Chapter Nineteen

35 8 2
                                    

Maaga kaming bumyahe papunta sa Puerto Princesa Subterranean River National Park, dito matatagpuan ang underground river na dinadayo nang marami turista.

"Ano Sam, ready kana ba?" Tanong ni Shaine sa akin, hindi naman halatang excited siya noh?

"Oo naman unang beses ko to eh!" Masayang sagot ko sakanya. Hinawakan ako ni Ethan para makasakay sa bangka.

Nang makapasok kami sa underground river ay manghang mangha ako dito. Si Shaine naman ay hindi nagsawa sa pang aasar kay Larize.

"Ayan teh ha, medyo hawig mo yung mga paniki, hindi kaya mga napabayaang kapatid mo ang mga yan?" Natatawang asar ni Shaine habang tinuturo ang mga paniki na lumilipad.

"Ay funny"

"Pikon! Porket hindi Funny, hindi na Funny-ndigan" pang aasar ni shaine Larize na ikinatawa namin, nakisali pa si Ethan sa pang aasar sa pinsan niya.

Pagtapos ng isang oras ay natapos din kami sa underground river. Tulad ng plano ni Larize, pumunta naman kami sa Robinson para bumili ng swimsuit at sakto namang naka sale ang department store nila kaya medyo marami akong napamili. Pagtapos sa department store ay pumunta naman kami sa Souvinir Center at binili ko sina Kian at Macey ng mga pasalubong.

Pagkatapos namin pumunta sa Robinson ay nag aya naman si Ethan sa Emmaculate Conception Cathedral. Ilang minuto lang ay nakarating na din kami dito dahil hindi naman ito malayo sa Mall na pinuntahan namin. Papasok pa lang ako ng Simbahan ng biglang sumakit ang ulo ko.

"Someday, Lalakad ka sa mahabang aisle habang suot ang gusto mong pang kasal."

Sabi ng lalaking hindi ko maaninag ang mukha dahil nakatalikod ito na may kasamang babae, Nakatayo sila sa harap ng simbahan na tinatayuan ko ngayon.

"Basta ba sayo ikakasal eh"

Sagot nung babaeng katabi niya at tumawa na nag echo ng sobra sa isipan ko.

"Sam!"

Nagising ako na nasa kakaibang kuwarto. Napatayo ako dahil akala ko nasa Mallory ako, pero hindi.

"Sam ok kana ba?" Nagaalalang tanong sakin ni Ethan at niyakap ako.

"Nahimatay ka kasi kanina habang papasok tayo ng simbahan kaya dinala ka namin dito" sabi ni Larize at halata din ang pag aalala sa mata niya.

"Jusko ka teh! Kinabahan ako sayo, akala ko kaya ka nahimatay dahil kampon ka ng kadiliman at ayaw mong pumasok sa simbahan." Natatawang sabi  ni Shaine.

Minsan talaga babangasan ko na 'tong si Shaine eh.

"Gusto mo bang pumalit dito sa higaan ko Shaine Mandin?" Mataray na sagot ko sakanya. Hindi na ako masyadong naiilang sakanila dahil madali silang pakisamahan.

Sabi ng doctor na puwede na daw akong i-discharge. Nag offer ako na ako na magbabayad dahil nakakahiya sakanila at nasira ko ang plano ngayong araw pero hindi pumayag si Ethan.

"Thank you ha, sorry din nasira ko yung plano naten" sabi ko sakanila.

"Ok lang ano kaba! Tara na mag swimming nalang tayo sa resort dahil maaga ulit tayo bukas, sa Honda Bay naman tayo." sabi ni Larize.

Nadischarge na ako at lumabas na kami ng room. Habang papalapit ako sa Elavator ay nakita ko yung babaeng may kasamang bata noong pumunta kami ni Ethan sa mall nung unang araw namin dito. Nung malapit na ako sakanya ay napatingin siya sa akin at halatang gulat na gulat. Naalala ko na! Siya yung Neomi! Bigla namang bumuka ang pinto ng kuwarto na malapit sa kinauupuan niya at sumilip doon yung babaeng humila sakanya sa mall, napatingin ito sa direksyon ko kung saan nakatingin yung Neomi, madali niyang hinila si yung Neomi at agarang isinarado ang pinto. What was that?

Dumeretso na ako sa elevator at isinawalang bahala ang pangyayaring iyon. Pagkauwi namin ay nagpalit kami ng pang ligo at pumunta na sa pool.

"Ikaw Ethan, wala ka bang balak mag girlfriend?" Tanong ni Larize sa pinsan niya habang umiinom ng Wine na inorder namin.

"Dati wala, ngayon mukhang meron na" nakangiting sagot ni Ethan at tumingin sa akin. Inalaska naman ako nila Shaine dahil sa pagsagot ni Ethan.

Maya maya lang ay naisipan nila Shaine at Larize na umorder pa ng drinks at bumili ng onting makakain. Naiwan kami ni Ethan sa pool, medyo nakakailang dahil sa asarang nangyari kanina.

"I like you sam" seryosong sabi niya sa akin. Tinignan ko naman siya pero nag iwas siya ng tingin.

"Sorry Ethan per—"

"No sam ok lang, I just want you to know. Hindi ko naman hinahangad na magustuhan mo rin ako, pero sana kung darating yung oras na posibleng mahulog ang loob mo saken, sana huwag mong pigilan." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Gagawin ko lahat to pursue you, hindi kita ippressure, hindi din kita pipilitin na gustuhin ko." Dugtong niya.

I saw how sincere he was while saying those words, ayokong umasa siya sa akin dahil alam ko sa sarili ko na may mahal ako ngayon. Sobrang mahal ko si Trev at alam ko din na sobra din akong masasaktan sa huli. Kahit nag eenjoy ako na kasama siya alam ko sa sarili ko na ngayon lang to masaya, mawawala din siya sa akin sa dulo dahil hindi ko alam kung hanggang kailan lang ako sa mundo nila.

"Susubukan ko" iyan lamang ang nasagot ko sakanya dahil dumating na sila Shaine at Larize na may dalang mga inumin at pagkain. Umahon kami sa pool at pumunta sa table na puwedeng pagkainan.

Pagkatapos namin kumain ay tinamad na kaming bumalik sa pool para maligo kaya naman nagsibalikan na kami sa kanya kanya naming kuwarto para din makapag ayos sa Island Hopping namin bukas.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon