Nagising naman ako dahil sa pag yugyog ni ate kate saakin, oo nga pala ngayon pala kami mamimili ng mga gamit ko. Pano kaya ako maghahanap ng trabaho?nakakahiya naman kung iasa ko sakanila lahat hays bahala na mamaya magtatanong nalang ako.
"Come on jai! Wake up! Magsshopping na tayo kaya maligo kana!"
"Sge ate kate pero maliligo muna ako" pero saan ako kukuha ng dami--
"Okay! May mga damit dyan sa cabinet, ikaw na bahala mamili ng susuotin mo, may sapatos din dyan. Dalian mo ha kakain pa tayo sa baba"
Tumango na lamang ako at dumeretso na sa bathroom.
Pagtapos kong maligo ay kumuha na ako ng damit. Nag dress nalang ako tsaka sandals pagkatapos ay bumaba na.
Nakita ko namang nag aantay si ate kate at trev sa dining table. Kung ganto naman kaguwapong nilalang ang sasalubong sakin kada umaga ay maaga nalang ako lagi gigising. Wala ba siyang pasok? Nagmadali na ako bumba at bumati sakanila."Good morning" bati ko sakanila at ngumiti ng onti at nakita ko namang nag angat ng tingin sakin si trev. Uupo palang ako ng tumunog ang cellphone niya.
"Morning. I'll get this call, mauna na kayong kumain" sabi niya samin at tumayo para lumayo sa dining table. Girlfriend niya kaya yon?
Maya maya lang ay nakabalik na din siya.
"Girlfriend?" Nakangiting tanong ni ate kate at bumaling ng tingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin. Muka ba akong interesado sa pagkakaroon niya ng girlfriend? Ghad.
"You know i don't have time for that. Im always busy." seryosong sabi niya kay ate kate. Kumain na kami at umalis patungo sa mall.
"Welcome to Mallory mall" masayang sabi ni ate kate. Ang laki ng mall at ang ganda ng disenyo ng pinaka building nito. Parehas kaya ng mga brand dito ang mga brand sa totoong mundo?
"Tara na! Ngayon lang ako magsshopping ng may kasama" Sabi ni ate kate sakin at hinila ako papasok sa mall. Napatingin naman ako kay trev na natatawa habang nakatingin samin. Eto ba ang biyaya ng diyos sa mga kababaihan? Oh God. Pero sabi ni ate kate ngayon lang siya nag shopping ng may kasama, wala ba siyang kaibigan dito?
"Ngayon lang ako nagshopping ng may kasama OMG"
"Bakit ate asan ang mga kaibigan mo?" Tanong ko sakanya. Impossible namang wala siyang kaibigan sa bait niyang yan.
"I hate other girls, masyado silang papansin sa kapatid ko but i have like few friends but most of them are gay and guys you know mas masaya sila kasama." Sabi niya sakin at tumawa.
Una naming pinuntahan ay ang 'Ethereal Botique' hindi ko alam pero wala pa akong napupuntahang ganto sa totoong mundo.
Ang gaganda ng mga damit dito lalo na yung mga dress, kakaiba ang mga design."Pumili kana dyan, huwag kang mahiya." Sabi ni ate katelyn. Pumunta ako sa medyo dulong part ag may nakita akong singsing na may disenyong cresent moon. Kukunin ko palang ito para sukatin ng marinig ko si trev sa likod ko.
"You want that?" Tanong niya sakin.
"Yes, pero babalikan ko nalang yan pag may ipon na ako" sabi ko sakanya at tumango tango naman siya.Mas kailangan kong bumili ng damit ngayon para hindi na ako manghihiram ng gamit kay ate kate, pwede ko namang bilhin yan sa susunod pag may trabaho na ako. Umupo na si trev habang pinapanood kami ni ate kate na namimili ng mga damit.
Ilang minuto ay natapos na kaming mamili ng mga damit at tumungo sa kabilang shop na puro naman sapatos.
"Bumili ka ng sapatos na komportable ka ha, bumili ka ng pang alis mo mga sandals at rubber shoes kung gusto mo" sabi ni ate kate at tumungo na para mamili ng sapatos niya.
Pumili nadin ako ng sapatos, Isang sandals at isa pang sapatos na pang alis. Pumunta na ako kay ate kate pagtapos ko mamili.
"Ayan lang?ano kaba, pumili kapa kahit isa pa" sabi niya sakin habang patuloy na naghahanap ng kanyang bibilhing sapatos.
"Ok na to ate kate, hindi naman ako pala alis" nakangiting sabi ko sakanya.
"Well magbabago na yan dahil lagi kitang isasama sa mga gala ko" natatawang sabi niya.
Binayaran na ni trev ang mga pinamili namin na parang wala lang sakanya ang gastos.
Pagtapos magbayad ay kumain kami sandali sa isang fast food chain dahil doon gusto kumain ni ate kate at umuwi na.Nakauwi na kami sa bahay nila ng maisipan ni ate kate na magmovie marathon sa kwarto ni trev dahil ito ang pinaka malaking kwarto at maganda daw ang sound sistem na bagong bili ni trev. Una ay ayaw ni trev pero hindi rin siya nanalo kay ate kate. Nag half bath lang ako at nag ayos pagtapos ay dumeretso na sa kwarto ni trev, nakita ko naman silang nag aantay.
Nagsimula na kaming manood ng movie, hindi pamilyar sakin ang pelikula perp mukha namang maganda.
Nagpatuloy kami sa panonood at naka tatlong movie din kami. Ilang oras lang ay dinadalaw na ako ng antok at mukhang napansin naman ito ni trev."That's enough, pagod na si jai matulong na tayo" sabi niya kaya napatingin si ate katelyn sakin.
"Ok lang patapos na din naman" sabi ko sakanila pero hindi naman nagustuhan ni trev ang sagot ko.
"No. Hahatid na kita sa kwarto mo kaya na ni ate tapusin yan" sabi niya. Wow nag ate siya ngayon.
"Ok. Goodnight ate kate sorry din" sabi ko sakanya at yumuko.
"Ok lang ano kaba natuwa ako masyado manood, Goodnight! Sleepwell." Sabi niya saakin ate bumeso.Nauna ng lumabas si trev saakin ag sumunod naman ako sakanya. Papasok na sana ako ng kuwarto ng tinawag niya ako.
"Jai"
"Bakit?"
May kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita sakin ang singsing na gusto ko kanina.
"Alam kong gusto mo kaya binili ko na" sabi niya sakin habang nakatingin sa mukha ko.
"Dapat hindi mo na binili, gumastos kapa tuloy" sabi ko sakanya.
"No it's fine, sige na matulog kana" sabi niya saakin at ngumiti.
"Thank you, goodnight t-trev" nauutal na sabi ko. Natawa naman siya ng mahina.
Shit! Halata ba na natataranta ako pag kaharap ko siga? Kasi naman!"Goodnight matulog kana" sabi niya sakin at tuluyan nang bumalik patungo sa kwarto niya.
Kanina ko pa pilit pinipikit ang mata ko pero hindi parin ako makatulog dahil kay trev, oo dahil sakanya. Bakit ba kasi kailangan bilhin pa yun? Damn ilang araw palang ako dito sakanila impossible namang may gusto na ako sakanya. Hindi, siguro natuwa lang ako sa binigay niya. Yun lang yon.
BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasyAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...