Chapter Fifteen

34 7 0
                                    

Pabalik na kami sa opisina ng nakita ko si Trev na nasa entrance ng building at halatang naiirita na sa kakadikit ni architect. Lumapit siya sa akin ng nakita niya ako.

"Come with me Miss Trinidad" seryosong sabi ni Trev. Tinignan ko naman sila Felina at halatang gulat din sila sa nangyayari.

"Excuse me? Im her bos—" Trev cut her off.

"And im your boss, now go back to work Architect, tapos na ang lunch break niyo."

Tinignan ko sila Charlene, si Danica ay kumaway pa sa akin ng nakangiti habang sila Felina ay inaasar ako ng tingin.

Sinakay ako ni Trev sa kotse at pagsakay niya, pinaandar niya agad ito. Walang kumibo sa amin buong biyahe, bigla namang tumogtog yung kanta na isa sa mga paborito ko. Kaya naman nilabas ko ang cellphone ko at inopen ang Instagram ko para ma-Story ko. Video ko ang daan na dahan dahan mula sa bintana ko.

It's you, it's always you
If I'm ever gonna fall in love I know it's gon' be you
It's you, it's always you

Sakto naman na tumapat kay Trev yung video sa huling line ng kanta.

Met a lot of people, but nobody feels like you.

Tinigil ko ang pagvivideo at tinignan siya ng mabuti. Seryoso naman ang tingin niya sa daan kaya hindi niya napansin na nakatitig ako sakanya. Iba talaga yung pakiramdam pag siya yung kasama ko, Hindi ko naramdama yung ganito sa ibang tao.

Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya nag iwas ako ng tingin at humarap sa aking cellphone. Ini-story ko ito sa instagram at minention ko si Trev.

Tumunog naman ang phone niya na nakalagay sa gilid niya, nag notif siguro agad sakanya pagka mention ko. Maya maya lang ay tumigil na ang sasakyan. Andito ulit kami sa pinaka gusto kong lugar kung saan una niya akong dinala at kung saan kita ang buong Mallory.

Umupo siya at sumenyas na tumabi ako sakanya, iyon naman ang ginawa ko.

"Wait lang, ikaw muna ang umupo" sabi niya sabay tumayo at pumunta sa likuran ko. Sinundan ko naman siya ng tingin.

"Harap ka doon" turo niya sa view. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Maya maya lang ay tumayo na siya.

"Ayan, ok na" sabi niya at tumabi na ulit sa akin. Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

TrevortineGrey_ Mention you in their story.

Tinignan ko naman siya ay viniew ang kanyang story. Silhoutte ko iyon at nagmukang background ko ang buong city ng Mallory, may nakalagay din dito na 'My Favorite View' tapos naka mention ako.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

"Its been 3 weeks Jai, simula nung nakita kita hindi kana mawala sa isip ko" sabi niya at nakatingin pa rin sa view " akala ko nakonsenya lang ako na muntik na kitang masagasaan pero hindi" this time tumingin na siya sa akin.

"I want to Court you, ok lang ba?" Tanong niya at napakamoy sa kanyang batok.

"Pag iisipan ko" tinawanan ko naman siya "joke, oo naman ok lang" sabi ko sakanya.

"Nahalikan mo na ako tapos ngayon ka lang manliligaw?" Natatawang tanong ko sakanya.

"Kas—" i cut him off.

"Nahihiya ka? Ang pogi mo namang mahiyain" pang aasar ko sakanya. Inirapan niya naman ako, sungit.

"Nung nag eskandalo si Courtney sa officer ko, i told you na ako lang pwedeng manligaw sayo, nakalimutan mo agad." Pagpapaalala niya sa akin "Pero ngayon manliligaw na talaga ako and I want to court you here, kasi dito kita unang dinala" sabi niya. Lumapit pa siya sa akin at nilagay ang braso niya sa bewang ko habang magkatabi kaming naka upo.

"Sinabi ko pa sayo na uunahan ko na magiging boyfriend mo na dalhin ka dito, ako rin pala magiging boyfriend mo." Natatawang sabi niya.

"Nye echos ka, malay mo hindi kita sagutin" natatawa ring sagot ko. Sinimangutan niya naman ako.

"Para namang kaya mo akong tiisin" mayabang na sagot niya.

"Kaya talaga! Gusto mo try natin?"Hamon ko sakanya. Inirapan niya lang ako at hindi pinansin ang sinabi ko.

"O diba, ikaw yung hindi kaya na tiisin ako" pang aasar ko sakanya.

"Syempre, alam mo kung pano ako paamuhin" nakasimangot na sabi niya. Tinawanan ko nalang siya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Nagka girlfriend ka na ba?" Tanong ko.

"Guwapo lang ako pero hindi pa ako nagkaka girlfriend" mayabang na sagot niya.

"Nye" yan nalang ang nasagot ko dahil sa kahanginan niya.

"Ikaw ba?" Seryosong tanong niya.

"Secret bawal sa masungit" sabi ko at tumawa " joke lang, maganda lang din ako pero hindi pa ako nagkaka boyfriend" gaya ko sa sagot niya.

Pagtapos namin tumambay doon ay umuwi na kami. Tulog na si ate kate at sila tita pag dating namin sa bahay dahil wala ng tao sa baba, umakyat na kami parehas at pumunta sa sarili naming kuwarto.

Nag showet lang ako sandali at pag labas ko ay nagulat ako naka higa na doon si Trev sa kama.

"Andito ka nanaman?" Aba nawiwili ang mokong. Hindi niya na ako pinansin kaya tumabi na ako sakanya. Paghiga ko palang ay yumakap na agad siya sa akin, Fan ko ba to ng sobra?

"Chill Fan, masyado mo naman akong mahal" sabi ko sakanya. Niluwagan niya ang yakap niya at nung naayos ko na ang kumot namin ay hinigpitan niya na ulit ang yapak niya.

"Goodnight Jai, sleepwell"

"Goodnight di—"

"I love you" sabi niya. Hindi naman ako agad nakasagot dahil sa pagka bigla. Unang beses niya to na nag i love you.

"Hey ok ka lang?" Tanong niya at tumingin sa akin.

"Teka lang, kinikilig pa ako diba?" Sabi sakanya na ikinatawa niya.

"Mahal din kita" sabi ko at hinalikan niya ako sa noo.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon