Chapter Eleven

40 10 0
                                    

Dumating kami sa airport at nakita kong nag aantay doon si mama at papa kaya naman dumeretso kami sa kanila.

"I miss you ma! I miss you pa!" Sabi ko at yumakap sakanila. Ilang taon nadin akong hindi nakapunta dito sa Puerto Princesa magdadalawang taon na, madalas kasi ay sila mama ang bumibisita sa maynila para hindi na daw ako gumastos pa papunta dito sa Puerto Princesa. Hindi ko alam bakit wala na akong maalalang ibang bagay bukod sa dalawang taon kong pamumuhay sa maynila.

"Namiss ka rin namin ija" tugon ni mama pero hindu manlang ako nakakita ng 'excitement' sa boses at mukha niya

Alam kong may maling nangyari sa akin pero kada tinatanong ko sila ay hindi naman nila ako sinasagot ng diretso at iniiba nila ang usapan kaya hindi ko na ipinilit pa.

"Mama, papa..." tumingin naman ako kay Ethan
"Si Mr.Dominguez po, boss ko" sabi ko. Naglahad naman ng kamay sakanila si Ethan.

"Ethan Dominguez po mam, sir" sabi niya at tinanggap naman ni papa ang kamay niya.

"Tara na at baka gutom kayo dahil sa byahe" sabi ni papa.

Nasa kotse kami ngayon at hindi ko maiwasang mapaisip sa kung ano ang naging buhay ko dito. Napahawak naman ako sa ulo ko ng naramdaman kong kumirot ito.

"Ok ka lang ba Sam?" Tanong ni Ethan sakin.

"Ah oo, medyo sumasakit lang ulo ko" sabi ko na ikinalingon ni mama at nagkatinginan sila ni papa. Weird.

Hindi ko alam pero ibang iba ang kilos nila mama ngayon na para bang may mali sa pagpunta ko dito. Pero kamusta kaya sila Trev at ate Kate.

Pagdating namin sa bahay nanibago ako dahil malaki ito at napaka ganda ng disenyo ngayon lang kasi ako nakapunta dito. Hindi naman kami mayaman pero may negosyo ang magulang ko kaya naman hindi din kami mahirap. Umakyat muna ako sa tinuro ni mama na kwarto ko at iniwan ko ang ibang gamit na dala ko doon. Pagpasok ko ay bigla namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa pintuan. Nang um-okay na ay umupo muna ako sa kama at tinignan ang buong kwarto ko. Mamaya na ako titingin at maghahalungkat ng mga gamit ko pagtapos kumain.

Bumaba na ako at nakita kong nag aantay na sila sa hapag kainan.

"Ijo dito ka ba tutuloy?" Tanong ni mama kay Ethan

"Ay hindi po mam, mag book nalang po ako sa malapit na hotel dito para po hindi na ako maka abala" sagot ni ethan

"Ijo mapapagastos kapa kung kukuha ka ng hotel dito, may isa pa namang kuwarto diyan at ipinalinis ko na din iyon" sabi ni papa sakanya. Hindi na umangal si Ethan kaya at the end dito nalang sin siya tutuloy.

Pagtapos kumain ay nagpahinga kami sandali at inaya naman ako ni Ethan na mag mall para hindi masayang ang unang araw namin dito sa Palawan.

Nakarating kami sa SM City Puerto Princesa ng alas kwatro kaya naglakad lakad lakad muna kami. Tumigil ako sa isang shop dahil may nakita akong kwintas, tulad ng kwintas ni Trev!

Tinignan ko ito at nalula ako sa presyo ng kwintas na iyon, Seryoso? 90k?! Para sa isang kwintas? Sinong bibili niyan?! Hindi na ako magtataka kay trev dahil mayaman talaga ang isang yon.

Pumunta kami sa supermarket para bumili ng mga kailangan ko. Si Ethan ay humiwalay sa akin dahil bibili din daw siya ng mga kailangan niya. Nagulat naman ako dahil may batanng sumisigaw ng pangalan ko habang papalapit sa akin.

"Ate Sam! Ate Sam!" Sabi niya at niyakap ako ng nakalapit sa akin.

"Hello baby boy! Asan ang kasama mo?" Tanong ko sakaniya.

"Ate sam nibista mo naba si—" naputol ang sasabihin niya ng may tumawag sakanya na isang babae.

Teka, sinong bibisitahin ko? Wala naman akong kakilala dito bukod sa pamilya ko.

"Tyrone! Sabi sayo ay huwag kang lalayo hindi ba?" Sabi sakanya nung babae at itinuro naman ako nung bata.

"Si ate sam!" Masayang sabi nung bata kaya napatingin sa akin yung babaeng kasama niya. Nagulat naman ito.

"S-sam" nauutal na banggit niya sa pangalan ko. Lalapit sana siya sa akin ng may lumapit pa na isang babae sa kanya.

"Neomi, Let's go!" Natatarantang sabi nung babae at hinila na ang bata pati yung Neomi.

Tyrone?Neomi?

Lalakad na sana ako ng bigla akong nahilo kaya napasandal ako sa isang pader doon. Nakita ko naman si Ethan na tumakbo papalapit sa akin.

"Hey sam ok kalang? Anong masakit sayo? May problema ba?" Sunod sunod na tanong niya sa akin. Tumango lang ako sakanya.

"Oo, pagod lang siguro" sabi ko at ngumiti.

Binayaran niya lahat ng pinamili namin, nahihiya na nga ako dahil ayaw niya namang tanggapin ang pambayad ko sana sa mga pinamili ko. Umuwi na kami dahil pasara nadin ang mall.

"Sorry sam ha? Inaya pa kita kahit pagod ka" sabi niya at halatang nag aalala.

"No, ok lang gusto ko din pumasyal eh." Sabi ko at ngumiti.

"Tara na magpahinga na tayo, bukas pupunta na tayo sa bahay ng kaibigan ko" sabi niya at ngumiti.

Pag akyat ko ay nag half bath lang ako at humiga na. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina, parang ang tagal ko na silang kilala pero hindi ko naman sila maalala, tanong ko kaya kala mama?
Ang plano ko na maghalungkat sa kuwarto ko ay hindi natuloy dahil sa sobrang pagod kaya tuluyan na akong natulog.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon