Chapter Twenty-Seven

26 6 0
                                    

Nandito kami ngayon sa mall para mamili ng damit nila Larize at Shaine dahil napag usapan naming mag bar mamaya kasama sina Macey, Kian at Ethan. Hindi pa talaga alam nung dalawa dahil aayain ko palang sila dahil si Ethan pa lang ang nasabihan ko.

"Ang hirap mong hanapan ng damit! Ang arte arte kasi!" naiiritang sabi ni Larize kay Shaine.

"Mga pinagpipili mo kasi! Mukang pang debut pinagpipili mong hayop ka." Sagot ni Shaine.

"Edi sana pala ikaw nalang ang pumili, mas marunong kapa saken eh." sabi ni Larize. "Pag ikaw wala kang nakilalang boylet ngayon ibabalik talaga kita sa palawan!"  dugtong niya.

"Sam ikaw na nga lang ang pumili ng susuotin ko mamaya, mga pinagpipili kasi ng isa diyan pang baliw ampucha." naiiritang sabi ni Shaine habang pinaparinggan si Larize.

Naghanap na akong ng susuotin niya para mamaya dahil tapos na naman ako mamili  ng damit. Nakita ko ang isang Fitted white pants at Fitted spaghetti  strap na croptop na kulay light brown. Ibinigay ko sakanya iyon at dumeretso na kami sa cashier para magbayad.

Pagtapos naming mamili ay kumain muna kami at habang inaantay ang order ay tinawagan ko na si Macey. Naalala ko nanaman yung sa kasal pero hindi ko muna iyon itinanong sakanya.

"Frenny! Kamusta kana? Nag enjoy kaba kasama si sir Ethan?" 

"Tigilan mo nga ako, oo nag enjoy ako dahil kasama naing yung pinsan niyya at kaibigan ng pinsan niya." 

"Ay akala ko moment niyong dalawa lang." dismayadong sabi niya.

"Mamaya pala nag aaya yung pinsan ni sir Ethan na mag bar, sama kayo ni Kian." 

"Omg! Kasama si sir, hindi ko papalampasin yan!" masayang sabi niya.

"O siya, mamaya ha, see you!"

"See you frenny!" 

Pagtapos kong tawagan si Macey ay tinawagan ko naman si Kian.

"Kung mag aaya kang uminom ang sagot ay hindi ako puwede dahil marami akong tatapusing trabaho." bungad niya sa akin.

"Ang damot mo." 

"Sam anong araw palang, Wednesday palang nag aaya ka ng gumimik? Hangal ka." natatawang sabi niya.

"Nag aaya kasi yung pinsan ni sir Ethan na BABAE at yung kaibigan ng pinsan ni sir na BABAE rin." sabi ko sakanya at inemphasize ko talaga yung salitang 'babae'.

"Sabi nila masaya daw gumimik pag Miyerkules eh atsaka wala rin naman akong gagawin dito sa bahay tol." 

"Pag dating talaga sa babae eh noh, bwisit ka." 

"Wag kana mag selos kayo lang ni Macey ang prinsesa ko."

"Ulol. Basta mamaya ha." 

"Oo na, diko naman kailangan ng babae, may hinahanap lang din ako sa bar na yun kaya ako sasama." seryosong sabi niya.

"Wow, kailan kapa tumanggi sa mga pinapakilala at nirereto ko?" natatawang tanong ko.

"Gago, walang forever sa reto." sabi niya at tumawa rin.

Pagtapos namin mag usap ay saktong dumating na ang pagkain kaya naman kumain na kami. Pagtapos kumain ay umuwi na kami ng deretso. Nagprisinta ako na dito muna silang dalawa sa condo ko habang nag hahanap at nag aayos pa sila ng condong inihanda ni Ethan para sa kanilang dalawa na malapit lang din dito.

 Ilang minuto lang ang biyahe namin pauwi ay nagpahinga muna kami ni Larize sa sala at nanood habang si Shaine ay nauna ng naligo para mamaya dahil anong oras na rin, mag seseven O'Clock na at sobrang tagal naming maligong tatlo at mag aayos pa kami.

10:30 na ay nag aayos pa din ang dalawa samantalang ako ay nagsasapatos na dahil Eleven O'Clock ay susunduin na kami ni Ethan.

Bumaba na kami at inintay si Ethan sa ground floor at ilang minuto lang ay dumating na ito at dumeretso na kami sa bar. Pagdating namin doon ay nakapag pareserve na agad si Kian ng table para sa amin at si Macey ay nakikipag usap sa ibang tao pa roon. Nang nakita nila kami ay agad na lumapit ang dalawa sa amin.

"Macey, Kian this is Larize pinsan ni Sir Ethan and this is Shaine, kaibigan ni Larize." pagpapakilala ko sakanila habang si Ethan ay nakikipag batian pa sa mga kakilala niya roon.

"Larize, Shaine si Kian at Macey, mga kaibigan ko." sabi ko at nag tanggapan naman sila ng mga kamay. Umupo na kami sa aming table at nagkwentuhan tungkol sa isa't isa ng dumating si Ethan na may kasamang lalake na kaibigan niya ata.

"Guys this is Cali, College friend ko." pagpapakilala niya rito. "Cal this is my cousin, Larize at kaibigan niyang si Shaine." 

Naglahad ng kamay si Larize dito samantalang si Shaine ay nakatingin lang kaya ang lalake na mismo ang naglahad ng kamay sakanya, tinanggap niya ito at nakita kong iba ang tingin sakanya ni Cali at si Shaine naman ay halatang interesado kaya siniko ko si Larize at nginuso ang dalawa

Nakita kong iba ang tingin ni Cali kay Shaine kaya naman siniko ko ito at 

"Call me Cal nalang pero pag sayo Shaine, you can call me baby." pabirong sabi nito kaya binatukan siya ni Ethan.

"This is Kian, Head Engineer ng kabilang department and Macey at --"

"Ofcourse Macey Maravilla and the one and only, Samantha Jairez Trinidad." pagputol niya kay Ethan.

"You know them?" tanong ni Ethan na nagtataka.

"Ofcourse, I'm an engineer too! Dumbass! Dapat lang na kilala ko ang magagaling na architect dito." natatawang sabi niya. 

"Thank you." sabi ko at ngumiti, ganon din ang ginawa ni Macey.

"Cal!" nagulat kami sa sumigaw ng pangalan niya kaya napalingon kaming lahat dito. Pagtingin namin sakanya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig kaya nagkkatinginan kami nila Kian at ng tignan ko si Larize ay parang gulat na gulat siya.

"Jeff, buti dumating ka, may papakilala ako sayo." sabi ni Cal na hindi napansin ang pagka estatwa nung jeff kanina.

"Guys si Jeff kinakapatid ko." pagpapakilala niya sa lalaki. Naglahad naman kami sakanya ng kamay at nagpakilala. Nang tumapat na siya kay Larize ay parang nagdalawang isip siya kung makikipag kamay ba siya o hindi pero s huli ay naglahad din ito ng kamay.

"Jeff." 

Tinanggap naman ni Larize ang kamay niya.

"Larize."

Shit! Hindi kaya eto yung sinasabi niyang mahal niya na pinalaya niya para sa future nito? 

Tinignan ko naman si Shaine at pinandilatan ito at mukang nagets niya ang sinasabi ko kaya nagulat din siya. Pagtapos ipakilala sa amin si Jeff ay umupo na kami sa table para magkwentuhan habang si Cali at Shaine at may sariling mundo at si Jeff naman at Larize ay tahimik.

Tumayo si Larize at nagpaalam na lalabas para magpahangin. Nang makalayo si Larize ay tumayo naman  si Jeff at nagpaalam na sasama magpahangin kay Larize dahil baka mapano ito. Inasar naman siya nila Cal habang kami ni Shaine ay nagkatinginan at nagkibit balikat na lamang. 

Natapos ang gabi namin ng ihatid na kami ni Ethan sa condo. Si Macey ay nauna na naming nahatid at si Kian naman ay nagpaiwan dahil may hinahanap daw siya. Pagpasok namin ng condo ay tahimik kaming tatlo. Hindi na muna namin tinanong si Larize sa nangyari dahil baka hindi okay sakanya kaya hinayaan na muna namin siya at iintayin nalang namin na mag open siya sa amin.




Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon