Maaga pa lang ay nilagay na namin ang mga bagahe namin sa kotse para hindi na kami mahirapan mamaya at puwedeng mag ikot ikot na lamang kami sa resort.
"I'll just stay in my room, nakakatamad mag ikot ikot."
"Napaka kill joy mo talaga kess."
"Fine, huwag na tayong mag ikot ikot doon nalang tayo sa room ni Xiumhey." sabi ni ate Kate.
"Bakit sa akin?"
"Malamang ikaw may pinaka malaking room, gaga to."
Napa irap na lang si Xiumhey at dumeretso na kami sa kanyang room. Ang laki ng room niya parang puwede nang gawing tirahan. May maliit na kitchen, may dining at may living room pa.
Nagkanya kanyang puwesto na kami sa room ni Xiumhey at nagsimula na silang magkwenntuhan sa kung ano anong bagay.
"Bro naglalaro ka nung bagong laro ngayon? Yung Mobile Legends?" tanong ni Kessler kay Leary. Tinignan naman siya nito ng 'anong-klaseng-tanong-yan' look.
"Mukha ba akong interesado sa ganyan?" sabi ni Leary at nag irapan silang dalawa.
"Ikaw Cyrus? Naglalaro ka? Ano ng rank mo?"
"Mythic V palang." mayabang na sabi ni Cyrus.
"Gusto mo buhatin kita pa mythical glory?" mayabang din na sabi ni Kess.
"Ulol! five man lang kayo kaya ka madaling nabuhat pa mythical glory!" natatawang ani ni Cyrus kaya naman binato siya ni Kess ng unan.
"Ako rin naglalaro ng Mobile Legend." singit ni Courtney habang nag sscroll sa kanyang cellphone.
"Galing mo nga eh, Angela gamit mo tapos naglolord ka mag isa." sabi ni kess. "Tapos hindi pa sumusugod sumasapi ka na." dagdag niya pa.
"inaagaw pa yung buff, tanga talaga." sabi ng kapatid niyang si Cyrus.
"Have you seen Yvette's IG stories?" tanong ni Xiumhey.
Oo nga pala, ikakasal na siya next week, ang alam ko invited sila Trev.
"Omg, buti pinaalala mo, nasa ain ang mga invitations niyo, bibigay ko nalang mamaya." sabi ni ate Kate.
Tulad ng sabi ko kapag nakakakita ako ng kasal, sobrang natutuwa ako dahil they're so lucky na settled na sila. Hinawakan naman ni Trev ang kamay ko at itinayo ako para pumunta sa veranda ng room ni Xiumhey.
"One day, I'll marry you." sabi niya habang nakatingin sa dagat.
Sana.
Hinahangaan ko siya habang hinahangaan niya ang magandang dagat. Impossible mang maging tayo hanggang dulo ang mahalaga naging parte ka ng buhay ko. I'll always find a way to be with you, even if that means I have to make my own world just to find your existence, Trevortine Gray.
"Jai, alam ko na guwapo ako pero wag mo naman akong titigan ng ganyan." natatawang sabi niya.
"Alam mo panira ka ng moment, kita mong ina-admire ko pa kagwapuhan mo eh." sabi ko sakanya at inismiran siya." bahala ka nga diyan." sabi ko at akmang aalis na para pumasok sa loob pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko at kinulong ako sa kanyang yakap.
"I'm so lucky to have you, please don't leave me."
Kahit gusto kong kiligin ng sobra ay may halong lungkot at sakit parin ang nararamdaman ko. Kahit ayaw kong iwan siya, wala naman sa akin ang desisyon. Kung papapiliin lang ako na bumalik sa totoong mundo o manatili dito ay mas gugustuhin kong manatili dito dahil mas kumpleto ako rito, wala akong nararamdamang kulang.
"I won't." Sabi ko na parang sigurado ako kahit alam kong walang kasiguraduhan ang pananatili ko dito.
Sigurado naman akong mananatili ako sakanya kahit na nasa totoong mundo ako.
Dumating kami sa bahay nila Trev ng saktong six O'Clock at nakahanda na rin ng pagkain si tita kaya naman deretso kain na kami sa dining table para kumain.
"Kamusta naman ang lakad niyo?" tanong ng tito.
"Okay naman po, ang ganda po ng resort." sabi ko.
"Mabuti naman at nag enjoy ka, sana tayo ding buong family ay makapag bonding." sabi ni tita at ngumiti.
"Next month hon, wala tayo masyadong aasikasuhin, pwede tayong magplano." sabi ni tito na ikinatuwa ni ate Kate at Trev.
Pagtapos kumain ay umakyat na kami. Dederetso na sana ako sa aking kuwarto ng hinila ako ni Trev para pumunta sa kuwarto niya.
"Hey! Magpapahinga nako!"
"Dito ka sakin magpapahinga. Magsh-shower lang ako sandali." sabi niya at dumeretso na sa banyo.
Kaninang umaga ay naligo ako at bago kami umalis sa resort ay nag shower pa ako para deretso tulog sana ako pag dating dahil akala ko ay malelate kami ng uwi kaya halos pang tulog na ang sinuot ko pauwi.
ilang minuto lamang ay lumabas si Trev na naka towel lang at basa basa pa ang buhok. Ilang beses ko na siyang nakikitang topless hindi parin ako nasasanay at talagang namamangha parin ako sa ganda ngg katawan niya, sinong hindi? Charot!
"Kala ko ba magsho-shower ka lang?" tanong ko sakanya at pigil na pigil akong kiligin sa nakikita ko.
"Naalala ko katabi kitang matulog mamaya kaya naligo na ako." sabi niya habang nakangiti habang deretsong umupo sa gilid ng kama. Parang tenge.
"Sino naman nagsabi sayong tatabi ako sayo?"
"Ako." seryosong sabi niya at bigla akong hinila pahiga at niyakap.
"Ilan gusto mong anak kung sakali?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Hoy Trevortine! Umayos ka anong oras na kung ano ano pa pinag iisip mo." sabi ko sakanya at kinurot siya sa braso.
"Ang sadista mo, nagtatanong lang naman ako!" angil niya.
"Mga tanong mo kasi!"
"Bakit? You don't have a plan on having babies with me?" sabi niya at sumimangot.
"M-meron! May naisip na nga akong pangalan.." sabi ko na ikinagulat niya at halatang nag aantay ng susunod kong sasabihin. " Joke! Matulog na nga tayo!" sabi ko na ikinasimangot niya kaya naman natawa ako at niyakap nalang siya para matahimik na.
"Goodnight, I love you, Trev."
"Goodnight, I love you more."
tumahimik na siya at ako naman ay pinipilit ang sarili kong makatulog. Siguro ay sobrang pagod niya sa pagd-drive kaya nakatulog agad. Niyakap ko ng mahigpit si Trev kaya onti onti na akong dinalaw ng antok.
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasyAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...