Habang nagbabantay ako ay nakikinig ako ng mga kanta na cover ni Justin Vasquez. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng sunod na tumugtog ang 'When I Met You' na kinanta ni Trev bago ako mawala sa Mallory.
Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mukha niyang ang kalma tignan. Paano mo ako kakantahan ulit neto kung hindi kapa gigising?
Naisip ko tuloy kung anong ginagawa niya roon ngayong wala na ako. Hinahanap niya kaya ako?
Napailing ako sa iniisip ko.
Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ay magising siya ngayon at si ate Kate.
Nagulat naman ako ng pumasok si Neomi sa room ni Trev at mukhang nagmamadali. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. Tinignan ko naman siya ng nagtatakang tingin.
"Si ate Katelyn,"
Hindi ko na inantay ang susunod niya sanag sasabihin at pumunta na ako patungo sa room ni ate Kate. Pagdating ko roon ay mayroong doctor na nagchecheck sa kanya kaya tinanong ko ito.
"Binabantayan ko siya ng biglang gumalaw ang mga daliri niya kaya naman nagtawag ako ng doctor at nurse." sabi ni Angel sa akin habang inaantay namin ang sasabihin ng doctor.
"She's open to pain and that's a good news. She also did a spontaneous opening of eye and blinking which is also a good news but she can't respond to any questions, so let's just wait until she's fully recover. I'll have someone to check on her everyday if there is any improvements and you may also talk to her for her fast recovery."
"Thank you, Doc."
Finally, she's awake. Mas lalo akong umasa na magigising na din si Trev, nang mas maaga. Lumapit ako kay ate kate at ng makalapit ako ay nalipat ang tingin niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. Nakita ko namang may bumagsak na luha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin kaya hindi narin kinaya ng mmga mata ko at sunod sunod na ding nagsibagsakan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
"How are you ate? I missed you."
Nakita ko naman na gusto niyang sumagot sa akin ngunit mukhang nahihirapan pa siya kaya binigyan niya nalang ako ng isang maliit na ngiti.
Pagtapos ko siyang kausapin sandali ay dumating na sila tita na umiiyak dahil sa tuwa. Kaya naman lumabas muna ako at bumalik sa kuwarto ni Trev. Tinignan ko siya ng mabuti.
"Gumising kana, love." sabi ko at mas lumapit sakanya. "Isang linggo nalang ay december na, gagawin pa natin yung mga plano natin na hindi natin nagawa ng dalawang taon."
"Ija?"
Napatingin naman ako kay tita na kakapasok lang.
"Yes Mi?"
"Thank you ija, kung hindi mo kami binigyan ng lakas ng loob at rason para mag antay pa ay hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kapag nawala sila."
"Wala iyon tita, kung sana lang ay mas maaga kong nalaman ang lahat ay una palang hindi na kayo pinaghinaan ng loob."
Sabay naman kaming napatingin sa pinto dahil bumukas ito. Bumungad sa akin sina Larize, Shaine, Ethan kasama sina Jeff at Cali.
"Magandang tanghali po." bati nila kay tita.
"Magandang tanghali din sainyo, iwan ko muna kayo para makausap niyo si Sam."
Umalis na siya ng room kaya naman nagsilapitan sakin si Larize at Shaine para yakapin ako. Samantalang sina Jeff, Cal at Ethan ay inayos ang mga dala nilang prutas at pagkan na kakainin namin ngayon.
"Kamusta kana? Akala ko kung anong nangyari sayo." sabi ni Larize.
"Oo nga, kung dipa nagkuwento sa amin si Macey at yung pogi mong kabigan ay hindi pa namin malalaman." sabi ni Shaine at napatingin naman si Cal sakanya.
"Ano ulit sabi mo Shaine Aira?" tanong ni Cali sakanya na ikinatawa namin.
"Joke lang, patola ka ha." sabi nito at napatingin naman sila sa gawi ni Trev.
"Hala ang pogi din." malokong sabi ni Larize na ikinasimangot ni Jeff.
"Simangot ka dyan, Bebe boy ni Sam yan, gunggong." sabi nito kay jeff at tumawa.
"Kamusta na siya?" tanong ni Ethan.
"Wala pang sinasabi ang doctor pero si ate Kate, ate niya, ay nagkaroon na ng mallay." sabi ko.
Tara na kumain muna tayo tapos Sam sabi pala nila Neomi kanina ayain ka namin mag mall dahil sa tatlong buwan mo dito ay wala ka na daw oras sa sarili mo." sabi ni Larize.
"I'm fine, kayo nalang baka magising si Trev, gusto ko andito ako." sabi ko.
"Sandali lang tayo please."
Hanggang sa matapos kaming kumain ay pinipilit pa rin nila akong sumama kaya naman hindi na ako nakipagtalo at sumama na ako dahil nangako silang sandali lang naman. Aalis nadin sila sa susunod na araw para bumalik sa maynila at pupunta nalang daw ulit sila dito, isang linggo bago mag pasko para samahan akong magcelebrate.
Nang oras na para umalis kami ay nagpaalam na muna ako kala tita at kinausap ko sandali si ate Kate dahil mas makakabilis daw ito sa recovery niya.
Habang naglalakad lakad kami sa mall ay tumawag si mama sa akin.
"Hello ma?"
"Anak, ang daddy mo." Sabi niya habang humihikbi.
"Bakit?Anong nangyari?"
Halata sa boses ko ang pagkataranta at takot kaya naman napatigil sina Larize at tumingin sa akin.
"Sige ma, papunta na ako."
Pagtapos non ay binaba ko na ang tawag para magpaalam kala Larize.
"Kailangan kong bumalik sa ospital, sinugod si daddy."
Sumama na sila sa akin dahil nag aalala din sila para kay daddy. Pagdating namin doon ay niyakap ako ni mama na umiiyak kaya ginantihan ko ito ng yakap at nang magsalita na ang doctor na nagchecheck kay daddy ay kumalas na siya sa pagkayakap sa akin.
"He's now in good condition, Mrs. Trinidad. He's just over fatigue that cause him, palpitation. He needs to take a rest and lessen stress."
Lumabas na ang doctor pagtapos ng sinabi niya kaya naman lumapit ako kay daddy na natutulog. Sobrang pagod at stress niya siguro sa opisina. Napagpasiyahan namin na huwag muna siyang pumasok ng dalawang linggo dahil ayun ang sinabi ng doctor. Hindi na bata si daddy para sa mabibigat at nakakastress na trabaho kaya kailangan niyang magpahinga at uminom ng mga nireseta sa kanyang gamot.
Nagpaalam ako kay tita na hindi muna ako makakapunta sa ospital dahil kailangan ako ni daddy sa bahay dahil siya muna ang mag aasikaso ng mga naiwan ni daddy sa kanyang opisina. Sinabi ko kay tita na tawagan nalang ako kung sakaling may balita tungkol kay Trev.
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasíaAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...