya.

Hi my poging boyfriend, Its hard for me to see you like this. I missed you so much, Im sorry im not here to take care of you but I promise to make it up to you starting today. Please wake up, my love.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon