Chapter Twenty-Four

25 7 0
                                    

Nagising ako na may nakayakap sa akin, tinanggal ko ang pagka yakap niya para humarap sakanya. Tinitigan ko siya habang natutulog ng mahimbing realizing how lucky I am to have him. Mas lalo akong nasasaktan sa tuwing iniisip ko na anytime puwedeng hindi na ako makabalik dito para makasama siya o sila.

"Stop staring Jairez." sabi niya habang nakangiti at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you."

"I love you..more"

"Sino kayang hindi natulog sa kuwarto niya?" Tanong ni Leary habang magkakasama kami palabas ng hotel. Nakangising aso ito kay Trev kaya tinawanan siya nito habang umiiling.

"Totoo ba ito? after ilang years nakita ko na ulit na tumawa si Trevourtine Gray?" Pang aasar ni Xiumhey na ikinatawa ng lahat except Courtney syempre, masyadong malungkot ang buhay niya para sa ganitong bagay.

"Jai, ako naman matutulog sa room mo mamaya ha!" sabi ni ate Kate na kala mo nagmamakaawa pa.

"Let's see." nakangising sabi ni Trev.

"You can sleep in my room naman Trev." sabi ni Courtney na ikinatahimik ng lahat. Hindi ko talaga alam kung nananadya siya o ano kaya nakaisip ako ng kalokohan.

"Oo nga Trev, you can sleep there, ayon ay kung sanay si Trev na iba ang katabi at hindi ako." sabi ko na ikinatawa nila. Napatingin naman ako kay Trev na natawa din sa kalokohan ko.

Nagpunta na kami sa isang kainan para kumain ng heavy breakfast dahil mamaya nagbabalak silang mag pagod at sulitin an araw dahil bukas ng hapon ang uwi namin at gusto nila bukas ng umaga ay mag chill nalang.

"Katelyn? Trev?" may tumawag na babae bago pa kami makapasok sa kainan.

napatingin kami sa nagsalita. Isang babaeng matangkad at may kulot na buhok ito.

"Yvette? Kailan kapa dumating?" tanong ni ate Kate sakanya

"Kaninang umaga lang." sabi nito at lumapit para bumeso dito.

Si Trev naman ay parang gulat padin at kita mo sa mata niya ang pagkatuwa.

"O god! Trev!" sabi nito at yumakap kay Trev na parang wala ako sa tabi nito kaya nabitawan ko ang kamay ni Trev at medyo lumayo ako sakanila. Gumanti naman si Trev ng yakap sakanya.

"I miss you!" sabi nito kay Trev at bumeso din.

"I miss you too." sabi ni Trev at ngumiti.

"I miss you all." sabi niya pati kala Leary at bumeso din dito maliban kay Courtney na hindi maipinta ang mukha dahil sa kakasimangot.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti din ako.

"Trev's Friend?" tanong niya habang nakangiti.

Napatingin naman ako kay Trev, ganon din sila ate Kate, nakatingin sakanya a parang nagtataka at may inaantay na sabihin si Trev at mukhang walang balak palitan ang word na "Friend".

"Yeah. Sam, Trev's Friend." sabi ko at naglaan ng kamay. Tinanggap niya naman ito at ng mapatingin mapatingin ako sa iba ay para silang naguguluhan sa sinabi ko.

Bumalik naman si Trev sa tabi ko at pumasok na kami sa kainan.

"Trev! Dito!" sigaw ni Yvette at tinuturo ang katabing upuan.

"Dito ako sa tabi ni Jai."

"Kakarating ko lang hindi mo manlang ako mapagbigyan." sabi ni Yvette kaya tumingin sa akin si Trev at tinanguan ko lang siya bilang pag sang ayon. Lalapit na sana si Trev kay Yvette ng nagsalita si Cyrus.

"Dito ka nalang sa tabi ko Jai."

Lumapit sa akin si Trev at dinala ako sa dapat pag uupuan naming dalawa kanina.

"Seloso." sabi ni ate Kate na ikinatawa nila maliban kay Yvette at Courtney.

Pagtapos namin kumain ay nagbihis na rin kaagad kami para maligo sa dagat kasama si Yvette. Habang naliligo kami ay dikit ng dikit si Yvette kay Trev at nagbabasaan sila kaya naman lumapit si Trev sakanya at hinawakan siya para patigilin at tuloy lang ang tawanan nila. Hindi na ako nakapag pigil ay lumayo ako sakanila at umahon na.

"Tapos kana Jai?"

"Ah oo, mamaya nalang ulit." sabi ko sakanila at dumeretso na sa sun lounger.

Tumunog naman ang cellphone ko dahil sa notification galing kala Felina.

fheyayan: Girl! Hangout tayo dito sa bahay pagdating mo!

charlene.lewis: Sis! Sleepover daw kala Felina, Game kaba?

dnca_gnzls: Sammy! Pag uwi mo let's party! kala Felina lang naman hehe.

itsmeziepogi_: Sam sama ka ha, kala Felina bonding nating lima hehe, welcome party niyo sa akin, bago ako sa grupo.

Si Zie ang bago sa department namin at nakaclose naman kaagad nila Charlene kaya nagin close ko na din, nag iisang lalake sa aming apat.

"Busy?"

Tanong ni Trev at umupo sa tabi ko.

"Nope."

"Who's Zie?"

"Chismoso."

"I'm asking you Jai, who's that?Manliligaw mo?"

"Might be." sabi ko na ikina kunot ng noo niya.

"You have a boy--"

"Yeah. And my boyfriend can't act right kaya baka kailangan kong palitan."

Iniwan ko siya doon at nagpaalam na kala ate Kate para umakyat sa kuwarto ko at magpahinga dahil masyadong nag iinit ang ulo ko at binabalot ako ng selos kaya mabuti pang magpahinga nalang muna.

Nireplyan ko na sila Danica na sasama ako sakanila basta ay Friday night o saturday iyon para walang pasok kinabukasan.

May kumatok naman sa kuwarto ko at siyempre sino paba. Nagulat ako ng buksan ko ang pinto dahil hindi siya ang ineexpect kong bubungad sa akin.

"Hi." bati niya sa akin.

"Hello. Pasok ka."

Inaya ko siya sa loob at umupo siyang deretso sa kama at hinila din ako dito.

"I'm sorry Sam. I didn't Know na Girlfriend ka ni Trev, walang nag correct kanina saken. I thought he's single kaya ganon and I have a boyfriend, inaasar ko lang si Courtney dahil akala niya may gusto pa rin ako kay Trev but trust me walang something sa amin, ew friend nalang tingin ko sakanya noh. Sorry ulit." sabi niya at niyakap ako.

"Its Fine. Now i know, sorry din"

"Ako kasi ang unang nakaclose ni Trev na babae maliban kay Katelyn kaya naman sobrang close namin noon at naiinggit si Courtney." Sabi niya ulit.

"Its been a year bago ko ulit sila nakita kaya naexcite ako kanina. Ang sabi ko kasi ay baka hindi na ako makabalik dito but hopefully nakabalik ako bago ako ikasal at manatili sa Hilary which is malayo dito sa mallory."

Pagtapos niya magkwento ay sabay na kaming bumaba. Sinalubong ako ni Trev at humawak sa bewang ko.

"Now you're not gonna get another boyfriend, selosa." bulong niya sa akin kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

"I'll still get another boyfriend."

"No, you're not. Wala ng boyfriend na kasing hot ko." sabi niya at ngumisi kaya pilit kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko pero mas hinigpitan niya pa ang hawak niya dito.

"Ang hangin mo."

Dumeretso kami sa pool at naglabas na sila ng mga alak para uminom at maligo sa pool hanggang madaling araw para daw sulit.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon