Chapter Twenty-Five

30 7 0
                                    

Maaga akong nagising at nag ayos para sa kasal gaya ng sabi nila Larize at Shaine para makapag picture-an pa kami habang hindi pa nagsisimula. Kumabas na ako ng room para pumunta sa room nilang dalawa.

"Sam! Pasok ka para makapag picture tayo."

Pumasok na ako sa room nila at nagsimula na kaming mag picture-an. Hindi rin naman ako nagpaawat dahil sayang, puwede ko itong ipang post sa Instagram. Naka puti akong off-shoulder na dress at pang beach na sapatos dahil sa mismomg tapat ng dagat ang ginawa nilang venue para sa ceremony kaya mabuhangin.

"Napaka gago mo talaga mag picture Larize!" Inis na sabi ni Shaine.

Pinakita niya naman ang kuha ni Larize na puro naka zoom lamang sa muka niya. Mas lalo kaming tumagal dahil pinaulit lahat ni Shaine kay Larize ang mga shot. Pagtapos namin ay saktong Thirty Minutes nalang ay magsisimula na ang kasal kaya naman dumeretso na kami sa pag gaganapan nito.

"Aw, sana all." sabi ni Larize.

"Sana all, sana all ka diyan eh diba ikaw nang iwan?"

"Pag wala pang boyfriend since birth hindi counted ang opinion." sagot ni Larize kay Shaine.

"Ulol, mag move on ka na lang kasi."

"Ayoko, baka bumalik eh."

"Tanga ampucha." Sabi ni Shaine na ikinatawa kk

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa dahil hanggang kasal ay nagbabangayan sila. I'm really happy everytime na nakakasaksi ako ng kasal pero ngayon parang ang bigat nito sa pakiramdam. Siguro ay hindi ko matanggap na kahit kailan hindi mangyayari yan sa amin ni Trev.

Nang matapos ang ceremony ng kasal ay nagsilipatan kami sa venue ng reception at nagulat ako sa nakita ko.

Bakit siya nandito?

Macey's POV

Nagulat ako ng makita ko si Sam sa reception ng kasal Jashmin na kaibigan ko dito sa El Nido. Nag iwas naman akong ng tingin at medyo lumayo na sa part kung nasaan siya dahil sure akong kokomprontahin niya ako tungkol dito.

I wonder if nagkita na sila nila Neomi dahil sure akong nandito din ang mga yun dahil kaibigan din nila si Jashmin. Kakausapin ko nalang siguro mamaya sila Neomi dahil ayokong magtrigger ang sakit ng ulo ni Sam, Ayoko na ulit makita ang hirap niya dahil doon, hindi ko na kayang makita pa ulit iyon.

Pumunta ako sa room nila Neomi dahil napansin kong wala na sila sa venue.

"Hey." sabi ni Angel na kaibigan namin ni Neomi.

"You saw her?" sabi ni Neomi at kita mo sa mukha niya ang lungkot.

"Yes. Please don't tell her anything muna sa ngayon. I just can't see her suffering again."

"Hanggang kailan Macey? Hanggang kailan niyo bubuhayin si Sam sa kasinungalingan? She needs to know the truth dahil hanggat di niya nalalaman iyon, kahit hindi niyo sabihin makakaramdam at makakaramdam siya ng pagkukulang!" medyo pagalit na sabi ni Mika.

She's always like that, as soon as possible gusto niyang malaman na agad ni Sam kahit na alam niyang medyo makakasama ito kay Sam. Mabuting kaibigan din siya ni Sam pero sa gantong sitwasyon mas pipiliin niya ang kapakanan ng kadugo niya, kahit sino naman.

"Angel's right, hanggat maaga dapat malaman ni Sam pero maghintay din muna tayo ng kaonting oras dahil baka mabigla siya sa nangyari at hindi niya kayanin." sabi ni Neomi.

Neomi is really the understanding one, bukod sakin ay siya ang mas nakakakilala rin kay Sam at sa tingin ko ay mas close talaga sila pero hindi siya ang sinama ni Tita kay Sam dahil alam niyang mas gugustuhin ni Neomi na malaman agad ni Sam ito ng maaga.

Kahit ako sa sarili ko ay gusto o ng ipaalam sakanya ang lahat pero wala ako sa posisyon na pangunahan ang desisyon ng mga magulang niya at gaya ng sabi ko, hindi ko kayang makita ulit siya sa sitwasyong nahiirapan siya.
~

~

Binaliwala ko na lamang ang nakita ko kanina at nag enjoy na kasama sila Larize, baka namimilikmata lamang ako dahil miss ko na sila ni Kian. Nagpunta na kami sa isang bar na malapit sa beach at umalis na sa venue.

"Pag nahanapan kita ng boylet dito Shaine hindi kana tutuloy ng manila." natatawang biro ni Larize.

"Paladesisyon ka talaga noh? Mga nagdedesisyon mag isa hindi counted ang opinion."

"Hindi ako paladesisyon, para naman sa ikabubuti niya iyong ginawa ko." seryosong sabi ni Larize.

"Luh, pinagsasabi mo diyang tanga ka?" natatawang ani ni Shaine

"Tangina ka eh! kala ko iyong sa amin nanaman ni ano yung sinasabi mo! kagabi ka pang leche ka!"

"Girl, move on move on din kasi sa ex, pero dahil isa ka marupok na nilalang, pupunta kang manila para makita ulit siya at nag eexpect na magkakaroon kayo ng happy ending."

"Ulol, hindi noh!" tanggi ni Larize at nilagok ang inorder niyang wine.

"Sus, kaka-wattpad mo yan gago." natatawang ani ni Shaine.

Nakikitawa lang ako sakanila dahiil nakakatuwa silang tignan. Namiss ko tuloy sila ate Kate, nakakatuwa silang kasama.

"Ikaw Sam puro ka tawa diyan, wala ka bang balak mag boyfriend?" tanong ni Larize.

Hindi ko sila masagot na may boyfriend ako at napaka guwapo niya dahil alam kong tatanungin nila ang pangalan para istalk sa Facebook, mamaya masabihan pa akong baliw pag hindi nila nahanap iyon.

"Mhh, Naghihintay pa ako sa right time." iyan na lamang ang sinabi ko para hindi na humaba pa ang usapan tungkol sa akin.

"Paano kung ngayon na ang right time? Malay mo nandyan lang pala siya pero hindi kayo magkatagpo dahil hindi ka naman naghahanap gaga ka! sayang noh!" sabi ni Larize. Ang babaen ito talaga.

"Kahit ngayon pa ang right time pag wala akong matagpuan ibig sabihin non wala pa yung right person." sabi ko at medyo tumawa. "Hindi naman hinahanap ang love, dumadating 'yan" dagdag ko.

"Ay hindi uso iyan kay Larize girl, walang hintay hintay diyan." nagtawanan naman kami sa sinabi ni Shaine maski si Larize ay natawa sakanya.

"What about Ethan? Kahit ganon iyon ay mabait naman at boyfriend material."

"Kaibigan lang ang tingin ko kay Ethan at wala ng iba." Simula ng nakilala ko si Trev hindi na ako naging interesado pa sa ibang lalaki kahit alam kong hanggang sa kabilang mundo ko lang siya makakasama.

"To be honest, may nararamdaman akong kulang sa sarili ko. I don't think i can enter a relationship yet. Gusto ko bago ako pumasok sa relasyon ay wala akong hinahanap na kulang o tanong sa sarili ko."

I finally said it. Talagang may nararamdaman akong kulang sa sarili ko at pilit ko paring hinahanap ang kulang na iyon, pero sa tuwing kasama ko si Trev ay tsaka lamang nabubuo ang mga kakulangang nararamdaman ko.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon