Nasundo na namin sa bahay si ate kate at naghihintay na kami ngayon sa airport its already 6:15 pero wala padin sila. Nagulat naman ako sa pagtayo ni ate kate kaya napatayo din ako at dun komlang nalaman na andiyaan na pala ang parent nila. Masayang yumakap si ate kate sa ina nila at hinalikan sa pisngi ang ama, samantalang si trev ay bumeso lang sa kanyang ina at tinapik naman ng ama niya ang kanyang balikat. Napatingin sa akin ang ina nila kaya medyo kinabahan ako. Lumapit naman sa akin si ate kate.
"Mom, dad." Tawag ni trev sakanila at lumapit sa amin ni ate kate.
"This is Jai, siya yung kinikwento ko sayo mom." masiglang sabi ni ate kate sa magulang niya. Ngumiti naman ako sakanila.
"Samantha Jairez Trinidad po" naglahad ako ng kamay sakanila at tinanggap naman ito una ng kanilang ina at sumunod ang ama.
"Hi ija, nice to finally meet you." Sabi ng mommy niya at ngumiti sa akin.
"Call me tita Ruth" tumingin naman siya sa kanyang asawa "and this is Danny... your tito Danny, my husband." Tumingin ako kay tito, ngumiti naman siya ay tinanguan ako.
"Mukhang gutom na kayo. Tara na, kumain muna tayo" sabi ni tito.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant, sikat daw ito dito sa Mallory dahil sa masarap na mga luto kaya dito nila naisipang kumain.
"Taga saan ka pala ija?" Tanong ni tita sa akin habang kumakain kami. Medyo kinabahan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Mukhang napansin niya naman na medyo nailang ako sa tanong niya kaya iniba niya na ang usapan.
"Nevermind that question ija. Ang sabi sa akin ni katelyn nagttrabaho ka daw sa company ni trev" tanong ni tita ang ngumiti sa anak.
"Company natin mom" sabi ni trev at talagang idiniin ang salitan 'natin'.
"Yes po tita, dapat po ay magpapatulong po ako na maghanap ng trabaho kahit sa mga cafe pero po sabi ni trev na kailangan daw po ng new set of architects ng inyong kumpanya kaya po grinab ko na po iyon." Sagot ko.
"That's nice! So you like designing and Planning pala, I should recommend you to some of my friends." nakangiting sabi niya sa akin.
"Nako tita thank you po" nahihiyang tugon ko sakanya.
Pagtapos namin kumain ay umuwi na din kami. Anong oras na at hindi parin ako nakakatulog samantalang ang iba ay tulog na dahil sa lakad ngayon. Hindi ako makatulog kaya naisipan kong bumaba at uminom ng tubig sa kitchen.
Pagpasok ko sa kitchen nakita kong naka upo sa high chair si tita habang umiinom sa kanyang kupita.
"Oh ija bakit gising kapa? Hindi ka din ba makatulog?" Tanong niya sa akin at uminom sa kanyang wine.
"Hindi po tita eh" sabi ko at nagsalin ng tubig sa baso.
"Seat here ija, magkwentuhan muna tayo." Sabi niya at tinuro ang upuan na malapit sa kanya. Umupo naman ako sa high chair na sinabi niya habang dala ang baso mg tubig na iniinuman ko.
"I asked you kanina kung taga saan ka but i saw you na hindi ka komportable sa tanong ko." Sabi niya at tumingin sa akin.
"Honestly tita, hindi ko alam kung pano ako napunta dito" sabi ko sakanya at nakita ko amg pagtataka sa kanyang mata "i was in a dark and scary forest and luckily i found a street at doon po ako muntikang masagasaan ni trev and nagising nalang po ako na nandito sa bahay nyo" pagtutuloy ko ng kuwento.
"So you're saying na hindi ka taga dito sa Mallory?" Nalilitong tanong ni tita sa akin. Tumango naman ako sakanya.
"We also found katelyn and trev in that place where trev saw you" pag amin niya sa akin na ikinagulat ko.
Really? Dun din nila nakita sila trev? Pero akala ko totoong anak nila ito?
"Wala kaming anak ni danny dahil hindi ako nabubuntis, kaya nung nakita namin si trev at katelyn tinuring namin silang tunay naming anak" pagtatatuloy niya at nakita ko ang lungkot at saya sa mga mata niya.
"Pero ija paano ka napunta dito?" Tanong niya sa akin.
"Kada po natutulog ako pag gabi sa totoong mundo ko ay nagigising po ako dito sa mundo niyo" simpleng sagot ko sakanya.
"You know ija, i understand you. May kakilala ako na ang anak ay katulad mo. Nakita niya ang bata sa tapat ng bahay niya at dahil wala siyang ibang kasama kinupkop niya ito at tinuring na totoong anak niya" sabi niya at sabay nalungkot ang mukha
"but then isang araw hindi nalang ito nagising at sa tingin ko ay hindi na kinaya ng katawan niya ang enerhiya na galing dito sa Mallory" sabi niya"Enerhiya?" Nagtatakang tanong ko. May ganoon ba?
"Ang mundo ng mallory ay hindi para sa mundo ng mga taong katulad mo ija, ang mundong ito ay para sa mga taong malapit ng sumakabilang buhay o papunta na sa kabilang buhay" sabi niya na ikinatakot ko. Ibig sabihin si trev at katelyn patay na?
"Lahat ng tao dito ay may oras din, hindi kami maaaring mabuhay lang dito, may katapusan din ang pananatili namin dito. Para lang kaming nasa totoong mundo, kumbaga stop over lang namin to o part two ng buhay namin" sabi ni tita at tumawa ng bahagya.
"Alam kong naguguluhan ka sa ngayon, maiintindihan mo din yan habang tumatagal ka dito" sabi niya at ngumiti.
"Pero ano po yung sinabi niyong enerhiya?" Nagtatakang tanong ko. Ang daming tanong na nag bumabalot sa isip ko ngayon pero nakita kong inaantok na si tita.
"Kada napupunta ka dito sa mallory ay napapagod ang katawan at pag iisip mo sa totoong mundo at pag nangyari yon hindi mo na kakayaning mapunta pa dito dahil hindi na kaya ng utak mo ang enerhiya ng Mallory, kaya ija mag ingat ka at alagaan mo ang sarili mo, huwag kang magpapabaya at masyadong magpakapagod habang andito ka dahil makaka apekto ito sayo sa totoong mundo mo" sabi niya sa akin. Kaya pala sa tuwing nasa totoong mundo ako ay lagi akong inaantok at pagod and pag iisip, mabuti nalang at nasabihan ako ngayon ni tita.
Ayoko na sanang magtanong pa pero etong tanong na to ang hindi magpapatulog sa akin.
"Matagal na po ba dito sila kate at trev? Bakit po hindi niyo sila nilipat sa apelyido ninyo? Katulad ko din po ba sila?
"Hindi mo sila katulad Jai, they've been here for two years. Hindi ko sila ipinalit sa apelyido namin dahil alam kong makakabalik pa sila" malungkot na sabi niya. Nag iwas naman siya ng tingin sa akin at iniba na ang usapan.
Makakabalik pa sila
Makakabalik pa sila
Makakabalik pa silaMakakabalik saan? Akala ko ba ay hindi ko sila katulad?
"Tara na ija at matulog na tayo" sabi niya at lumabas na kami ng kitchen para tumungo sa taas pero bago ako humiwalay ng direksyon may narinig ako kay tita.
"You're here for a reason jai, sana nga ikaw na iyon"
Ayan ang sinabi niya na halos hindi nagpatulog sa akin dahil sa kaka isip ko. Naalala ko naman ang payo niya kaya tinigil ko na ang pag iisip at natulog na.
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasyAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...