Nagising ako ng maaga dahil balak ko din na pumasok ng maaga sa opisina para matapos ko ang mga kailangan ko bago umalis tutal twelve O'clock pa naman ang flight namin.
Habang nasa kotse ako ay napa isip ako sa napag usapan namin ni tita Ruth. Hanggang ngayon nagtataka padin ako at naguguluhan sa mga sinabi niya lalo na sa sinabi niyang...
"You're here for a reason jai, sana nga ikaw na"
"Makakabalik pa sila"Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating sa akin, Pero bakit nga ba ako nasa Mallory? Anong ganap ko sa buhay nila Trev at ate Kate? Pero tanong na tumitimbang sa utak ko...
Saan sila dapat bumalik? Dito ba sa mundo ko?
Nandito na ako sa opisina at inayos ang mga papel na dapat papirmahan ko, Ipinasa ko din ang mga document na ipinagawa sa akin.
Kaninang umaga ay tumawag ako kay mama para sabihing dadating ako sa palawan. Nung una ay parang nag aalinlangan siya hindi ko alam kung bakit pero nung huli ay pumayag din at sinabing susunduin nila ako ni papa pero sabi ko kasama ko ang boss ko, pumayag naman sila at sa bahay nalang daw kami kumain.
Maya maya lang ay dumating si Macey at natapos ko na ang mga dapat kong gawin, kakausapin ko na siya ngayon tungkol sa pag punta ko sa palawan tutal hindi namam siya busy at wala na akong gagawin.
"Hoy gaga" sabi ko sakanya at lumingon naman siya saken.
"Buhay ka pa pala, ni walang hi o hello na tinext samin after ng party jusko" sabi niya sa akin at umirap. Hindi na kasi ako nagchat sakanila after non dahil natulog ako buong weekend dahil nga lagi kong naiisip ang Mallory.
"Sorry naman. Aalis pala ako ngayon kasama si boss" sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
"Sabi ko na eh!" Sabi niya at sabay sumuntok sa hangin.
"Gaga ka talaga kahit kailan. Pupunta kaming palawan may project akong gagawin don sa kaibigan niya tanga ka nanaman." Sabi ko.
Nagtaka naman ako dahil namutla siya sa sinabi ko, may mali ba don? Minsan talaga magdududa nako dito kay Macey na parang may tinatago sakin eh.
"Hoy! ano ka diyan teh?" Sabi ko sakanya. Kasi naman gulat na gulat siya at nakatingin pa rin sa akin.
"Ha? A-eh b-bakit dun pa?" Tanong niya na ipinagtaka ko. Anong bakit dun pa?bawal ba ako don?
"Syempre dun yung project! Bakit ba?bawal ba ako doon?" Mataray na sabi ko sakanya.
"Ah h-hindi naman pero nasabi mo na ba kala tita?" Tanong niya sa akin.
"Oo kanina pa, susunduin daw nila kami sa airport" pagkasabi ko non ay tumango tango nalang siya sa akin kaya bumalik na ako sa cubicle ko dahil nagtataka ako sa kilos ni Macey. Hind ba siya masaya na makakauwi ako sa amin?
Maya maya lang ay umuwi na ako, pumasok lang talaga ako para ipasa ang mga documents at magpapirma ng mga papel. Nagpaalam ako kay Macey kanina, sabi niya lang mag ingat ako at niyakap ako ng mahigpit. Weird.
Ten O'clock ay nandito na kami sa airport, syempre dapat maaga.
"Sure ka? Wala ka nang nakalimutan?" Tanong ni ethan sa akin.
"Yep! Atsaka may bahay kami doon, siguro naman may mga gamit pa akong naiwan doon." Sabi ko sakanya at ngumiti
"Please don't think too much about the project, Gusto ko mag enjoy din tayo doon." Sabi niya at ngumiti
"Oo naman, basta ipapasyal mo ako" biro ko sakanya na ikinatawa niya.
"Syempre naman. I would love to spend more time
with you jai." Sabi niya sa akin. Napaka sweet talaga nang lalakeng to kaya nagtataka ako bakit hindi pa siya nagkaka girlfriend or baka naman nagkaroon na, wala lang ngayon? Ewan nako.Pagsabi niya non ay saktong sasakay na kami sa eroplano. Pagkaupo ko palang ay kinuhaan ko na ng picture ang window ng eroplano at Ini-story ito sa IG. Isang oras ang biyahe kaya naman naisipan ko munang umidlip. Naisip ko naman ang sinabi sa akin ni tita Ruth tungkol sa enerhiya ng Mallory. Paano kung hindi na kayanin ng katawan ko ang enerhiya doon? Hindi ko na ba ulit sila makikita? Hindi na ba ulit ako makakarating sa lugar na iyon? Bumigat naman ang dibdib ko dahil sa iniisip ko kaya pinili ko nalang mag social media dahil hindi din ako makatulog.
Habang nagsscroll ako ay napaisip ako kung ano ba si trev at ate kate sa Mallory? Patay na kaya sila?Nag aagaw buhay? O katulad ko sila?
Naisipan ko namang isearch sa facebook ang pangalan ni trev dahil nagbabakasakali ako na may lalabas dito.
Ang dami niya palang kapangalan. Tinignan ko lahat ng profile pero halata namang hindi sila ang trevortine Grey na hinahanap ko. Nagscroll pa ako at sa dulo non may isang Trevortine Grey pero walang profile picture. Hindi ko alam bakit gustong gusto ko itong buksan kaya dahil sa kuryosidad ay inopen ko ito at nakita ang location nito na taga Palawan, Puerto Princesa. Hindi ko na ito pinansin pa dahil impossible naman na si trevortine iyon. Tumunog naman ang cellphone ko kaya tignan ko ito.
fnts_maceyy Replied to your story.
Ano nanamang kagagahan neto si macey. Inopen ko ito at sineen lang dahil puro ka abnormal lang naman pinagsasabi niya.
fnts_maceyy: sana lahat kasama si sir Ethan.
Nakatulog ako lang sa sobrang dami ng iniisip. Nagtataka ako kung bakit tuwing gabi lang ako nakakapuntang Mallory? siguro hindi kakayanin ng katawan ko kung sa bawat idlip at tulog ko ay mapupunta ako doon.
Nagising naman ako dahil sa pagtawag sa akin ni ethan.
"Sam maglalanding na ang eroplano" sabi niya sa akin kaya naman napa ayos ako ng sarili ko.
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasyAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...