"Anak, tatlong buwan ka ng nag babantay sakanila, hindi ka pa ba napapagod?" Tanong tita sa akin.
"My, wala pa po ito sa dalawang taon na pag aantay niyo sakanila."
"Pero anak, isang buwan nalang ay pasko na at ilang araw bago magpasko ay magtatlong taon na sila. Anak, Maybe it's time for us to let them go, baka nahihirapan na rin sila." Sabi ni tita sa akin habang ako ay nagpipigil ng luha.
"Give me until the evening Christmas before i finally let them go, this will be my gift for myself, acceptance."
Pagtapos namin mag usap ni tita ay umalis na siya para puntahan si tito na nag aasikaso ng kompanya dahil nga wala si Trev. Tatlong buwan na akong nagbabantay sakanilang dalawa ni ate Kate at hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa. Sa tatlong buwan na iyon ay marami narin akong memorya na naaalala.
"Wake up love, i miss you already." Sabi ko at hinalikan ang kamay niya na hawak ko. "Remember when i was still in Mallory? Ikaw ang gumagawa nito sa akin kaya kung hindi ka gigising pano mo ulit hahawakan ang kamay ko?" Sabi ko at tuluyan ng naluha. "Ang tagal mo ng tulog love, gusto na kitang yakapin." Sabi ko habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.
"Sino na lang ang magiging ka forever ko kung wala ka?" Sabi ko at natawa na parang kausap ko talaga siya. "Nakita ko yung journal natin sa bahay, Ang dami pa nating plano, gumising kana para matuloy na natin yung mga plano natin."
Napapuna ako ng luha ng may pumasok na babae sa kuwarto at may dalang mga prutas.
"Hi Samantha, I'm Jhoana." Sabi niya at naglahad ng kamay sa akin kaya naman tinanggap ko ito.
"Can i talk to you?" Sabi niya.
Tumango naman ako bilang tugon kaya lumabas na kami ng room at ng makita ako ni Angel ay siya naman ang pumasok sa kuwarto para magbantay habang si Neomi ay nasa kuwarto ni ate Kate.
"Kamusta kana?" Tanong ni Jhoana sa akin.
"Im fine, still adjusting." Sabi ko at ngumiti sakanya.
"Alam mo bang sa loob ng dalawang taon ay galit ang nararamdaman ko sa iyo? Dahil akala ko ay iniwan mo si Trevortine dahil sa ganoong lagay niya. Nagalit ako sayo at inisip kong kung sana ako yung ginusto niya at wala kahindi mangyayari sakanya iyon"sabi niya sa akin at yumuko ng kaunti.
"Sa loob ng dalawang taon, nagbantay ako kay Trevortine at nakita ko kung gaano ka kamahal ng pamilya niya. I love him, kaya kahit alam kong ikaw parin ang hahanapin niya kung sakaling gumising siya ay nilaan ko parin ang oras ko para lang bantayan siya at makasiguradong gigising siya."
Nakikinig lang ako sa kanya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagkkwento siya sa akin.
"Sa tatlong buwan na pag sstay mo dito at pagbabantay ay hindi na ako nag abala pang pumunta dahil gusto kong masulit mo ang oras na kasama mo na siya ngayon kahit wala siyang malay." Sabi niya at tumigil sa paglalakas para humarap sa akin.
"Please take care of him and also katelyn, please don't give up on him kahit anong mangyari and please take care of yourself, gusto ko pag gising niya masaya siyang andyan ka sa tabi niya."
"I will."
Iyan na lamang ang nasagot ko dahil medyo sumasakit ang ulo ko dahil inaalala ko kung sino siya at anong parte niya sa nakaraan ko. I don't remember her pero feeling ko ay kilalang kilala ko siya at malapit rin siya sa akin.
"Goodbye, Sammy. Mamimiss kita, ex-bestfriend."
Natatawang sabi niya at ngumiti na sakin bilang pagpapaalam at umalis na sa harapan ko. Bumalik ako sa room at nakita kong nag aantay sa akin si Angel.
"You remember her?" Tanong niya.
"Im trying to remember her pero wala akong maalala." Sabi ko.
"She's Jhoana, your ex-bestfriend. She ended your friendship when she realize na gusto niya si Trev. She's also our friend pero hindi na kami masyadong nag uusap dahil ilap na rin siya sa amin." Paliwanag nito.
Pumunta ako sa room ni ate Kate para icheck siya at ng makita ako ni Neomi ay lumabas na siya ng room dahil bibili daw siya ng makakain namin.
"Ate kate, gumising kana please. Sino nalang ang sususporta sa amin ni Trev? At magiging president ng fansclub namin?"
Nakita ko kasi ang mga IG niya na kasama kami ni Trev at naka caption na siya ang president ng fansclub namin dahil kami ang loveteam sa aming magkakaibigan.
"Thank you for everything, ate Kate. Thank you for being like an older sister to me. Thank you for guiding me and Trevortine in everything. Please wake up ate so we can go shopping together at pagbubuhatin natin ng mga pinamili si Trev." Natatawang sabi ko.
"I don't want to let both of you go, but i think you already suffered too much. Maybe its time for both of you to rest."
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasyAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...