Chapter 6

2.1K 102 4
                                    

Glaiza POV

Habang kumakain kami, nadako ang paningin ko sa isang mesa ng isang pamilya.

Ang cute ng baby habang sinusubuan ng mommy nya.

Bigla kong naisip si Rhian. Kami. Kailan kaya kami magkakababy. Hindi ko napigilan ang sarili kong mainggit. Kaya namam hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Alvin, pwede ka bang maging donor?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Donor sa ano?" Inosente nyang tanong sakin.

Baklang ito, walang kaalam alam.

"Donor, para magkababy kami ni Rhian." Sabi ko sa kanya.

Nakita kung nagulat si Alvin, mas lalo na si rhian. Hindi ko kasi sya nainform about this. Naexcite kasi ako sobra. Gustong gusto ko ng magkababy kami ni Rhian.

Sya lang kasi ang option ko. Nakakahiya man kasi kaibigan namin sya, pero mas mabuti na sya nalang kaysa sa kung sino sino man dyan. Atleast sa kanya safe. Diba?

"Ano?! Pano ko gagawin yon eh bakla ako?" Tanong ni Alvin.

Expected ko talaga na ganyan ang isasagot nya, tama naman sya talaga. Pero pakialam ko ba? Kasi sya nga gusto ko eh. Joke.

"Relax. Relax. Nagtatanong lang naman ako. Tsaka hindi pa naman ngayon, matagal pa." Sabi ko kay Alvin.

Nakahinga naman sila ng maluwag. Napaka obvious talaga nilang mag react.

Nagfocus na ulit ako sa pagkain ko. Parang naging awkward ang kainan namin. Para hindi ko maramdaman yon. Nagpakabusy nalang ako sa pagkain ko.

Pagkatapos naming kumain. Nagpaalam si alvin samin, may pupuntahan daw sya. Kami naman ay nagpunta na sa parking lot at bumyahe pauwi sa bahay.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Hindi na rin muna ako umimik.

Pagdating namin sa bahay. Naunang pumasok si Rhian. Sumunod din naman ako. Nakita ko syang nakaupo sa sofa.

I look at her, and she's so serious.

"What's with that look? Love." Tanong ko sa kanya.

"Love, bakit naman si Alvin kaagad ang nakaalam sa pagkakaroon natin ng baby? Bakit hindi muna ako ang sinabihan mo? Nakakagulat ka naman doon kanina sa restaurant. Feeling ko, wala akong kaalam alam sa plano mo!" Tanong sakin ni Rhian.

"Sorry Love, sorry if you feel that way. Naexcite lang kasi ako." Sabi ko sa kanya.

"Naexcite na magkababy?" Tanong nya sakin.

"Oo." Sagot ko.

"Ako rin naman. Pero diba dapat pinagpaplanuhan natin yan? Tayo? Hindi yong ikaw lang. Tas sasabihan mo lang ako pag may naisip kana. Wag ganon." Sabi niya sakin.

She rolled her eyes at nag walk out sakin. Nagpunta sya sa kwarto, at sinara ng malakas ang pinto.

What have I done? We are supposed to be happy. I made a mistake na naman.

Nahiga ako sa sofa, at nag isip ng paraan kong pano ko mapapaamo ulit ang asawa ko.

Bago pa ako makapag isip ng kung ano, I was called by her mother, na hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala.

"Okay ka lang ba? Mukhang tulala ka?" Tanong ni mama sakin.

"Okay lang po ako." Sagot ko.

"Where's Rhian?" Tanong nya.

"Nasa kwarto po." Sagot ko.

"Nasa kwarto? At ikaw nandito? Tell me, nag away ba kayo or something?" Tanong nya sakin.

Bakit niya alam? Obvious ba ako?

"Hindi po. Okay lang po kami, gusto ko lang po mag stay dito sa sala." Pagsisinungaling ko.

"Really?" Tanong ni mama sakin.

"Opo." Maikli kong sagot.

Ofcourse I have to deny kasi nandito kami sa kanila, and besides hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa rason ng tampo ng asawa ko sakin. It's so awkward.

Buti nalang lumabas si Rhian ng kwarto, at lumapit samin. She's ignoring me. Oh God! Sana naman hindi mahalata ni mama. Nako po.

____________________

Rhian POV

Nakakatampo talaga itong si Glaiza. Nag walk out nalang ako, baka ano pang masabi ko sa kanya, lumaki pa ang gulo naming dalawa.

Humiga ako sa kama, huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.

Susubukan kong alisin ang inis sa isipan ko. Nag isip ako ng mga memories namin ni Glaiza, yong kasal. Yong honeymoon. And that changed my mood.

Okay na ulit ako.

I heard my mom's voice outside. Nakauwi na pala ito. Lalabas na sana ako, but I heard them talking kaya nag eavesdrop nalang ako.

As what I've heard, hindi nya sinabi na magkagalit kami. I guess ayaw nyang palakihin ito, kasi maliit na bagay lang din naman ang tampo ko. Knowing my parents, they are over protective sakin, kaya mas mabuti nalang na hindi nya sinabi.

Lumabas ako at kasi mukhang kinukulit talaga ni mama si Glaiaza.

"Hi ma. Welcome home." Lumapit ako kay mama and I hugged her. I ignore Glaiza. Hindi ko pa feel na kausapin sya.

"Anak." Sabi ni mama.

Agad akong nag open ng topic para hindi na nya ako tanungin.

"Ma, where's papa?" Tanong ko sa kanya.

"Hay nako anak, nasa office pa sya. Nag overtime." Sabi ni mama.

Napansin kong pagod si mama. Kaya naman nag isip ako ng gagawin para maibsan ang pagod na nararamdaman nya.

"Ah, ma, why don't you relax here, while we make dinner." Pinaupo ko sya sa sofa.

"Really? Okay. Hmm, I'm excited. Thank you anak." Sabi ni mama ng nakangiti.

"Yes, ma." I said it with a big smile.

I hold Glaiza's hand. At pumunta kami sa kusina.

Hindi ako magaling magluto. Pero si Glaiza, magaling. Kaya sya ngayon ang magluluto, ako mag aassist lang. Oh diba? ang bright ng idea ko.

Pagdating namin sa kusina, I let go of her go.

"Magluluto ka?" Tanong nya sakin.

"Hindi, Ikaw ang magluluto." Sagot ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti sya.

"Bakit ka ngumingiti dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman love, natawa lang ako kasi ang certain mo sa pagkakasabi kanina na gagawa tayo ng dinner tas ako naman ang magluluto kasi you don't know how to cook." Sabi nya sakin habang tumatawa.

"So what? I'm here to help you naman. I'll be your assistant, kaya that makes us "we" kasi may gagawin pa din naman ako paghahanda ng dinner natin." Sabi ko sa kanya ng nakapamaywang.

"Of course". Sagot nya lang sakin.

Nagsimula na syang kumilos, ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

Assistant nga talaga ang tawag sa ginagawa ko. Naghihintay sa sasabihin ng master. Hay, ano kayang ipapagawa nya sakin.

I stopped following her and I lean on the wall. Mas nakakapagod pala ang walang ginagawa.

*************

Sorry po medyo matagal akong mag update, medyo nabubusy po sa work eh. :)

Anyway, sana nagustuhan nyo ang chap na ito. :)

🔚

Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon