Chapter Fourteen

34 8 0
                                    

Nagising ako nang may may nakayakap sa akin kaya naman napa balikwas ako sa pagkakahiga. Shit! Dito nga pala natulog si Trev at ang himbing ng tulog niya. Gusto ko nalang na hindi tumayo sa kama para tabi kami buong araw pero naalala ko ngayon ang unang araw ko sa pagpasok sa kompanya nila.

"Trev"

"Five more minutes Jai, tabihan mo muna ako dito, maaga pa naman." Sagot niya habang nakapikit. Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong 6:30 palang naman pala.

"Baka makita ka nila tita na dito ka natulog, Lumipat kana sa kuwarto mo trev" Nakakahiya kasi pag nakita siya na dito natulog sa kuwarto, pasabi sabi pa na lilipat ng madaling araw, Che!

Hinila niya ako pabalik sa braso niya at yumakap sa akin.

"Sandaling oras pa please then mag aayos na tayo." Sabi niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin, sarap sa pakiramdam. Bakit kasi wala ka sa mundo ko Trev?

Ilang oras lang ay lumabas na siya ng kuwarto para mag ayos, ganoon din ang ginawa ko. Pagkatapos ko magpalit ng pamasok ko ay bumaba na ako. Naabutan ko naman na nasa hapag kainan na sila tita at si ate kate naman ay ngingiti ngiti sa akin.

"Good morning po" bati ko sakanila.

"Good morning ija" bati ni tito habang si tita ay nginitian lang ako dahil busy sa paglagay ng mga ulam sa lamesa.

"Good morning Jai, kamusta tulog natin?" Natatawang tanong ni ate kate na may halong pang aasar. Bigla namang nay tumawa ng mahina sa likuran ko.

"Morning" nakangiting bati ni Trev sa amin.

Nakita kaya siya ni ate kate na lumabas ng kuwarto ko? Shet, nakakahiya!

"Ngayon pala unang araw mo sa trabaho ija, Enjoy lang ha, wag magpaka stress" sabi ni tita saken. Gusto ko sanang sabihin na mas naiistress ako sa anak niya.

"Nako Jai baka doon kana magka boyfriend, maraming fafi doon eh" natatawang sagot ni ate Kate. Sumimangot naman si Trev sakanya na mad ikinatawa niya.

"Kaya hindi sayo pinahandle ni Daddy ang kompanya dahil ayan lang ang gagawin mo doon" masungit na sagot ni Trev. Parang wala naman kasi sa mukha ni ate kate ang pag hahandle ng kompanya mas bagay sakanya ang pag momodel tulad ng ginagawa niya.

"Wala rin naman akong balak noh" sagot ni ate Kate.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano, lalo na tungkol kay trev. Puro pang aalaska ang ginawa ni tita at ate kate sakanya habang si tito naman ay taga tawa lang. Pagkatos kumain ay umalis na din kami.

Buong biyahe hindi kumikibo si Trev dahil narin siguro sa pang aasar sakanya kanina, nawala sa mood ang mokong.

"Uy, ang sungit mo naman, baka maturn off ako sayo sige ka" biro ko sakanya. Syempre joke lang noh! Jusko wala namang katurn-off turn-off  sa lalakeng to eh. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero hindi padin niya ako kinausap. Nakarating na kami sa parking lot ng building ayaw niya padin kumibo.

"Edi wag mo akong kausapin, panindigan mo yan ha! Kala mo papansinin pa kita? Bahala ka." Sabi ko at akmang lalabas na ng kotse ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Im sorry, nagselos lang ako sa sinabi ni ate" sabi niya.

"Ayaw mo na magkaboyfriend ako sa kompanya mo?" Mataray na sagot ko sakanya.

"Depende"

"Anong depende?" Tanong ko sakanya.

"Depende kung ako yung gagawin mong boyfriend" natatawang sagot niya. Saltikin talaga tong lalaking to, kanina lang ang sungit tapos ngayon tatawa.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon