Chapter Eighteen

27 8 0
                                    

Napabalik ako sa aking sarili ng tawagin ako ni Engineer, pinapapunta niya ako sa kanyang opisina.

"Good morning miss Trinidad, have a seat." seryosong sabi niya.

"Good morning architect, sorry nga po pala sa nangyari" sabi ko at umupo na.

"It's nothing" sabi niya at tumingin sa akin.

"Bakit niyo po pala ako pinatawag?" Tanong ko sakanya. Pinatawag niya lang ba ako para humingi ng tawad sakanya?

"Gusto ko lang na layuan mo si Trevortine" seryosong sabi niya sa akin. Why would i do that? Sino siya para utusan ako? Buti sana kung mas maganda siya sa akin.

"Why would i do that?"

"Because I want him so bad and I don't want to see him with other girls" parang isip batang sagot niya. Hindi na nahiya tong babaeng to, dahil lang doon pinatawag niya pa ako, sinayang niya lang oras ko.

"Are you his girlfriend?" Tanong ko.

"Hmm, soon." nakangiting sagot niya sa akin.

Nangarap pa ang gaga! Echoserang to.

"Hindi pa naman pala eh, bakit mo ako pinapalayo?bakit hindi ikaw ang dumistansya? Hindi ka naman pala girlfriend."

"Sino ka sa tingin mo para pagsabihan ako?" Mataray na sagot niya sa akin. Ginigigil talaga ako ng surot na to.

"Sino ka din sa tingin mo para utusan ako?" Tinignan niya ako ng masama at ganoon din ang ginawa ko. "Kung tungkol lang diyan ang pag uusapan, please lang architect, iayon mo naman yang kilos mo sa posisyon mo" sabi ko at lumabas na.

Napaka walang kwenta niyang kausap, pinatawag niya pa ako para lang sa ganoong bagay?

"Anong sabi?" Tanong ni Danica.

"Wala naman, pinapalayo lang ako kay Mr.Grey" natatawang sabi ko.

"Susundin mo naman?" Tanong ni Felina sa akin.

"Hindi ganoon ang mukha ng puwedeng mag utos sa akin" deretsong sagot ko sakanila na ikinatawa nila.

Maya maya lang ay lunch na, inaya ako nila Charlene pero sabi ko ay hindi ako puwede ngayon, hindi narin naman sila nagtanong kung bakit.

Umakyat na ako sa opisina ni Trev ng maaga dahil nagugutom na ako kahit kumain na ako kanina.

"Are you ready?" Natatawang tanong ni Trev.

"Bahala ka kakain na ako" sabi ko at tinarayan siya. Dumeretso ako sa table kung saan nakalagay yung mga pagkain. Hineram ko ang phone niya para kumuha ng picture namin, pang IG-story sana. Habang kumakain kami ay may kumatok.

"Sir si Architect Isabelle daw po gusto kang makausap" sabi ni Richael at tumingin sa akin, nginitian ko naman siya.

Tumingin sa akin si Trev na parang nag aantay ng sagot kung papayag ako o hindi.

"Let her in, baka importante hindi naman ako makikisawsaw sa usapan niyo" mataray na sagot ko.

Pumasok si Architect at nagulat siya na naroon ako.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon