Saturday na at medyo late ako nagising dahil sa pag inom namin kahapon. Nag ayos ako para mag jogging dito sa village. Inaya ako ngayon ni Sir Dominguez na magdinner, pumayag naman ako dahil isa lang naman daw itong friendly date.
I wonder if papayagan ako ni trev if ever na nag eexist siya dito.
Seriously? Umagang umaga siya ang iisipin ko?
Kahapon ang naging lakad naming tatlo nila Macey at kian nag mall lang kami para kumain at nung medyo late na ay nag bar kami.
"Totoo ba sam? Nakwento sakin ni Macey na wala ka daw nagugustuhan na kahit sino?" Natatawang tanong ni kian sakin. Nandito kami sa Max's para kumain.
Bakit kailangan ba meron akong nagugustuhan?
Well meron naman kaso hindi taga dito sa mundo natin.
Napaisip tuloy ako kung nag eexist kaya ang isang Trevortine Grey dito sa mundo.
Umiling naman ako sakanya "Wala" sabi ko kahit meron talaga pero counted ba yun? Kung ano ano ang naiisip ko dahil kay trevortine.
"Baliw talaga yang kaibigan mo kian, si sir Dominguez na sobrang guwapo ay hindi niya nagugustuhan" sabi ni Macey at umaktong na sstress dahil sakin.
"Gaya mo naman ako sayo na naga-guwapuhan sa lahat ng lalake Macey." mataray na sabi ko sakanya. Kailangan ba pag gusto ng mga kababaihan required na magustuhan ko din?
Natawa naman si kian sa sinabi ko kaya sinimangutan siya ni Macey.
"Pero wala ka bang balak mag boyfriend uli-- mag boyfriend" sabi ni kian at bigla siyang binatukan ni camille. May sasabihin siya kanina pero hindi niya tinuloy. Mag boyfriend ulit? Weird.
"Bakit ba gusto niyo akong magboyfriend? Required ba yon?" Natatawang sabi ko sakanila.
"Mag bar nalang kaya tayo? Meron malapit sa condo ko, bagong bukas na bar at kaibigan ko ang may ari" sabi ni kian sa amin. Nag ningning naman mata ni Macey dahil sa suggestion niyang iyon. Sounds fun, matagal na din noong nag bar kaming tatlo.
Umuwi muna kami sa kanya kanyang bahay para mag ayos at magpalit ng damit. Pagtapos ay sinundo kami ni kian pareho at pumunta na sa bar na sinabi ni kian. Pagpasok mo palang ay alam mo nang mayayaman ang mga nagpupunta doon. Nakipag kamay naman si kian sa mga kakilala niya doon at ipinakilala kami sa kaibigan niyang may ari ng bar.
"Tristan this is Samantha and Macey, Mga alaga ko" biro ni kian kaya kinurot siya ni Macey sa tagiliran. Nginitian ko naman si tristan.
"Tristan" sabi niya sabay lahad ng kamay kay Macey at sa akin. Napatagal ang hawak niya sa kamay ko kaya naman pinalo ito ni kian.
"Hey! Sabi ko alaga ko yan, back off Sandoval" natatawang sabi ni kian na ikinatawa din nung tristan at tinaas ang dalawang kamay para magpakita ng pagsuko.
"Gusto kitang magka-boyfriend pero hindi yun sam, mahilig maglaro ang mokong na yon" sabi niya sakin, As if naman na type ko.
Umupo kami sa table na nasa gilid ng dance floor at makikita mo talagang nagiging wild ang mga nag sasayaw doon.
"Ano uupo nalang kayo diyan? Tara na!" Yaya sa amin ni Macey, siya talaga ang pinaka mahilig gumimik sa aming tatlo. Tumawa lang kami ni kian at inubos ang alak na nasa baso at sumunod na sakanya.
Nang nasa dancefloor na kami at nagsasayaw ay biglang sumakit ang ulo ko at may kung anong mga imahe ang lumalabas dito kaya napatigil ako napahawak sa aking sentido. Sobrang pagod ko lang siguro ito dahil busy ako sa buong linggong ito at masyadong maraming iniisip para sa susunod na lingbo.
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
Viễn tưởngAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...