Chapter Thirty-One

23 5 0
                                    

Gising na ang diwa ko pero hindi ko magawang dumilat dahil natatakot akong wala ako sa inaasahan kong balikan. Kahit nakapikit ako ramdam kong lalandas ang luha ko sa oras na dumilat ako. Kahit hindi ko gustong bumangon para ipagpatuloy ang araw ko ay hindi puwede kaya naman umupo ako sa kama at sumanda sa headboard nito. Dumilat ako, at tulad ng inaasahan ko, wala ako sa lugar na gusto ko.

Lumandas ang luha sa aking pisngi habang narerealize ko na hindi na ako kailan man makakabalik sa Mallory. I can't blame anyone, ako yung hindi nag ingat dahil nagpakapagod ako masyado. Tanggap ko naman na hindi ako magtatagal sa Mallory pero hindi ko ineexpect na ganito kaaga.

Bumangon na ako sa pagkakaupo sa kama para maligo at pumasok sa opisina. Habang nag aayos ako ay namataan ko naman ang box na dala ko galing Palawan. Kinuha ko ito kaso namali ang hawak ko kaya bumukas ang takip nito at nabitawan ko kaya nagkalat naman ito sa sahig. Pupulutin ko na sana ito ng may makita akong mga picture, picture ko nung nasa college pa lamang ako kasama si--

T-trev?

Nagulat ako sa nakita ko.

Impossible ito, nakilala ko lamang sila sa Mallory. Pinagpatuloy ko ang pag tingin sa mga pictures na naka-kalat habang naluluha at naguguluhan dahil sa nangyayari.

Ate Kate?

Nakita ko ang picture naming tatlo na magkakasama kami. Hindi ko alam kung bakit ako naluluha, hindi ba dapat ay mmasaya ako dahil totoo sila?

Biglang sumakit ang ulo ko at may mga lumalabas na imahe na kasama ko si Trev at ate Kate. Napahawak ako sa ulo ko at umupo sa kama dahil pakiramdam ko anytime ay babagsak ako dahil sa panghihinang gawa ng sakit na nanggagaling sa aking ulo.

Larize's Point Of View
Pupuntahan ko sana si Sam sa kwarto niya para tanungin kung ready na siyang umalis pero wala ng tao dito at mukhang nauna na siyang pumasok kaya naman umalis na kami ni Shaine para pumuntang opisina.

Unknown Number:
Hi Larize, are you free? Can i ask you for dinner? You know, to catch up.
-Jeff

Nagulat naman ako sa text niya dahil hindi ko ineexpect na siya pa ang unang magmemessage sa akin after ng ginawa ko kaya naman nawala na ang kaba ko dahil kagabi ko pa siya gustong itext, buti nalang inunahan niya na ako.

:I'll text you back after i check my schedule:)

Iyon na lamang ang sinabi ko sakanya dahil nahihiya pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa sakanya ang totoong rason kung bakit ko ginawa iyong desisyon ko dati. Hindi ko gustong ipaalam to sakanya para lang balikan niya ako. I just want him to know my reasons, para nadin mawala yung bigat ss dibdib ko dahil sa bagay na iyon. Kung may iba na siya, okay lang. I can't blame him, ako ang nagdesisyon kaya dapat lang na hindi ko sakanya isisi iyon.

"So makikipag dinner ka with your hotty ex?" Tanong ni Shaine na nagbabasa pala sa gilid ko.

"Ang chismosa mo noh? Atsaka hindi siya hot, duh."

"Wow kaya pala halos pasukan ng langaw yang bibig mo dahil sa sobrang pagkahumaling sakanya nung nakita mo siya sa bar."

"Excuse me, hindi ako nahumaling sakanya, nabigla lang ako."

"Alam mo yung mga sinungaling talaga pumapangit, kaya tignan mo sobrang pangit mo na." Sabi niya kaya naman hinampas ko siya sa braso na ikinatahimik niya.

Pagdating namin sa opisina ay dumaan kami sa department nila Sam pero ang sabi ay hindi pa daw siya pumapasok kaya naman hinanap namin si Macey pero wala rin siya roon. Hindi kaya magkasama sila?

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon