Ang plano namin ngayon ay pumunta sa honda bay at mag island hopping kaya naman nagdala kami ng marami swimsuit para bawat island ay magpapalit kami para makapag picture.
"Hoy dalian niyo naman!" Madaling sabi ni Larize.
"Echosera ka teh? Ang aga pa oh, ikaw ba magpapaandar ng bangka don?" sabi ni Shaine habang nag aayos ng mga gamit niya na dadalhin.
Totoo naman kasi ang aga pa, abnormal to si Larize eh 6:30 am niya kami ginising eh 8:00 am pa naman yun at napaka lapit lang namin sa honda bay.
"Tapos na ba kayo?" tanong ni Ethan pagpasok sa kuwarto namin.
"Oo, tara na!" Excited na sabi ni Larize at nauna na siyang lumabas ng room.
Pagdating namin sa honda bay ay nagbayad kami ng entrance fee for each island plus 155 pesos environmental fee.
Nag rent kami ng maliit na boat that cost 1300 pesos kaya naghati hati kami. Habang nasa bangka kami ay naghubad kami ng pinamatong namin sa aming swimsuit.
"Omg!ang sexy mo sam!"sabi ni Shaine.
"Sana lahat pinagpala ng ganyang katawan" natatawang sabi ni Larize."Teka sarado mo muna bibig mo insan baka may tumalon na isda at sumakto diyan" asar ni Larize kay Ethan dahil nakatulala siya at nakatingin sakin at medyo naka awang ang bibig, nagtawanan naman kami dahil doon.
"Pero ang ganda mo talaga Sam huhu" sabi ulit ni Shaine.
"Hindi ka maka move on girl?" Sabi ni Larize.
Kanina pa kasi paulit ulit si Shaine ng kakasabi sa akin, nakakaloka to.
"Ay bakit, ikaw ba naka move on na?" Sabi ni Shaine "sa ex mo?" Dugtong niya na ikina simangot ni Larize kaya naman natawa ako sakanya.
Pagdating namin sa Starfish Island ay nagpicture muna kami, hindi naman nagpahuli sa picture-an si Larize at inis na inis na sakanya si Shaine.
"Teh hindi na ako nakapag enjoy kakapicture sayo! Kaumay face mo!" Naiiritang sabi ni Shaine.
"Last one! Kailangan ko lang ng pang IG story ko please!" Nagmamakaawang sabi ni Larize sakanya.
"Hey let's take a walk" aya sa akin ni Ethan at sumama naman ako.
Ang dami namin nakitang Starfish, malamang Strafish island to eh pero they're just so wonderful!
"You go there and pose" turo sa akin ni Ethan kung saan may magandang View at maraming starfish sa sand.
Nagpose ako ng iba iba at tuloy tuloy lang ang kuha niya ng picture sa akin hanggang sa lilipat na kami sa kabilang island which is 'Cowrie Island', bago umalis sa starfish island ay nagpalit na kami ng next na swimsuit namin at tulad kanina ng malapit na kami sa Cowrie ay hinubad na namin ang pamatong namin, ang suot ko naman ngayon ay one piece na low back at pinartneran ko ng denim short.
"So beautiful" sabi ni Ethan sa akin at ngumiti.
"Thanks" nahihiyang sabi ko sakanya.
Nang makarating kami sa Cowrie Island ay hindi padin talaga nagpatigil si Larize sa pagpapa-picture.
"Hey insan! Picture-an mo naman ako!" Sigaw ni Larize kay Ethan.
"Kaya mo nayan!" Pabalik na sigaw ni Ethan.
Nairita na kasi si Shaine at naglakad na palayo sa amin.
"Nakita kita pinicture-an mo si Sam! Favoritism!" Sabi ni Larize at umirap kaya naman natawa ako. Pagtapos namin mag picture-an ay nag buffet lunch kami doon.

BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasyAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...