"Jai!"
"Jairez!"
"Samantha Jairez!"Napabangon ako dahil sa sigaw ni ate katelyn at sa lakas ng katok niya sa pinto ko, hirap akong tumayo dahil medyo masakit ang katawan ko.
Mali to, masiyado na atang napapagod ang katawan ko.
Wala na si Trev sa kama, baka bumalik na kuwarto niya. Tumayo ako para buksan ang pinto at bumungad sa akin si ate Kate na naka porma at ready na sa dapat kong ikwento, siguro nakita niya yung story namin ni Trev kagabi.
Papasok na sana si ate Kate sa loob ng kuwarto ng biglang lumabas si Trev na galing sa cr at nakatowel lang, lumapit si ate Kate sakanya at inilabas siya sa kuwarto habang pingot pingot ang kanyang tenga.
"Aray naman! Ang aga aga ate!" Reklamo ni Trev pero hindi iyon pinansin ni ate Kate, binagsakan siya ng pinto at dumeretso na sa akin.
"OMG! Make Chika!"
Natawa naman ako sa sinabi ni ate Kate, hindi naman halatang excited siya noh?
"Kase ate—"
"Don't Tell me together na kayo?" Kinikilig na tanong niya.
Natawa ako sa pagiging conyo ni ate hindi naman siya usually ganto eh, sobra ba kilig neto ngayon?
"Ate pwede ba kumalma ka" sabi ko at tumawa "Nanliligaw palang si Trev ate"
Napa palakpak naman si ate Kate at kilig na kilig.
"Magkakaroon pala tayo ng outing sa resort nila Xiumhey kasama sila Leary pati yung iba. Pag uusapan natin mamaya after ng work mo, pupunta tayo kala Leary" sabi niya. Pero paano trabaho ko? Nakakahiya naman kung kakapasok ko palang tapos magli-leave na agad ako ng dalawang araw.
"Pero ate paano yung trabaho ko? Nakakahiya naman kakapasok ko pa lang."
"Kakausapin ko si Trev mamaya, ihahatid niya naman tayo kala Leary eh" sabi ni ate kate at tinanguan ko nalang siya.
Lumabas na si ate Kate at nag ayos na ako ng pamasok ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi ng paumanhin kay Architect Corsel dahil sa nangyari kahapon or palipasin ko nalang? Bahala na.
Lumabas na ako ng kuwarto at nakasabay ko naman si Trev na naka formal attire, grabe men! Favorite ata ako ni Lord at binigyan ako ng ganto eh.
"Hey, Goodmorning." Sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Good morning din"
Sabay kaming bumaba, nakita kong walang tao sa sala pati na rin sa dining, nasaan sila tito? Pumunta ako sa Kitchen para uminom ng tubig bago umalis. Nakita kong may note na naka magnet sa ref galing kay ate Kate.
"Goodmorning! May emergency meeting si dad, mga dalawang araw daw sila doon. Sorry hindi na ako nakapagluto, may shooting kasi ako ng maaga."
-Sexy:)
Nagugutom pa naman ako, papadaan nalang siguro ako kay Trev sa Cafe malapit sa office para bumili ng makakain. Pinakita ko kay Trev yung note, binasa niya ito at dumeretso na sa sasakyan.
"Trev, puwede bang baba mo nalang ako sa cafe? Nagugutom kasi ako gusto sanang kumain muna sandali, ikaw ba?"
Hindi puwedeng babayaan ko katawan ko dahil natatakot ako na mangyari yung mga sinabi ni tita, hindi pa ako handang iwan sila.
"I'll tell my secretary to buy you food to eat and bring it to you." Sabi niya.
"Huwag na, ako nalang!" Tanggi ko pero huli na ang lahat dahil kausap niya na ang secretary niya. Nakakahiya naman sa tao dagdag trabaho pa niya ang pagbili ng pagkain ko. Inirapan ko nalang si Trev at maya maya lang nakarating na kami sa opisina.
Pagpasok namin ng building ay nagtitinginan ang mga tao dahil nakahawak si Trev sa Bewang ko.
"Ngayon ko lang nakita na may kasama si sir na babae"
"Ang sweet!"
"Akala ko sila ni Engineer Corsel?"
"Mas mukhang ok naman iyan kesa doon sa Isabelle"Marami pang kumento ang narinig ko. Unang beses ba talaga ni Trev magkaroon ng girlfriend? Parang hindi kapani paniwala, sa guwapo niyang yan? Sus!
Sumakay na kami sa elevator at sakto wala kaming kasabay sa loob. Ano kayang feeling pag nakipag make-out sa elevator?
What the fuck?
kung ano ano na naiisip ko dahil sa Trevortine na to!
Pero pag sa opisina kaya? Umiling iling ako para mawala ang mga pinag iisip ko."Siguro ang dami mo ng naka make-out sa opisina mo" hindi padin ako maka move on sa naisip ko kaya naman sa sobrang curious ko pati si Trev ay nadadamay.
"Wala" masungit na sagot niya.
"Sus! Kahit yung nga babae na pumupunta sa opisina mo? Kahit yung mga sexy at malaki ang hinaharap?"
"Wala nga Jai, gusto mo ba na subukan natin? Binyagan na natin ang opisina ko." Pilyong sabi niya at ngumiti ng nakakaasar sa akin. Parang tanga naman tong lalakeng to, pag ako um-oo.
Charot!
"Para kang tanga." kunwari ay iritado ako pero ang totoo nacucurious na talaga ako, Char!
"Tamang hinala ka kase, ilang beses ko ba sasabihin sayo na ikaw pa lang ang babaeng nagugustuhan ko?" Sabi niya at saktong bumukas naman ang elavator. Naglakad na kami patungo sa opisina niya at sinalubong naman kami ng kanyang secretary na si Richael at bumati, inabot din nito yung pagkain na binilin sakanya ni Trev na bilhin para sa akin.
"Sabay tayo lunch?" Tanong niya sa akin.
"Sure, dito nalang sa office mo puwede?" Tanong ko sakanya. Parang nakakatamad kasi gumalaw, onting galaw ko ay parang pagod na pagod ako.
Natawa naman siya na ikinakunot ng noo ko, anong nakakatawa?
"May nakakatawa ba?" Mataray na tanong ko.
Sayang, pogi sana kaso may saltik.
"Nothing" sabi niya habang natatawa pa din. Inirapan ko nalang siya at dumereto na ng labas. Hanggang pagsakay ko ng elavator ay iniisip ko kung anong nakakatawa sa sinabi ko.
Narealize ko na kung bakit!
SHET!
Agad ko namang tinext si Trev.
To: Trev
:Kung ano ano iniisip mo!Bumukas ang elevator kaya lumabas ako at naglakad na papunta sa department namin.
From: Trev
:Hahaha sorry, I thought you'll be my lunch.Siraulo!
Nakarating ako sa department namin at bumati naman kaagad sina Charlene.
"Ehem, hindi daw boyfriend"
"Come with me miss Trinidad"Pang aasar nila sa akin, tinarayan ko lang sila at nagsimula ng gawin ang unang disenyo na pinapagawa sa akin ni isabelle na hindi ko natapos nung unang araw ko.
Hindi parin mawala sa isipan ko ang usapan namin ni Trev kanina, siraulong yon.
I imagine him making out with me at his office, Jusko Lord! Bless me father for i have sinned!
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasíaAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...