Chapter Twenty-Three

25 7 0
                                    

Maaaga akong nagising at nag ayos dahil maaga din ang byahe namin papunta sa El Nido kung saan gaganapin ang kasal nila Brayden. Nagkita kita kami sa lobby at inantay ang van na maghahatid sa amin papunta sa El Nido. Five to six hours ang byahe papunta sa destination namin kaya naman naisipan ko munang umidlip para hindi ko maramaman ang haba at tagal ng byahe.

Pagdating namin sa Nacpan Beach Glamping ay sinaubong kami ni Brayden at hinatid kami sa kanya-kanya naming pagii-stay-an. Maganda ang lugar dahil sa kakaibang aura nito at unique ng disenyo ng mga room, para itong tent ngunit mas malaki. Pag labas mo naman ng iyong tent ay konting lakad lang nasa harap kana ng napakaganda at linaw na dagat.

"May mga kainan diyan sa tapat ng beach, kumain na kayo at magpahinga. Mukhang pagod kayo sa byahe." sabi ni Brayden at nagpaalam na dahil marami pa siyang gagawing paghahanda.

Sabi ni Brayden ay kapamilya lamang at konting mga kaibigan lang nila ang imbitado dahil ayaw nila ng sobrang daming tao para sa kasal nila. Naglakad na kami patungo sa dagat at kumain sa mga kainin na naroon. Pagtapos namin maglakbay ng kaunti sa lugar ay naisipan naming magpahinga muna.

Hindi ako makatulog kahit sobrang pagod ng katawan ko dahil sa tagal ng biyahe kaya naman naisipan kong kalikutin ang mga gamit ko, baka sakaling may mapagtuunan ako ng pansin at hindi ako mabored.

Pagbukas ko ng aking maleta ay bumungad naman kaagad sa akin ang box na dinala ko. Picture ito nung bata pa ako kasama ang isang babae na mukhang pamilyar sa akin pero hindi ko matandaan kung sino. Ang isa namang picture ay ganoon din ngunit may kasama akong lalaki at magka-akbay kaming dalawa. Bigla nalamang may tumulong luha sa mata ko sa hindi malamang dahilan. Nagring ang phone ko kaya itinago ko na ang mga picture at lumabas ng tent para sagutin ang tawag.

"Hi Ma, napatawag ka?" tanong ko.

Hindi naman palatawag na tao si mama dahil inuupdate ko naman siya lagi lalo na kung importante ang gagawin at pupuntahan ko dahil alam kong lagi siyang nag aalala.

" Wala lang anak, gusto lang kitang kamustahin. Wala bang masakit sayo?" Halata sa boses ni mama na nag-aalala siya.

"Wala naman Ma, bumyahe lang naman po kami kanina at kakatapos ko lang magpahinga" Natatawang sabi ko sakanya.

"Mabuti naman. O siya mag enjoy ka lang diyan, mag ingat ka." Sabi niya at pinatay ko na ang tawag.

Naisipan ko namang mag gala sa lugar dahil hindi rin naman ako makatulog. Nang makaupo ako sa bar na katapat ng beach ay may kumalabit sa akin na babae.

"Hi! Mind if I join you?" Masayang bungad niya sa akin.

Namukaan ko naman siya, siya yung nasa supermarket na kasama nung bata.

"Here." Sabi ko sakanya at tinapik ang upuan na katabi ng upuan ko.

"So... You're from?"

"Manila" Sabi ko at tipid na ngumiti.

As much as I wanted to open the topic about sa supermaket, I'd rather keep quiet dahil hindi rin maganda ang encounter naming dalawa doon.

"You're here for a vacation?" Tanong niya.

"My boss' friend, which is my client will be having a wedding tomorrow and he invited me."

"Sam!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman sina Larize. Nagpaalam na ako kay Neomi at tumango lang siya sa akin bilang tugon.

"Gaga ka! Andito ka lang pala, kung saan saan ka pa namin hinanap." Sabi ni Larize.

"Alalang alala si Ethan sayo girl! Sa amin pa nagalit ang baliw na 'yon." Sabi ni Shaine at umirap kaya naman natawa ako sakaniya.

"Pero alam mo ba, Sam? May nakita kaming pogi kanina habang naghahanap sayo kaya medyo natagalan kami, you know na syempre nagpacute pa kami para makuha namin instagram niya hehe." Kinikilig na sambit ni Larize sa akin kaya nagtawanan kami.

"Diyos ko, patawarin mo kami sapagkat kami'y maharot pero...Jusko! Ang yummy talaga!" Sabi ni Shaine.

Pagtapos namin magchikahan ay pumunta na kami kay Ethan na tinutulungan sina Brayden na mag ayos. Nakipag batian pa sila Larize at Shaine sa mga kaibigan nilang nandoon sa venue na nag aayos kaya naman dumeretso na ako kay Ethan.

"Hey." bati ko sakanya.

"Hey, ok ka lang? Hindi ka nakapag pahinga kanina dahil wala ka sa kuwarto mo." sabi niya.

"Yeah, Im fine. Sorry pala pinagalala ko kayo." sabi ko sakanya.

"Ok lang, wala iyon." sabi niya at ngumiti.

"Sus! wala daw, halos magalit ka ng tuluyan kanina sa amin nung hindi namin mahanap si Sam eh." natatawang singit ni Shaine sa amin.

"Oo nga, kala mo jowa eh noh." sabi ni Larize at umirap.

"Check the label bago magalit." natatawa ulit na sabi ni Shaine.

"I'm just concern." sabi ni ethan at pinagpatuloy na ang inaayos na mga upuan.

Dahil naroon na rin kami ay tumulong na kami sa pag aayos. Pagtapos namin mag ayos ay nagpunta kami sa Sunmai Sunset Restaurant na malapit dito sa Nacpan beach.

"Okay lang ba ang place guys?" tanong sa amin ng fiancee ni Brayen.

The place is nice, kung puwede lang na dalhin dito si Macey at Kian ay ginawa ko na.

After namin kumain ay nagsibalikan na kami sa aming room para magpahinga dahil maaga pa kami bukas.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon