Chapter Thirteen

36 9 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko, ngayon nga pala kami pupunta sa kaibigan ni Ethan.
Habang naliligo ako ay iniisip ko pa rin yung nangyari kagabi sa mall, bakit nila ako kilala? At sino yung dapat kong bisitahin?

Pagka baba ko ay naabutan ko si Ethan na nag aantay sa sala habang sila mama naman at si papa ay nag aayos ng hapag kainan. Parang sila tita Ruth.

Pagtapos kumain ay dumeretso na kami ni Ethan sa kaibigan niya. Pagdating namin doon ay namangha ako sa laki ng bahay nila, maayos naman ito pero medyo makaluma na ang disenyo at may ibang parte na mukhang napabayaan.

"Bigay yan sakanya ng parent niya nung nakagraduate siya" sabi ni Ethan at bumusina para ipaalam na andito na kami.

Lumabas ang isang lalake na kasing edad lang siguro ni Ethan, Matangkad din ito matangos ang ilong at napaka ganda ng mata niya kahit nasa malayo dahil medyo mapungay. Katabi naman nito ang babaeng halos balikat lang niya pero bawing bawi naman sa mukha dahil chinita ito at may magandang buhok.

Lumabas na kami ng kotse at nagbatian sila ni Ethan.

"Bro this is Samatha Jairez Trinidad yung architech na sinasabi ko sayo" pakilala sa akin ni Ethan.

"Brayden Carson" sabay inilahaf ang kamay niya sa akin tinanggap ko iyo at humarap naman siya sa babaeng katabi niya " This is Jashmin Villegas my fiancee" pakilala niya sa babae, naglahahad din ng kamay sa akin.

"Nice to meet you" sabi ko habang nakangiti at tumingin sakanilang dalawa.

"Tara sa loob para makita mo ang buong bahay" pag aaya nila sa amin.

Pumasok kami sa bahay at sumalubong naman ang dalawang babae sa amin.

"Hi! Ikaw yung mag didisenyo ng bahay?" Nakangiting tanong niya sa akin. Sasagot na sana ako ng magsalita si Ethan.

"Sam this is Larize Limen my cousin" pakilala niya sa babaeng nagtanong sa akin "and Shaine Mandin, Brayden's counsin" pakilala niya naman sa babaeng kasama nung Larize, ngumit ito sa akin at kumaway lang.

"Architech din sila katulad mo Sam, pero ayaw ni Brayden na sila ang mag disenyo ng bahay dahil wala daw siyang tiwala sa dalawa" natatawang sabi ni Ethan.

"Walang kwentang pinsan talaga iyan eh" sagot nung shaine at inirapan si brayden.

"Bonding naman tayo mamaya Sam! Mukhang masaya ka kasama eh!" Sabi ni Larize sa akin na ikinatawa ko.

"Sur-"

"Hindi puwede may gagawin pa si Sam mamay—"

"Ikaw ba kausap ko?" Mataray na tanong ni larize kay Ethan niya. Natawa naman ako dahil sa inasal nilang dalawa.

"Sure, wala naman akong gagawin after neto" sabi ko at ngumiti sakanila

Pagtapos ipakilala sa akin ang nga tao doon ay sinamahan na kami ni brayden at ng kanyang fiancee para libutin ang bahay, pinag usapan din namin kung anong klase ang gusto nilang disenyo para sa bahay nila para may idea naman ako sa gusto nila.

Pagtapos namin malibot ang bahay ay kinukulit ni nung dalawa si Ethan na magstay muna doon at gusto nila ako na makasama. Hindi narin nakayanan ni Ethan at sumuko na.

Andito kami sa garden ng bahay nila Brayden dahil may mga upuan dito.

"Hindi ba nasabi sayo ni Ethan na magttrabaho kami kasama mo sa maynila?" Tanong ni Larize sa akin.

"Hindi eh"

Makakasama ko din pala sila sa maynila, mukha naman silang masaya pakisamahan at makukulit, siguro makakasundo din ito ni camille.

"Masaya yun! Makakapag bonding tayo! Maraming pogi doon Eh?" Excited na tanong ni Larize sa akin na ikinatawa ko, kaugali nga ni camille.

"Ang harot ng babaeng ire, lumayo ka baka hindi kita matancha diyan" biro ni shaine sakanya.

"Manahimik ka Shaine, palibhasa di kapa nakakapuntang maynila kaya dimo pa nararanasan ang tunay na saya" natatawang sabi ni Larize.

"Gagang to, kaya nga doon tayo magt-trabaho para maexperience ko ang maynila hindi ba? Wag kana lang kayang sumama, tutal andito na si sam siya nalang kasama ko doon" mataray na sagot ni shaine

"Leche" sagot ni larize.

"Hindi ka pa nakakapag maynila shaine? Ikaw naman larize taga maynila ka talaga?" Tanong ko sakanila.

"Parehas kaming lumaki dito sa Palawan pero noong  1st and 2nd  year ko sa highschoom ay lumipat ako ng maynila dahil may inasikaso ang mga magulang ko, bumalik din naman kami dito at dito na ako nag 3rd year highschool" paliwanag niya.

"Maiba tayo Sam, wala kang bebe boy?" Natatawang tanong sa akin ni Larize. Mayroon katabi ko pa nga matulog kagabi. Echos.

"Wala pa"

"Wala pa?" Idiniin niya ang 'pa'

"Wag kang mahiya sa amin, mga walang hiya naman kami eh" singit ni shaine.

"Anong kami? Ikaw lang, nandamay ka pa" sagot ni larize. Tinarayan nalang siya ni shaine.

"I don't really know, feeling ko may hindi ako alam sa buhay ko" malungkot na sabi ko sakanila. Feeling ko marami akong hindi alam pero hindi ko magawang maisip kung ano. Natahimik naman sila at hindi alam kung pano ako kakausapin siguro ay hindi sila sanay na may malungkot ano?

"Pero ok lang naman kase wala naman sigurong nawala sa akin" nakangiting tugon ko.

Pero, Wala ba talaga?

"Nakakaloka ka naman, hindi ko alam sasabihin ko kasi ngayon lang tayo nagkakilala" Sabi ni larize at tinawanan ko naman siya, oo nga naman ano naman isasagot nila sa akin.

"Di ako sanay na malungkot eh, ikaw ba naman lagi mong kasama parang Clown tas mukhang clown" sabi ni Shaine habang nakatingin kay Larize.

"Gago ka! Jollibee!" Asar ni larize.

"Ulol! Mcdo!" Sabi ni Shaine at nagtaas ito ng middle finger na ikinatawa ko at natawa narin silang dalawa dahil sa kabaliwan nila.

Pagtapos namin mag usap usap at kumain ay umuwi na kami ni Ethan. Hindi na kami naka pasyal sa ibang lugar dahil late na kami nakauwi pero bukas daw ay mamamasyal kami kasama sila Larize at Shaine para sila daw ang Tour Guide.

Nag shower ako at humiga na para matulog nang biglang mag ring ang cellphone ko.

Maharot Calling...

Si Macey.

"Oh gaga napa tawag ka" tanong ko sakanya. Anong oras na kasi ay napatawag pa ang gagang to.

"Bawal ba mangamusta, gaga ka? Anyway kamusta kayo diyan ni sir?" Tanong niya sa akin sabay hagikgik sa kabilang linya.

"Wala kang kwenta kausap, matulog kana lang" Sabi ko. Parang bobo naman tong babaeng to, tatawag pa para lang don?

"Seryoso nga tanga, baka nadevelopan na kayo dyan eh" sabi niya sabay tawa.

"Gaga kaba dalawang araw palang nagkadevelopan na? Ano ako marupok?"

"Malay mo lang eh, napaka sungit mong panget ka" sabi niya sa akin. Sino ba naman magkakadevelopan ng dalawang araw, parang tanga.

"Bahala ka inaantok nako" sabi ko sakanya at binaba na ang linya. Napaka walang kwenta talaga ni Macey, bat ko ba naging kaibigan yon?

Pumikit na ako para matulog dahil nakakapagod makipag usap sa tanga.

Finding His ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon