Chapter Three

117 13 9
                                    


Nagising ako at napagtantong nandito ako sa totoong kuwarto ko at tumingin sa orasan, it's already six o'clock at hindi pa ako nakakaligo, Shit! Ngayon yung meeting at kailangan maaga ako para makapag ready manlang dahil umaga ito gaganapin!
Napabalikwas ako ng tayo at dumeretso na sa cr. Habang naliligo ay iniisip ko padin ang yung mga nangyari dahil totoonh totoo ito.

Nakaligo na ako't lahat ay yun parin iniisip ko hanggang sa nasa opisina na ako. Umiling iling ako at nagfocus sa mga blueprint na ippresent ko maya maya nang biglang dumating si Macey.

"Lalim ng iniisip natin ha" biro niya sakin ng madaanan niya ang cubicle ko.
"Wala naman, yung ippresent ko lang sa meeting mamaya" sabi ko sakanya.
"Ano kaba! Ikaw pa! Isa sa pinaka magaling na architect dito" sabi niya saken habang nag aayos ng kanyang desk. Siyempre kahit pa sabihin nilang isa ako sa pinaka magaling hindi parin maiiwasan sakin ang kabahan.
"Thank you" sabi ko sakanya at nginitian niya lang ako. Hindi kasi kami masyadong palakwento pag nasa opisina, siguro ay sa dami nadin ng ginagawa. Ilang minuto nalang ay magsstart na ang meeting kaya binilisan ko ang pag aayos at tumungo sa pag gaganapan nito.

Pagpasok ko ay hindi pa naman ganon kadami ang tao doon. Nagbatian muna kami at umupo na ako sa bandang unahan.

Nang dumating na ang President ng company at ang iba pang nasa matataas na posisyon kasama ang boss ko ay nagsimula na din ang meeting. Iprinesent ko sakanila ang ginawa kong disenyo mukha namang nagustuhan nila pero marami pa ding mga tanong ang ibinato saakin pero nasagot ko naman ito ng maayos dahil talagang plinano ko itong disenyo ng sobra dahil isa ito sa pinaka malaking nahawakan ko.

Mabilis natapos ang meeting dahil lahat ay nagustuhan ang aking disenyo kaya naman pagpunta ko sa aking cubicle ay ngingiti ngiti ang gaga kong kaibigan.

"Ano? Anong balita?" Excited na tanong niya sakin
"Chill Macey ang ingay mo may mga nagttrabaho pa" sabi ko sakanya kaya naman napaayos siya dahil nakatingin sakanya ang mga ka opisina namin.

"Pero kamusta nga? Natanggap ba? Nagustuhan nila?"

"Oo tinanggap nila at magsisimula na daw ito sa susunod na araw kaya kailanga kong contact-in ang mga pagkukuhanan ko ng furnitures" sabi ko sakanya na ikinatuwa niya. Lagi talagang supportado ni Macey ang mga gawa ko kahit minsan nagdududa ako sa sarili kong disenyo kaya sobrang thankful ako sakanya.

"Ibig sabihin ay manlilibre ka mamaya?"

"Busy si kian at busy din ako dahil nga tatawagan ko ang pagkukuhanan ko ng furnitures. Sa friday nalang siguro tutal hindi tayo pare parehas busy pag friday para din walang pasok kinabukasan" paliwanag ko sakanya. Ok naman sakanya yon dahil busy din daw kasi siya sa bago niyang project na ippresent niya next week.

Nag out ako ng maaga, nauna na ako kay camille dahil mag grocery pa ako dahil wala na akong stock sa bahay. Nasa grocery na ako ng makasalubong ko si Sir Dominguez, ang boss namin. kaya naman binati ko ito.

"Good evening Sir Dominguez" pormal na bati ko sakanya. Nagulat naman siya dahil hindi niya ako napansin kanina.

"Good evening Miss Trinidad, call me ethan dahil wala naman tayo sa opisina"

"Ok Ethan, Sam nalang din po"

"Drop the PO isang taon lang agwat ko sayo pinapatanda moko" biro niya sakin. Ngayon lang kasi kami nagkausap ni si-- ethan ng ganto sa isang taon kong pagttrabaho sa company dahil busy siyang tao at puro trabaho ang inaatupag.

Sabay kaming namili at pagtapos nag insist siya na ihatid ako dahil di ako nagdala ng kotse ngayon, una ay umayaw ako pero wala din akong nagawa dahil gusto niya talaga.

"Btw yung sa bahay pala ng kaibigan ko baka next month pa naman yon"

"Ok, basta sabihn mo nalang ako" sabi ko sakanya. Nagpasalamat na ako at bumaba ng kotse.

Naglinis ako sandali at inayos ang mga pinamili hindi naman masyadong pagod ngayon kaya medyo may energy pa akong mag linis.

Pagtapos maglinis ay nagshower na ako tsaka ko lang naalala ang mga nangyari sa panaginip ko. Makakabalik kaya ulit ako doon? Hindi ko alam pero may parte saakin na gustong bumalik doon.
Natapos na ako sa pag sshower at dumeretso na sa pagtulog.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon