Chapter Two

189 16 3
                                    


Nagising ako sa isang di pamilyar na lugar, Sa isang magandang kuwarto na hindi ko alam kung kanino. Iginala ko ang mata ko sa buong kuwarto bago bumangon ngunit bago pa ako makabangon ay may babaeng pumasok sa pinto at halatang gulat na gulat.

"Trev!" Sigaw niya habang natataranta.
"She's awake!" Sabi niya at narinig ko naman ang mabigat na yapak na papunta dito sa kwarto.

May pumasok na isang matangkad na lalake na halos kasing tanda ko lamang, may makisig na pangangatawan, matangos na ilong at perpektong panga in short ay Guwapong lalake. Natapos ang pag papantasya ko sakanga ng magsalita siya.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo?may masakit ba sayo?" Tanong niga sakin na halatang nag aalala
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil masyadong maraming tumatakbong tanong sa isip ko kaya umiling na lamang ako.

Bakit ba kasi ako na dito?

"Taga saan ka? Bakit mag isa ka sa lugar na yon?hindi mo ba alam na delikado doon lalo na sa mga gantong oras?" Tuloy tuloy na tanong sakin ng babaeng sumigaw kanina sa tingin ko ay mas matanda lang siya saakin ng ilang taon. Maganda siya at sobrang maamo ang mukha, hindi kaya girlfrien--

"Mamaya mo na siya tanungin trev halatang pagod siya at walang alam sa nangyari. Anyway im katelyn..katelyn grey, trev's older sister" sabi niya sakin sabay lahad ng kamay saakin. Akala ko ay girlfriend siya nung lalake. Napatingin naman ako sa lalake na ngayon ay nakatutok sa screen ng kanyang cellphone at ngayon ko lang napansin na magkamuka pala sila. I wonder if he has a girlfriend...God, What am i thinking!

"Samantha Jairez Trinidad"sabi ko habang tinatanggap ang kamay niya.
"I'll call you Jai and you call me ate kate at yan namang lalaking yan" sabi niya habang tinuturo ang kanyang kapatid kaya naman napatingin ito sa amin.

"His name is Trevortine...Trevortine Grey" sabi niya saakin pero parang wala lang ito kay trevortine. Ang pogi niya kahit mukha siyang masungit.
.
"Ok a-ate kate" nahihiyang sabi sambit ko.

"I always wanted to have a sister! Para may ka bonding ako lagi, i guess ikaw na ang sagot sa prayer ko" sabi niya at tumawa ng mahina. Hindi ba sila close ni trevortine or hindi lang sila parehas ng trip? Anyway ang iniisip ko ngayon ay saan ako pupunta after this because i don't have any idea kung nasaan ako at bakit ako nandito.

"Nasaang lugar pala ako?" tanong ko at napatingin naman dito si trevortine at halata sa mukha nila ang pagtataka. May mali ba sa tanong ko eh hindi ko naman talaga alam kung nasaan ako! Agad din namang nagbago ang ekspesyon ng kanilang mukha.

"You're in Mallory"

What?! Mallory? Nag eexist ba talaga ang place na to o baka naman may gantong lugar talaga pero hindi ko pa napupuntahan but that's impossible i haven't heard this kind of place from anyone.

"Mallory?" Nagtatakang tanong ko sakanila na halatang pati sila ay nagtataka sa tanong ko.

"Yes, Mallory. Bakit?" Sabi ni ate kate. Shit hindi ko talaga alam kung anong lugar to.
"Taga saan ka ba?" Tanong ni trevortine sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil naguguluhan talaga ako sa nangyayari! Alam kaya nila ang Manila? Shit.

"Hindi ko alam" sabi ko at yumuko.

"Seriously?wala kang naaalala? how about your family?" Hindi ko din alam ang isasagot ko. Shit talaga ano ba tong nangyayari sakin. Sabihin ko nalang kaya na mag isa ako?

"Mag isa lang ako" sabi ko sakanila na ikinagulat ni ate kate.

"Really? You can stay here! Right trev?" Pangungumbinsi niya kay trevortine.
Nag isip muna ito bago tumango. Seryoso ba? Yun lang ang sasabihin niya? Kahit pa pumayag siya ay nakakahiya pa din pero hindi ako maka ayaw dahil wala din akong pera kung mangungupahan ako. Siguro pang samantala lang to, maghahanap ako ng kahit anong trabaho na pwedeng makatulong sa pag iipon ko.

Pero magtatagal ba ako dito?

"Salamat ate kate pero kahit pang samantala lang naman, baka may mahanap akong part time job dito para maka ipon din at mangungupahan ako dahil nakakahiya naman sainyo." sabi ko na ikinawala ng ngiti ni ate kate.

"You don't have to rent or even work" sabi naman ni trevortine
"Oo nga kayang kaya ka naman ni trevortine" sabi ni ate kate pero hindi parin ako papayag dahil sobra na iyon, siguro makishare nalang ako sa gastusin dito sa bahay nila? Pero asan kaya parent nila?

"Ok but please let me give my share kahit yun nalang dahil nakakahiya talaga" sabi ko sakanila na ikinatawa ni ate kate.
"You don't have to dahil hindi din papayag sila mom ng ganon" sabi ni ate kate.
"But you can work if you really want para din may pang gastos ka incase na wala si trevortine dahil pag kasama mo yan he won't let you pay" sabi niya na parang hindi namin kasama si trevortine.

"Nasaan pala ang parent nyo?" Hindi ko na napigilan magtanong dahil curious talaga ako.
"Well nag bakasyon silang dalawa ni dad and im sure matutuwa yon pag nakilala ka" sabi ni ate kate habang nagcecellphone.

"Do you have a social media?" Gusto kong um-oo pero baka yung social media ko sa totong mundo ay hindi nag eexist dito kaya umiling nalang ako.

"Tara tutulungan kitang gumawa kahit dito muna sa phone ko, Bukas ay mamimili tayo ng gamit mo" naeexcite na sabi niya.
"Nakakahiya wala akong pera"  i told her but she only laugh at me.
"I told you, you don't have to pay when trevotine's around" natatawang sabi niya.
"Pero nakakahiya" sabi ko. Bakit parang ang daming pera ni trevortine? Ilang taon naba siya at anong trabaho niya?
"Nako wag kang mahiya, siya na ang maghahandle company next year kaya mayaman yan" natatawang sabi ni ate kate habang si trevortine naman ay iiling iling lang.

Wow.

Ang bata niya pa para maghandle ng company pero sabagay baka magaling talaga siya at halata namang mukhang seryoso siya sa buhay siguro ganoon din sa trabaho. Napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim na. Ilang oras ba akong walang malay?

"Anong oras na, tara na katelyn para makapag pahinga ulit si jai" seryosong sabi ni trev, tinawag niya naman akong jai so i guess i can call him his nickname right?ugh bakit iba sa feeling pag siya tumatawag sakin ng ganon!

"Uy nakiki jai, close kayo?" Biro ni ate kate at inirapan lang siyani trev, Really? Pati pag irap niya ang guwapo niya padin. Shit.

"Goodnight jai! Bukas ha!" Sabi ni ate kate na bumeso sa akin at deretso labas ng kuwarto. Naiwan naman si trev. Damn bakit iba yung feeling ko sakanya.

"If you need anything nasa dulo ang kwarto ko. Goodnight, sleepwell...Jai"
"G-goodnight din" sabi ko. Tumango siya at lumabas na. Hindi ako makatulog sa dami ng tanong sa isip ko, isama mo pa si trevortine na hindu ko alan bakit kanina ko pa siya iniisip. Pumikit na ako at tuluyang nakatulog.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon