Glaiza POV
Gusto kong habulin si Rhian. Pero hindi ko magawa dahil sa swero na ito. And also, yong tahi ko sa ulo. Hindi pa sya sarado. Hindi ko magawang tumayo, feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko.
Ang tangi kong nagawa ay ang tawagin sya at pigilan sa kanyang pag iwan sakin.
Pero hindi sya nakinig. Diritso syang lumabas sa kwarto ko. My tears started falling.
Umiyak ako ng umiyak.
Shit! Sana hindi ko nalang sinabi. Para hindi nya ako iniwan.
Kasalanan ko ito. Kasalanan ko.
I breath heavily and I take off this stupid swero sa kamay ko at naglakad palabas ng kwarto. I have to reach her. Kailangan ko syang pigilan.
Hinang hina ang katawan ko habang pilit na naglalakad papunta sa may pinto. Nang makarating na ako. Sinalubong ako ni mama at papa.
"Anak?! Anong ginawa mo? Bakit ka tumayo? Bakit mo inalis ang swero mo?" Nag aalalang tanong ni mama.
Bago pa ako makasagot. Nawalan ako ng malay.
__________________
I woke up feeling so mahina.
I look around and was hoping to see Rhian. Pero wala sya. I started crying again.
"Anak, tahan na." Sabi ni mama.
"Magkakaayos din kayo, just give her some time." Sabi ni papa and he gives me an assuring look.
Tiningnan ko ang kamay ko, may swero na ulit ako. I sigh.
"Ma, si Rhian. Iniwan nya ako. Ma. It's all my fault." I said it while sobbing.
"I know anak. Do you want to win her back?" Tanong ni mama.
Kumunot naman ang noo ko sa tanong nya. Anong klaseng tanong yan?
"Syempre ma. Sobrang mahal ko yong asawa ko eh." Sagot ko sa kanya.
"Good, then you shoud be strong. Pano mo sya susuyuin kung wala kang lakas? Diba? Magpagaling ka muna. Para pag nakalabas ka na dito, at magaling kana. Pwede mo na syang habulin." Sagot sakin ni mama.
Para akong bata na tumango sa sinabi niya. Actually may point talaga si mama. Tama sya. Kailangan ko munang magpalakas at gumaling para magawa ko ang gusto ko.
"Wag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina ha? Sobra kaming nag aalala ng papa mo." Sabi ulit ni mama.
"Sorry ma, pa." Then they hugged me both.
Sila lang ang mayron ako ngayon. And I'm so thankful.
Kinabukasan, nagising ako dahil kailangan ko ng gumising. Kailangan kong kumain at uminom ng gamot.
Naalala ko na naman si rhian. Sa mga oras na ito, siguradong nasa amerika na siya.
Nalungkot na naman ako. Namimiss ko na sya sobra. Sana paglabas ko dito, magkaayos na kami. Lahat gagawin ko para sa kanya.
Then dumating ang doctor at tiningnan ang sugat ko sa ulo.
"Well, looks like na mabilis gumaling ang sugat mo sa ulo. Excited ka na talagang makauwi." Sabi ng doctor.
"Opo doc." Sagot ko with a smile.
"Well, in that case, dahil gustong gusto mo na talagang umuwi. Pwede ka ng umuwi mamayang hapon. Sa bahay nalang icontinue ang paggamot sa sugat mo." The doctor said.
"Talaga po? Salamat po doc." Sagot ko at lumabas na ang doctor.
Niyakap ako ni mama at papa.
"Oh, pano anak. Ayusin ko muna ang papeles mo para makalabas ka na kaagad." Sabi ni papa. Bago sya umalis, hinalikan nya muna ako sa forehead.
I'm so glad that I have my parents here. If it weren't for them, I'd be dead already dahil wala si Rhian. Pero hindi nila ako hinayaan na gawin yan. Kaya para sa kanila kaya kailangan kong maging okay.
Paglabas ko dito, at pag okay na ako. I'm gonna win back my girl.
Hindi ko namalayan na sobrang bilis ng oras ngayon. Ready na kami sa pag alis namin.
Tinanggal na ang swero ko at pinaupo na ako sa wheelchair para ihatid sa sasakyan namin.
I am smiling widely. Sa wakas nakalabas din ako sa hospital na ito.
Nang makapasok na kami sa sasakyan. Pinaandar kaagad ito ni papa.
"Saan mo gustong kumain anak? Kain muna tayo bago umuwi sa bahay." Tanong ni papa sakin.
Natawa pa ako sa naisip ko.
"Sa jollibee po." Feeling bata ako ngayon. So what? Masarap naman talaga pagkain doon.
"Looks like someone is being a baby again." Pang aasar ni mama.
"Ma naman, hindi noh? Masarap lang talaga ang pagkain doon." Sabi ko.
Nakarating na kami sa jollibee at humanap kami ni mama ng mauupuan. Si papa naman ang pumunta sa counter para omorder.
Hindi din nagtagal dumating na si papa dala ang pagkain namin.
I clap my hands.
I have fries, spaghetti and fried chicken. Yummy!
Namiss kong kumain dito. Lalo na nong bata pa ako. Palagi kaming kumakain dito.
I enjoyed my food. And after we eat lumabas na kami para umuwi.
On our way home. Parang ayoko ding tumuloy. Kasi walang Rhian akong madadatnan sa bahay. Wala ang mga gamit nya. Wala ang lahat lahat. Ayokong mag isa sa kwarto. Gusto ko nandoon sya.
"Ma, pwede po ba wag na muna tayong tumuloy sa bahay?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? Saka saan naman tayo pupunta?" Tanong ni mama.
I look down kasi hindi ko masabi sa kanila, nahihiya kasi ako.
"Anak, it's okay. Kasama mo naman kami. Hindi ka mag iisa sa bahay." Nagets pala ni papa ang nararamdaman ko.
I smiled a bit and nodded.
Nakarating na kami sa bahay. I take a deep breath.
Kaya ko ito, sabi ko sa sarili ko.
Then pumasok na kami sa bahay.
Si mama at papa nabusy sa mga dala namin. Kaya ako naman ay pumunta sa kwarto ko. It's locked. Kaya bumalik ulit ako at lumapit kay mama.
"Ma, nasaan po yong susi ng kwarto ko? Nakalock kasi." Tanong ko sa kanya.
"Nakalock? Eh hindi naman namin yan nilalock eh. Yong susi nasa may TV kunin mo nalang nak." Sagot niya.
Pumasok ako sa bahay at kinuha ang susi.
Naalala ko, hindi naman talaga nilalock ang kwarto ko. Kahit ako, hindi ko ito nilalock.
Pero di bali na nga. Pumunta akos a pintuan ng kwarto ko and binuksan ito.
Madilim ang kwarto ko. Dapit hapon na din kasi. So I turned on the lights and was shocked.
"Welcome home."
*************
So there it is.
Sa tingin nyo? Sino ang nasa loob ng kwarto ni Glaiza?
Abangan!
Pasensya na bitin na naman ang part na ito. ✌
🔚
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
FanfikceThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...