Chapter Twenty-Eight

24 7 0
                                    

Sunday palang kaya tita Ruth decided na magkaroon kami ng over night sa beach resort din na pagmamay ari naman ng kapatid niya kaya ginising niya kami ng maaga para makapag ayos ng gamit namin. Mabuti nalang at marami kami swimsuit na binili ni ate Kate, kung hindi wala akonv susuotin ngayon.

Nang nakapag ayos na kami ay umalis agad kami para makapag enjoy kami habang maaga at masulit namin ang isang araw na pag iistay namin doon. Mas malapit ito kesa sa beach resort na pag mamay-ari ng magulang ni Xiumhey.

Magkasama kami ni ate Kate sa kuwarto at si Trev naman ay mag isa kaya naman todo ang asar ni ate Kate sakanya kanina. Nagpalit na kami ng pang ligo para pagtapos kumain ay puwede na kaming dumeretso sa dagat at mag picture.

"I can't sleep without you." Bulong sa akin ki Trev.

"Sus, dati nga wala ako nakakatulog ka naman." Sabi ko sakanya

"That's different, hindi na ako sanay ngayon." Sabi niya at sumimangot.

Pagtapos namin kumain ay dumiretso na kami sa dagat habang si tito at tita ay nasa sun lounge para magpahinga muna sandali at mag relax.

Nag picture-an muna kami at hindi muna naligo dahil mainit pa masyado. Pagtapos namin mag picture-an ni ate Kate ay kinuhaan niya naman kami ng picture ni Trev.

"Ang annoying mo Trevortine!" Sabi ni ate Kate at pinagpapalo niya ito.

Nagpipicture-an kasi kami ulit at sabi ni ate Kate na magpose daw ako ng sexy kaya naman hinubad ni Trev ang polo niya at isinuot sa akin.

"You can only take sexy photo from her pag kasama ako sa picture." Seryosong sabi ni Trev. "They should know that She's taken not single" dugtong nito at umirap.

Nakita ko namang nakatingin sa kanya ang grupo ng mga babae dahil sa pag hubad niya ng polo niya. Kaya sinimangutan ko siya at tumingid sa grupo ng mga babae, agad niya namang nakuha ang pinupunto ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at nilagay sa balikat niya at dinala ako sa tubig at pinagbabasa ako. Nang gaganti na ako sakanya ay umilalim siya at nagulat ako ng yumakap siya sa likod ko.

"Ang harot harot mo Trevortine!" Natatawang sigaw sakanya ni ate Kate. Nakita ko namang papalapit sila tita habang tumatawa at si tito naman na nag tthumbs up pa kay Trev na mas ikinatawa ni ate Kate.

Habang nags-swimming sila tito, ate Kate at Trev ay naghahanda naman kami ni tita ng puwedeng kainin at inumin.

"He looks so happy, I never seen him smiling like that." Sabi ni tita habang nakatingin kay Trev. "Thank you, Sam."

"No tita, Thank you, for treating me like a family." Sabi ko at ngumiti sakanya.

Nang gumabi na at natapos na kaming mag dinner ay dumeretso na kami sa kuwarto para magpahinga dahil sobrang napagod talaga ako kanina dahil nakakatuwa silang kasama lalo na kapag kinukulit ni tito si tita.

Nang may kumatok sa pinto ay tumayo agad si ate Kate para buksan ito.

"Hiramin ko lang girlfriend ko ate." Sabi ni Trev.

"Ayoko, doon mo na siya papatulugin sayo eh."

"Ibabalik ko siya, tatambay lang kami."

Habang pinapanood ko sila ay natatawa ako dahil ayaw talaga akong palabasin ni ate Kate habang si Trev ay napipikon na.

"Sasama nalang ako sainyo!" Sabi ni ate Kate.

"Huwag na, dito ka nalang." Seryosong sabi ni Trev at halatang pikon na kaya pumasok na siya sa loob at hinila ako palabas ng pinto. Tinatawanan ko naman sila habang sinisigawan siya ni ate Kate.

"Bwisit ka talaga Trevortine Gray!" Pahabol pa ni ate Kate.

Nagpunta kami sa tapat ng dagat at tinignan ko naman siya ng makita kong may nakalatag na tela doon at may gitara.

"Hindi ka naman ready noh?" Tanong ko sakanya.

Umupo na siya roon at sinenyasan ako na umupo rin sa tabi niya.

"I want to sing a song for you, I always listen to this song simula ng marinig ko to sayo na lagi mong pinapatugtog sa kuwarto mo."

Nagstrum na siya ng gitara habang nakatingin sa buwan.

"There I was an empty piece of a shell
Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all about"

Nakatingin lang ako sakanya habang dinadama niya ang pag kanta. This boy really know how to make me happy kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.

Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

I should be happy right? Pero hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako at natatakot, Una palang alam ko nang masasaktan ako pero tinuloy ko padin. Hindi naman ako nagsisisi na tinuloy ko pero nalulungkot ako pag iniisip kong mawawala rin to.

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you

How can I ignore and unlove this kind of man? Na walang ibang ginawa kundi pasayahin ako? Pero sabi nga nila, hindi puwedeng laging masaya.

"I want to spend this moment with you dahil ang ganda ng buwan, parang ikaw."

"I've never been so happy like this." Sabi niya habang nakatingin sa dagat. "I never smile like this, I never care like this and most of all i never love like this." Dagdag niya.

"Come here." Sabi niya.

Pumwesto ako sa pagitan niya at niyakap niya ako mula sa likod.

"Let's stay this way, you can sleep if you want."

"Paano ka?" Tanong ko.

"Im fine. I can't sleep, pakiramdam ko mawawala ka sakin." Sabi niya at mas hinigpitan ang yakap.

"I won't."

Niyakap niya lang ako ng mas mahigpit bilang tugon.

Kahit pinipigilan kong matulog dahil ayoko namang sayangin ang moment na to na kasama si Trev pero hindi ko na kaya kaya napapikit na ako at diretso na akong nakatulog.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon