Chapter Thirty

21 5 0
                                    

Nagising ako na naguuluhan at nagtataka dahil wala ako sa Mallory tulad ng nakasanayan ko kaya naman para akong nawala sa sarili dahil sa kakaisip dito. Pumasok ako sa opisina at dere deretsong umupo sa aking cubicle.

"Ay wow snob ang gaga." sabi ni macey at lumapit sa akin. "Lutang ka girl?"

Binabati niya pala ako kanina hindi ko manlang napansin dahil sa sobrang pag iisip kung bakit hindi ako nakabalik kala Trev. Napaisip tuloy ako kung anong ginawa ko. 

"Sorry? marami lang iniisip." sabi ko sakanya at ngumiti.

"Weird, ngayon kalang na lutang ng ganyan." sabi niya at tumawa.

Bumalik na si Macey sa cubicle niya, ako naman ay inopen na ang  laptop at habang iniintay itong bumukas ay hinilot ko ang sentido ko at patuloy parin ang pag iisip sa nangyari.

Habang gumagawa ako ng ng bagong plano para sa building na ipinapa disenyo sa akin ay naalala ko naman ang sinabi sa akin ni tita Ruth tungkol sa enerhiya. Ang sabi niya ay dapat hindi ako magpakapago sa mundo nila dahil makaka apekto ito sa akin sa totoong mundo, kapag nangyari iyon ay mapapagod ang katawan ko at hindi na kakayanin na makabalik ng Mallory.

Hindi kaya kailangan ko lamang magpahinga? Siguro ay sobrang napagod lang ako noong nag overnight kami. Hindi puwedeng hindi ako makabalik sa Mallory, hindi ko pa nalalaman kung bakit ako napunta roon at kung anong rason kung bakit ko sila nakilala.

"You're here for a reason Jai, sana nga ikaw na iyon"

"You're here for a reason Jai, sana nga ikaw na iyon"

"You're here for a reason Jai, sana nga ikaw na iyon"

"You're here for a reason Jai, sana nga ikaw na iyon"

Paulit ulit namang sumasagi sa isip ko ang katagang sinabi sa akin ni tita. Kung may rason ang pag punta ko doon hindi puwedeng hindi ito konektado sa akin.

Angel's Point Of View

Neomi and I decided to take a walk to buy some foods instead of bringing a car dahil malapit lang naman daw. I suddenly remember someone, na lagi din naming kasabay pag gantong gusto naming bumili ng pagkain.

"Kamusta na kaya siya? Is she having a great life without her memories?" biglang tanong ni Neomi. Nakilala ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

"I think she's fine, but not literally fine. She needs her memories back for her to feel complete again, kung sana ay hindi nalang nila ito itinago sakanya." sabi ko.

Unang kilala ko sakanya ay hindi maganda ang encounter namin kaya naman nung nakilala ko siya ay nagbago ang tingin ko sakany. She's so caring, loving and protective, lalo na sa pinsan ko. Hindi niya deserve na maitago sakanya ang katotohanan.

"Ginawa lang siguro iyon ng parent niya dahil makakabuti ito sakanya, hindi naman siguro sila magdedesisyon na ikasasama ng anak nila." sagot nito sa akin.

She still needs to know the truth.

"Minsan naisip ko, paano kung mas magiging maganda ang buhay niya without her memories? Without knowing her tragic past? I mean, pano kung iyon lang talaga ang paraan para mabuhay siya ng hindi na namomroblema at malulungkot dahil sa nangyari sa nakaraan? She already experienced so much pain.' dagdag pa nito.

"And you think my cousins doesn't experience so much pain? What if she is the only way to bring him and her back? Tita and tito is almost giving Neomi, its been two fucking years, baka sakaling siya lang ang makakapigil at makakapag palakas ng loob nila tita."

"I love them both and i want to lose them pero hindi mo ba naisip kung baka sila ay gusto narin magpahinga? hindi sa hindi ko sila inaalala pero its almost three years, ilang buwan nalang, maybe it's time for us to let them go." sabi nito sa akin na ikinalandas ng luha sa pisngi ko.

All i want for them is to have their happy ending and happy life.

~

~

Sinabi ko kala Larize na hindi ko sila maiintay dahil maaga akong uuwi para magpahinga. Kanina ko pa gustong matulog, nagbabakasakali akong makakabalik ako sa Mallory. Nang makarating ako sa condo ko ay nag ayos nag shower na agad ako para matulog ng maaga, baka napagod lang ako kahapon kaya hindi ako nakabalik, baka ngayon ay makabalik nako.

Jairenica's (Sam's Mother) Point Of View

"Tita, Maybe it's time for her to bring her memories back."

Hindi matanggal sa isipan ko ang huling sinabi sa akin ni Macey na kaibigan ng anak ko. 

Am I selfish For not telling her, her tragic past? She's my only child, I did all of that to protect her from experiencing so much pain that she doesn't deserve. I want her to recall all her memories but Im afraid of what will happened to her after that, it might change her even her life. 

"Hon, you think it's time for our daughter to know the truth." tanong ko sa asawa ko.

"Siguro, pero mag intay pa tayo ng ilang araw, let her relax for now, lalo pa't stress siya at maraming iniisip tulad ng sabi ni Macey."

Alam kong pag nalaman niya ito ay magagalit siya sa desisyong ginawa ko. She loves him so much at alam kong gusto niyang kasama ito sa ganitong sitwasyon. I'm sorry anak, I just love you too much that I'll do everything to keep you safe and keep you from experiencing too much pain in your life.




Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon