Chapter Sixteen

34 6 0
                                    

Nagising ako ng maaga dahil maaga din ang usapan namin ngayon nila Ethan. Kasama namin mamaya sila Larize at Shaine, hindi namin kasama sina Brayden dahil nauna na ito sa El Nido para mag ayos ng kasal nila sa Linggo. Nagpaalam na din ako kala mama na hindi na ako makakabalik dito pag alis dahil deretso uwi na kami pagtapos mamasyal sa El Nido.

Nagbihis na ako at nag ayos ng mga dadalhin ko. Nakita ko naman yung isang box na maliit pero hindi ko na ito chineck kung ano dahil nagmamadali na ako at nilagay nalang ito sa bag na dala ko.

Ang plano namin ngayon ay pumunta sa Princesa Garden Island Resort and Spa para doon magstay ng ilang araw dahil malapit ito sa mga pupuntahan namin.

Nagkita kita kami sa hotel na mismo at pumunta na sa nakareserved na dalawang pool access room na may dalawang single bed. Dalawang room lang talaga ang kinuha namin sinuggest ko iyon para makatipid. Magkasama kami ni Shaine sa isang room at si Ethan naman kasama si Larize tutal magpinsan naman sila at dalawang bed naman per room. Ang ganda din sana ng room na Water Villa kaso mas mahal at sayang lang din dahil hindi naman kami masyadong mag iistay sa hotel.

Napaka ganda ng Resort lalo pang nagpa ganda dito ang napaka laking outdoor pool. Tumigil ako sa harap ng pool at in-IG story ang kabuuan ng Resort.

Ang balak namin ngayon ay pumunta sa Crocodile Farm pagtapos ay dito na kami kakain sa restaurant ng resort then magswimming at pagtapos mag swimming ay magpa spa.

Pumunta na kami sa crocodile farm at nakakatuwa yung mga bata na aliw na aliw sa nakikita nila. Kumuha naman ako ng magagandang pictures at ini-story ito sa IG. Bigla namang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako bigla kay shaine.

"ate Sam! Dito daw sabi ni kuya!"
"Jai picture kayo ni jacob!"

Iyan ang nga salitang naririnig ko at may mga imahe na may kasama akong batang lalake at lalake na tingin ko ay ka edad ko lamang.

"Sam ok ka lang ba?" Tanong ni shaine. Pero lumalabo ang paningin ko dahil sa mga imaheng gumugulo sa utak ko. Mas lalo akong napakamit kay shaine ng mas lumakas ang boses na naririnig ko.

"Ate Sam! Balik tayo dito ni kuya ha!"
"Ang daming cocodile!"

"Huy Sam ok ka lang?" Doon lang ako natauhan nung niyugyog ako ni Larize. Halata sa mukha nila ang pag aalala lalo na si Ethan.

"Gusto mo bang magpahinga na lang?" Tanong ni ethan sa akin. Umiling naman ako dahil ayokong masira ang araw na to para kala Shain at Larize.

Pumunta naman kami sa part kung saan may malalaki at maliit na buwaya at tuwang tuwa ang mga bata lalo na ang mga batang lalake.

"Ang cute mo naman baby boy!" Masayang sabi ni Larize sa batang maputi at may mahabang bagsak na buhok " May kuya ka?" Dugtong niya na ikinatawa namin.

"Hala yung maliit kamukha mo Larize oh!" Sigaw ni Shaine sabay turo sa part na may maliliit na buwaya.

"Ay ang funny mo, hawig mo nga yung malaki eh" pang aasar din ni Larize kay Shaine.

Pagkatapos namin mag Crocodile farm ay bumalik na kami sa resort para kumain. Napaka sosyal sa hotel na ito at napaka ganda ng paligid. Naisipan namin na bumalik sa room para magpalit ng pang swimming dahil medyo dumidilim na din.

Habang nakalublob kami sa pool ay napatanong naman si Shaine sa amin.

"Ano bang feeling sa maynila?" Curious na curious niyang tanong.

"Secret, bawal sa tanga." Sagot naman sakanya ni larize kaya winisikan niya ito ng tubig sa mukha.

"Masaya nga doon Shaine, Chill kalang makakapunta kana din doon onting tiis" sabi ni Ethan sakanya.

"Masaya talaga doon, ang dami kayang pogi there" pabirong sabi ni Larize.

"Ay wow, maharot." Sagot ni Shaine

"Ay wow, marupok" ganti naman ni Larize sakanya.

"Ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko doon pag dating natin sa maynila." Sabi ko sakanila.

"Hindi ba may kaibigan ka na engineer Sam? Si Engineer Fuentes ba iyon?" Tanong ni Ethan. Tumango naman ako at nakita si Larize at Shaine na nagningning ang mukha.

"Ehem, Engineer."
"Hala Engineer hehe"
"Engineer daw mare"

Parinig nila sa sakin habang kunwaring umiinom ng inorder nila na drinks. Natawa naman si Ethan sa pagpaparinig nung dalawa kaya tinarayan ko lang sila Shaine at Larize.

"Wag na tayo magpa-spa inaantok na ako eh, nakakapagod kaya!" Maktol ni Shaine sa amin.

"Paladesisyon ka" mataray na sagot ni Larize pero sumang ayon din na wag nang magpa spa dahil pagod nadin kaming lahat.

Nagsibalikan na kami ng room. Maya maya lang ay pumunta si larize sa amin, nawala daw ang antok niya at gusto niya doon magstay hanggang sa antukin siya. Humiga naman siya sa tabi ni shaine.

"Matanong nga kita Sam, Wala ba talagang something sainyo ng pinsan?" Tanong ni Larize sa akin.

"Wala, Boss ko lang siya at kaibigan din" deretsong sagot ko sakanya. Wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa, hanggang kaibigan lang din ang kaya kong ibigay sakanya.

"Anyway, bukas mag underground river tayo then after natin doon ay bibili tayo ng mga swimsuit para sa Island hopping natin sa Friday sa Honda bay at damit natin sa kasal ni Brayden sa El Nido" excited na sabi ni Larize sa amin.

"Magt-two piece kayo?" Tanong ko sakanila. Sexy naman kasi si Larize at si shaine naman hindi siya kasing payat ni larize medyo mas may laman siya pero maganda ang shape niya ng katawan niya at makinis.

"Yap! Pati si Shaine" natatawang sabi ni Larize.

"Luh! Ayo—"

"Two piece chicken" natatawang asar ni Larize kaya naman pinali siya ni Shaine ng unan, ramdam ko yung lakas ng palo niya, parang natanggal sa katawan ni Larize yung kaluluwa niya.

Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan ng kung ano ano. Maya maya lang ay nagpaalam na si Larize dahil inaantok na daw siya.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon