Chapter Twenty-Nine

27 7 0
                                    

It's already 12 O'Clock in the afternoon kaya naman sabay kaming nag lunch nila Larize at Shaine. Hindi namin kasama nagayon si Macey dahil may tatapusin pa daw siya kaya bukas na lang siya sasabay sa amin. Medyo mas okay na ang mood ni Larize ngayon pero hindi parin namin siya tinatanong tungkol sa nangyari kagabi.

"Hindi ko alam kung swerte ako o sadyang maganda lang ako." sabi ni Shaine na ikinatawa namin. "Unang araw ko sa Maynila may fafabells na agad ako, forever na this." sabi niya at tumawa.

"Alam kong alam niyo na." sabi ni Larize.

"Ay oo girl! pigil na pigil lang akong daldalin ka kagabi dahil ang lungkot lungkot mong boba ka." sabi ni Shaine habang kinakain ang inorder niyang pastry.

"Nag usap kayo?" tanong ko.

"Oo." sabi niya at kita ang lungkot sa mga mata niya.

"Hala gaga, comeback na agad? Napaka rupok mo friend." sabi ni Shaine.

"Gago, nag kamustahan lang kami, feeling ko nga may girlfriend na siya eh." sagot ni Larize.

"Feeling mo lang yon, feelingera ka kasi eh." sabi ni Shaine

Sinimangutan naman sya ni Larize na ikinatawa ko, hindi talaga dumaan ang araw na hindi sila nagsasagutan ng ganyan.

"Malay mo naman wala." sabi ko sakanya. 

Kung may girlfriend iyon siguro naman hindi siya pupunta ng bar ng hindi kasama yung girlfriend niya.

"Habang magkausap kami  tumunog ang phone niya at nakita ko, pangalan ng babae iyon."

"Malay mo kamag anak lang." sabi ko.

"Hiningi niya nga num--"

"Syempre binigay mo agad, maharot ka." putol sakanya ni Shaine.

'Ikaw na magkwento, mas marunong ka pang hayop ka eh." inis na sabi ni Larize.

"See? Walang girlfriend yan." sabi ko.

"Malay ko ba kung hindi na siya yung jeff na kilala ko, sa tinagal niya dito sa maynila pano ako nakakaiguradong hindi siya mahilig sa mga babae. Please lang I don't want to be one of his girls." sabi ni at uminom sa kape niya.

Habang pinagpapatuloy namin ang pagkain namin ay nagtext si Ethan sa akin.

Sir Ethan:

Are you free later? Let's have a dinner together.

:With Larize and Shaine?

Sir Ethan:

Kung gusto mo, pero mas mabuti kung tayong dalawa lang sana.

:Ang sama mo, ang saya kaya nila kasama haha. Tatanungin ko rin sila baka magtampo eh.

Sir Ethan:

Sure.

After niyang magtext ay kinausap ko na agad sila Larize para ayain mamaya pero hindi daw siya puwede dahil may aayusin siya mamaya para sa mga gamit sa bago nilang condo kaya di na siya sasama. Si Shaine naman ay may date kasama si Cal. Bumalik na kami sa building para magpatuloy ng trabaho.

 Ang daming ibinigay sa akin na files ngayon kaya ang dami kong tinapos at sobrang pagod ng katawan ko at mata ko kaka pasa ng mga papel na pinatapos sa akin at sobrang tutok ko sa monitor para magtype at magpasa rin ng files.

Mabuti nalang at hindi ako masyadong distracted kakaisip kay Trev ngayong araw kaya kahit papaano ay hindi ako masyadong nalate sa pagtapos nito. Alas siyete na ng matapos ako sa mga ginagawa ko kaya pinuntahan ko na sila Larize na nag aantay sa akin para sabay sabay kaming umuwi ng condo

"Kagabi mo lang yan nakilala ha!" sabi ni Larize." Hindi mo pa nga kabisado dito sa maynila, mamaya san ka dalhin niyan." concern niyang sabi.

May punto siya pero malaki na yan si Shaine at alam niya naman siguro ang gagawin.

"Gaga nagsabi naman ako kay Ethan at mapagkakatiwalaan naman daw si Cal, pinagbantaan niya pa nga eh." sabi ni Shaine.

Kahit ganoon talaga iyon si Ethan napaka protective.

"Sabagay malaki ka na, alam kong tanga ka sa pag ibig pero siguro naman di ka tanga sa diskarte." nakangising sabi ni Larize,

"Sus ulol, ang sabihin mo wala kang ka date, pakyu." sabi ni Shaine.

Diba? Aalis nalang ang isa sakanila nagbabangayan pa sila.

"Guys una na ako." sabi ko sakanila at bumaba na dahil nag aantay na si Ethan.

Pumunta kami sa isang restaurant para kumain. Pagtapos namin kumain ay pumunta kami sa isang park para maglakad lakad sandali

"Sam, puwede ba akong manligaw?" 

Nagulat ako sa tanong niya dahil hindi ko ineexpect ito.

"I'm sorry Ethan, you're a good, protective and loving person pero I only see you as a friend." sabi ko sakanya ng diretso at yumuko.

Ayoko ng magpasikot sikot pa dahil ayoko siyang paasahin, kaibigan ko siya kaya ayokong masaktan pa siya.

"Hey." sabi niya at iniangat ang mukha ko sa pagkakyuko. "It's fine, tinanong lang kita dahil baka nagbago na ang isip mo. Hindi kita pipilitin, andito parin ako lagi para sayo if you need me." sabi niya at niyakap ako.

Habang patuloy kaming naglalakad para magpababa ng kinain ay may nagtext na sakin na unknown number.

Unknown number:

Please anak, he needs you. Please comeback for my son.

Who's this? Hindi kaya wrong number lang? Sino namang babalikan ko? Sinong may kailangan sa akin? I find it weird, kaya hindi ko na ito pinansin at nagpahatid na kay Ethan para umuwi.

Hanggang condo ay hindi ko malimutan yung text sakin kanina. No Jai, Wrong number lang iyon huwag mong isipin masyado. Dahil sa sobrang pag ooverthink ko ay inaya ko sila Larize na pumunta a malapit na convenient store para bumili ng beer at uminom sa condo.

"Gagang to, anong pumasok sa isip mo at nag aya kang uminom?" sabi ni Shaine.

"Ang dami ko lang iniisip, naguguluhan ako."sabi ko at nagbayad na kami sa cashier para bumalik sa condo. Nang mag aala una na ay tumigil na kami dahil may pasok pa kaming pare parehas bukas.



Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon