Rhian POV
Simula ng malaman namin na nakatakas si Solenn. Palagi na kaming ready sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Actually, nagpadagdag sila mama ng guard, para mas lalong secure kami. Tapos lahat ng pinto namin ay may double lock na.
Nakakastress isipin ang ganito, lalo na't buntis nga ako. Pero hanggang ngayon, wala kaming balita kay Solenn. Hindi pa rin sya nahuhuli, at wala naman din syang ginagawang masama, wala pa. Sana nga, wala na talaga. Para wala ng gulo. Pero hanggat hindi pa sya nahuhuli, hindi pa rin matatahimik ang mga buhay namin.
Pero hindi dapat kami nag papaapekto sa kanya. Diba? Kasi wala naman syang ginagawa at safe naman kami dito sa bahay. Kaya nag paluto ako ng mga pagkain kay Mari. Para makapag relax kami sa may pool. Kasi lahat kami nastress kay Solenn. Lalo na si Glaiza.
Tila yata, nakaukit na sa mukha nya ang takot. Ako, syempre natatakot din pero hindi ko gustong magpaapekto sa kanya. Masisira lang ang buhay ko nyan eh.
"Hey people, c'mon, let's go swimming." Sabi ko sa kanila in an excited way.
Napatingin naman sila sakin na para bang hindi nila iniexpect na sinabi ko yon.
"Kailangan din nating mag relax noh? Wag tayong magpaapekto masyado kay Solenn. Besides, sino ba sya para pag aksayahan natin ng oras diba?" Sabi ko ulit sa kanila.
Lumapit naman sakin si Glaiza at inakbayan ako.
"Tama si Love. Kailangan nga nating magrelax. Sa totoo lang kasi, naistress na talaga ako kay Solenn eh. Siguro makakatulong ito para umayos ang pakiramdam ko." Sabi naman ni Glaiza.
"Then, let's do this." Sabi naman ni mama ng nakangiti.
"Let's go." Sabi naman ni papa.
Naglakad na sila papunta sa likod ng bahay, kami naman ni Love, nagpaiwan para tulungan si Mari sa mga pagkain.
Naglagay kami ng mahabang misa at mga upuan na rin para doon magsalo salo.
Si mama at papa ay nauna ng maligo. Si Glaiza naman sakin nakadikit. Natawa tuloy ako.
"Love, okay lang ako. Maligo ka na. Susunod na ako maya maya." Sabi ko sa kanya.
"No love, sabay na tayo." Sabi niya.
Ngumiti nalang ako sa kanya. Pagkatapos namin maayos ang mga pagkain. Pumunta na kami sa pool para maligo.
Ang sarap ng tubig. Ang lamig sa balat. Nakakarelax nga talaga.
Nag enjoy kami sa paglalangoy, at sinabayan pa ng inom ni mama at papa. Si glaiza ayaw uminom, kasi daw baka malasing sya, wala akong kasama. Ang cute nya!
Tapos kumain na rin kami, at inenjoy ang araw na ito sa pag swimming. Buti nalang nakapag isip ako ng ganitong paraan.
I can see on their faces that they are happy. I'm glad that they are. I just want them to feel that way, kahit sa sandaling panahon lang.
And then, after that whole day fun sa pool, bumalik na kami sa loob ng bahay.
____________________________
Glaiza POV
After that wonderful time namin sa pool. Bumalik na kami sa loob ng bahay.
Salamat kay Love at nagkaroon kami ng time na mag enjoy, kasi we were so busy sa pag iisip sa pwedeng gawin ni Glaiza. Masyado na yata kaming nastress sa kanya.
Actually, natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari. Ayoko ko ng maulit ang pagkidnap kay Rhian at ang paglagay ng buhay ko sa kritikal na kondisyon. If only mayroong paraan para matigil na itong si solenn. Pero the only thing na gusto nya eh mapasakanya ako. No way! Kay Rhian lang ako.
So ayon, pumunta kami sa kwarto para makapag palit ng damit. Nag maghubad na si Rhian ng damit. Ang cute nyang tingnan, yong tyan nya kasi, masyadong malaki, para syang bola. Lumapit ako sa kanya at hinalik halikan ang tyan nya.
"Ano yan?" Tanong ni Rhian sakin.
"Wala, gusto ko lang halikan ang mga baby natin." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Buti naman, nakangiti ka na. Palagi ka nalang kasing seryoso. Simula ng malaman natin na nakatakas si Solenn napakaseryoso mo na." Sabi ni Rhian sakin.
Tiningnan ko. Hindi ako aware na ganon na talaga ang nangyari sakin.
"Sorry love ha? Masyado lang kasi akong natatakot para satin eh. Don't worry, hindi na ako magpapa apekto sa kanya. Okay? I love you." Sabi ko sa kanya.
"I love you too." Sagot niya.
Then I hugged her while my hands are on her belly. Tapos naramdaman kong gumalaw ang tyan ni Rhian.
Napawow ako, ang ganda pala ng feeling ng ganito. Ramdam na ramdam ko na ang babies namin. Ang likot nila.
Then after that, nagbihis na kaming dalawa at humiga sa kama. Nakayakap lang ako sa kanya at sya naman ay nakaunan lang sakin. Actually, nahihirapan na syang gumalaw pag nakahiga kasi nga malaki na yong tyan nya. Kaya mostly nakatihaya syang matulog.
Ginagawa ko naman anv lahat para maging komportable lang sya. Hindi naman nagtagal, ay nakatulog na sya. Mabilis syang makatulog, mabilis ding magising.
Buhay talaga ng buntis, ang hirap. Habang tulog na si rhian, tumayo muna ako at siniguro na nakadouble lock ang pinto ng kwarto namin at pati na ang mga bintana. Araw araw ko itong ginagawa at hindi ako magsasawa.
Bumalik na ako sa paghiga sa kama, at pinatay ko na ang bedside lamp ni Rhian. Yong sakin nakabukas lang kasi hindi pa naman ako matutulog. Kailangan kong bantayan ang asawa ko.
In case na kailangan nya ng kahit na ano, gising pa ako para maasikaso sya.
Kumuha ako ng libro at nagbasa nalang para naman malibang ang mga mata ko.
Umabot ng alas 10 ng gabi, mukhang inaantok na yata ko kaya tumayo na muna ako para malibang ang sarili ko. Naglakad lakad ako palibot ng kwarto namin para maalis ang antok sa isipan ko.
At nang mawala na nga bumalik ako sa tabi ng mahal ko. Hinaplos haplos ko ang buhok nya.
Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya. Dati 100% lang, pero ngayon lumampas na yata 200% na. O.A na kung O.A basta mahal na mahal ko si Rhian. Kahit ang kamatayan ay hindi makakatanggal o makakabawas manlang sa pagmahahal ko.
Hindi nga ako nagkamali, pagdating ng alas 12 nagising nga si Rhian para umihi. Tinulungan ko syang makatayo, at sinamahan ko sya sa banyo.
Nagtaka nga sya kung bat gising pa ako. Sabi ko naman sa kanya na hindi pa ako inaantok.
Pagbalik namin sa kama, pinaunan nya ako at nakayakap ako sa kanya.
Mukhang wala na akong lusot, pinapatulog ba ako ng love ko. Gusto nya matulog muna ako bago sya matulog ulit.
Kaya hindi na ako makikipagtalo pa. Susunod nalang ako sa kanya. After all, she's my boss.
And then I fell asleep.
***********************
Good evening readers. Oh? Nakadalawa ako ngayon. Hehe. Wala kasing pasok.
Bukas mayroon na naman kaya di ako sure kung makapag update kaagad ako.
Anyways, salamat nga pala sa patuloy na nagbabasa at bumubuto sa storyang ito. Lalo na yong mga nagkocomment, nakakainspire. Salamat po.
Goodnight. 😘
🔚
![](https://img.wattpad.com/cover/117769665-288-k320793.jpg)
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
Hayran KurguThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...