Chapter Twenty

37 8 0
                                    

Tapos na akong mag bihis ng aking pamasok. Bumaba na ako at nakita ko naman si ate Kate na busy sa kanyang cellphone.

"Good morning ate"

"Good morning Jai, maagang umalis si Trev, may aasikasuhin daw."

Aga naman non?

Nag taxi nalang ako papunta ng opisina at pagdating ko doon ay dumeretso ako sa kanyang opisina. Bago pa ako makapasok, nasalubong ko si Courtney na abot tenga ang ngiti.

"Good morning Sam!" Masayang bati niya sa akin. Ew, plastic.

"Morning"

"Trev told me na baka hindi siya makasama sa outing kaya sabi ko sasamahan ko nalang siya and he said na ok naman daw para may kasama siya" maarteng sabi niya sa akin.

Seryoso ba? Sinabi ni Trev iyon? Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa nalaman ko.

Dumeretso na ako sa opisina niya para sana ipaalam na andito na ako.

"Good morning miss Jai, galing po diyaan si Ms.Farell" sabi ng sekretarya niya.

Binati ko ito pabalik at dumeretso na kay Trev.

"Hindi ka daw sasama sa outing?"

Iyan agad ang tinanong ko dahil hindi ako mapakali sa sinabi ni Courtney.

"Yeah, I have lots of work to finish" sabi niya at yinakap ako patalikod.

"Ok, pati si courtney hindi sasama?"

"Yes, tinatamad daw siya."

Really tinatamad? Gusto ka lang solohin ng gagang yun eh! Tapos pumayag ka naman.

"Ok"

Umalis na kaagad ako dahil nawawala ako sa mood. What if may something sakanila? God! Hindi pa nga ako tapos sa issue kay Isabella dumagdag pa ito.

"Good morning Sam! May chikabells kami sayo later jusko! Hindi ka makakapaniwala" sabi ni Danica.

Nacurious naman ako kaagad, syempre chismis eh.

Ang bilis ng oras kaya naman lunch na at naisipan namin na sa malapit na cafe nalang ulit kami kumain.

From: Trev
:I can't eat with you right now, i have something to do.

Hindi ko na iyon pinansin at umakyat na sa opisina niya para sana magpaalam, nagsabi nadin naman ako kala Felina na may dadaanan lang ako.

Pinapasok na ako ng kanyang secretary pero pag bukas kong onti ng pinto ay nakita kong humalik sakanya si Isabella kaya napaatras ako.

Ahh busy...sa ibang babae.

Inantay kong lumabas si Isabella. Pagbukas ng pinto ay may sinabi pa ito sakanya.

"Later then?"

Hindi ko alam ang sinagot ni Trev pero ngumiti naman ng matamis sakanya si Isabella. Nagulat ito ng makita akong nag iintay sa labas at ngumit rin bago umalis.

Ahas ka girl?

Hindi na ako tumuloy dahil doon, bumaba nalang ako at pumunta na kami sa cafe.

"Gaga! Ang kwento pa nga niya text mate daw sila eh!" Chika ko danica.

Nagkwento daw sakanila si Isabella na nagkakausap sila ni Trev at may usapan pa daw silang lalabas sila sa susunod.

"Malay mo naman friends lang!" Pangongontra ni Felina.

"Tanga ba pangalan mo dati? Friends? Eh alam naman ni Trev na may gusto sakanya yon tapos pa friends friends pa" mataray na sabi ni Charlene.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon