Nagising ako dahil sa alarm at una ko agad tinignan ay ang kamay ko kung saan ko nilagaybang singsing na binigay ni trev at nagulat ako dahil suot ko ito.
Puwede pala iyon?
Dahil sa paghanga ko dito hanggang sa nasa opisina ako ay panay ang titig ko dito. Hindi ko alam kung nagagandahan lang ba talaga ako ng sobra o natutuwa ako sa nagbigay neto. Ugh! Eto nanaman ako sa trevortine na yon! Hanggang dito ba naman siya ang iisipin ko? Hindi naman ako nagkaganto sa ibang lalake, at talagang sa lalake pa na nakikita ko lang tuwing natutulog ako? Hindi to puwede.
Itunuon ko ang oras ko sa pag gawa ng iba kong project at ganon din ang ginagaw ni Macey, halatang busy siya dahil sa project niya ngayon kaya naman hindi ko na siya ginulo pa.
Lunch na at inaya ako ni Macey sa cafe na lagi naming tinatambayan. Habang gumagawa kami pareho sa laptop namin ay napatanong siya.
"Wala ka bang natitipuan na lalake sam?" Ewan ko kung seryoso o biro yung tanong niya pero napa isip din ako.
Wala nga ba?
Tinawanan ko naman siya at umiling.
"Seryoso? Ano bang gusto mo sa lalake?"
"Seryoso sa buhay at sa trabaho, makisig ang pangangatawan, matangos ang ilong, may perpektong panga, guwapo, mab--" napatigil ako sa sinabi ko dahil may naalala ako.
Trevortine.
Eksaktong eksakto ang sinabi ko sa nilarawan ko sakanya nung una ko siyang makita. Damn.
Nabilaukan naman si Macey sa sinabi ko at halata ang gulat sa kanya. Bakit? Wala bang ganon dito sa totoong mundo?
"Ah eh b-baka may makilala ka! Maganda ka naman at seryoso din sa trabaho" sabi niya pero parang may iba sa kinilos niya nung sinabi ko yun na para bang may mali sa lalakeng tipo ko.
"Eh bat parang di ka makapaniwalang gaga ka" natatawang sabi ko sakanya. Totoo naman kasi parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Masama bang mangarap ng ganong lalake?
"E k-kasi naman parang w-wala namang ganon eh"
Wala dito pero sa mundong napupuntahan ko, Meron.
Nanahimik na kami sa cafe habang tinutuloy ang mga trabaho sa sarili naming laptop. Naisip ko naman sila ate kate, Ibig sabihin pag tulog ako dito ay gising ako doon sa kabilang mundo? Pero hanggang kailan ako magiging ganto? Noong una ay takot na takot ako sa nangyayari pero ngayon halos gusto kong matulog buong araw para makapunta sa mundong yon. Paano kaya sila? Tulad ko rin kaya sila?
"Tulala ka nanaman sam" natatawang sabi ni Macey. Kasi naman ang dami ko pang tanong sa isip ko at diko alam pano ko ito masasagot pero sa ngayon gusto ko nalang ienjoy dahil hindi ko alam kung hanggang kailan lang to. Nanikip naman ang dibdib ko sa naisip ko.
"Ang dami lang iniisip sa trabaho" nakangiting sagot ko kay Macey kahit na iba ang rason kung bakit ako nagkakaganto. Ayoko naman magkwento sa kahit sino at wala akong balak magkwento dahil baka pagkamalan lang nila akong baliw dahil sa nangyayari sa akin at mabuti na rin na ako nalang muna ang may alam dahil maski ako ay hindi alam kung bakit nangyayari sakin to.
Natapos na ang aming lunch at bumalik na kami pareho sa opisina. Habang nagttrabaho ay hindi parin maalis sa isip ko ang mga tanong kung bakit ako napupunta doon kada tulog ko. Halos mag iisang linggo na ako doon, hanggang kailan ako magiging ganto. Umiling iling ako para mawala ang mga tanong sa utak ko pero sa ngayon isa lang gusto kong mangyari, magtagal sa mallory.
Pauwi na sana ako nang pinatawag ko ni sir dominguez sa kanyang office.
"Yes sir?" Tanong ko sakanya pagpasok palang ng pintuan ng kanyang opisina.
"Miss trinidad next week kailangan nating pumunta ng palawan para makita mo ang bahay ng kaibigan ko na didisenyuhan mo, yung flight ticket huwag mo ng alalahanin"
"Ok po sir, isang araw lang po ba tayo doon?" Tanong ko dahil baka mag book pa siya ng hotel eh may bahay naman kami doon, yun ay kung malapit lang ito sa amin.
" Isang linggo sana dahil magp-plano pa kayo at sayang naman kung hindi tayo papasyal sandali doon" nakangiting sabi niya. Sabagay sayang din andun na din naman kami dapat lang na mamasyal.
"Wag na tayo magbook ng hotel sir may bahay po kami sa palawan at may guess room naman po para sainyo para hindi nadin po magastos, pero kayo po bahala baka gusto nyo maghotel" Sayang kasi kung maghohotel pa pero baka kasi gusto nyo mafeel ang palawan ok lang din naman.
"It's ok if you want to stay in your house, ako nalang maghohotel dahil gusto ko din mafeel na parang nasa bakasyon lang ako" natatawang sabi niya saakin. Oo nga naman.
"Ok po sir, mauna na po ako" sabi ko.
Tumango lang siya at dumeretso na ako palabas ng opisina dahil nakakapagod kahit wala naman masyadong ginawa, siguro kakaisip ko to kaya napagod ako ng ganto.

BINABASA MO ANG
Finding His Existence
FantasiAfter an accident, Samantha Jairez has no idea what happened to her, at first everything was normal not until some strange dream happened that changed her life. Will that dream help her to know and remember her past or she will continue to live her...