Chapter Twelve

36 8 0
                                    

Medyo late akong nagising ngayon dahil sa dami ng iniisip ko at mas dumalas ang pag sakit ng ulo ko simula nang makarating ako sa Palawan. Pag baba ko ay nakita kong nagluluto si tita Ruth sa kusina at naghahain naman si tito.

"Good morning ija, Sorry medyo late na nakapag luto buti nalang late din kayo mga nagising" sabi niya at natawa.

"Goodmorning po, Ok lang po tita, dapat po ako na nagluto dahil pagod kayo sa byahe kagabi" sabi ko at tumulong sa paghahanda ng hapag kainan.

"Nako ija ako na dito, gisingin mo nalang sila katelyn at trev at malapit na matapos ang tita mo sa pagluluto" sabi ni tito. Sarap sa pakiramdam na parang pamilya ang turing nila sa akin, pero hanggang kailan to?

Paakyat palang ako ng hagdan ng masalubong ko si ate kate na pababa na.

"Goodmorning Jai! Paki gising nalang si trev ha, sorry!" Sabi niya sa akin at nginitian ako.

"Goodmorning ate, Ok lang yun naman talaga gagawin ko" sabi ko at umakyat na.

Kumatok ako sa kuwarto ni trev pero walang nagbubukas, baka mahimbing ang tulog. Buti nalang at hindi ito naka lock kaya pumasok na ako. Pagpasok ko ay nakita kong walang tao sa kama niya at biglang bumukas ang pinto ng kanyang bathroom.

Lumabas siya na naka towel lang sa ibaba at kitang kita mo ang ganda ng katawan niya. Halos tawagin ko lahat ng santo dahil sa nakita ko.

"If you wanna touch it, just tell me." tumaas ang gilid ng kanyang labi "Hindi ako hihindi dahil pabor sa akin yun Jai" sabi niya. Nanlaki ang mata ko at doon ko lang narealize na sobrang tagal kong nakatitig sakanya kaya naman tumalikod ako.

"Lord ang aga naman ng blessing mo" bulong ko sa sarili ko. Ang harot ko talaga.

"Bakit ka tumalikod? Na-aakit kaba Jai?" Asar niya sa akin.

"Kapal mo ha, bat naman ako ma aakit sayo?" Mataray na sabi ko sakanya. Simula nung gumaan ang pakiramdam ko sakanya ay unti unting nawawala ang pagiging mahiyain ko.

"Dapat maakit ka sa akin dahil inaakit kita." sabi niya at natawa dahil sa sarili niyang kalandian.

"Landi mo" pagpatuloy mo yan, Char!

"Atleast sayo lang" sagot niya habang nakangisi sa akin

Binato ko siya ng unan na mas ikinatawa niya.

"Kakain na, mamaya kana lumandi" sabi ko sakanya.

"Sige, i'll continue later." pabirong sagot niya. Umirap nalang ako at lumabas na ng kuwarto niya.

After namin kumain ay nagbihis na ako dahil inaaya ako ni ate na samahan siya kila lear- Leany. Sa totoo lang madali silang pakisamahan kaya close ko na sila except dun sa Cyrus dahil ayaw ni trev, ugh so possessive. Charot wala palang kami.

Hindi nakasama si trev dahil may gagawin daw siya, pero susunod siya. Naalala ko naman yung babaeng nag eskandalo sa office ni trev kaya sinubukan kong alalahanin ang yung pangalan niya para maitanong ko kay ate kate if related siya kay Cyrus.

Shet naman ano nga ulit yung pangalan non! Cony? Courtney? Yun! Courtney! Fairness ganda ng pangalan kaso... nevermind.

"Ahm ate kilala mo ba yung Courtney Farrell? Related ba siya kay cyrus?" Curious na tanong ko.

"Ah iyon ba? Kambal ni Cyrus iyon, matagal na din may gusto kay trev yon kaya hindi ko gusto dahil papansin." Natatawang sabi niya. Tumango nalang ako kay ate kate. Now i know bakit nag eeskandalo siya, Echoserang frog.

"Bakit mo pala natanong?" Hindi ko alam kung ikkwento ko ba sakanya o hindi, pero sa inis ko ay diko na napigilan ikwento kay ate.

"Kasi ate nung dinala ako ni trev sa opisina nag eskandalo siya doon, bakit daw ako nasa loob ng opisina tapos bakit siya daw hindi puwedeng pumasok doon. Sinabi niya pa na girlfriend siya ni trev"

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon