Chapter 24

1.7K 91 25
                                    

1 month later.

Rhian POV

Sa wakas nakapagbukas na ulit ako ng flower shop ko, at para hindi na kami malayo sa isa't isa. Magkatabi lang ang negosyo namin. Yong sa kanya naman ay fashion botique.

Ngayon ang grand opening namin, kaya naman complete attendance kami. Si mama, papa, alvin at ang parents ni Glaiza.

Suportado nila kami.

Nang magbukas na ang aming negosyo. Madami kaagad ang pumasok na customers.

Pero sa araw na ito, may free 1 hundred roses kami. Karamihan ng pumunta sa shop ko ay mga kalalakihan. I bet they're gonna give the roses to their girlfriends. Tapos mayron din, lesbian lovers, tapos doon pa binibigay yong rose pagkakuha nila. Ang sweet lang.

Napapangiti ako, dahil napapangiti sila.

Nang maubos na ang free roses. Madami pa din ang customers namin. Iba't ibang klase ng bulaklak ang binibili nila.

Habang pinapanood ko ang mga tao, hindi ako nagsisisi na ito parin ang ginawa kong negosyo. Nakakarelax din kasi ng isipan pag nakakita ka ng bulaklak, lalo na pag iba iba ang kulay.

Si mama at papa, busy sa pag aasikaso sa mga tao, katulad ko at ng staffs ko.

Hindi ko maiwan iwan ang shop ko. Dahil sa di maubos na mamimili. Gusto ko sanang puntahan at icheck si Glaiza. Pero sure naman ako na busy din sya kagaya ko. Kaya dito na muna ako.

Pumasok si Alvin sa flower shop ko. Kaya ako na mismo ang nag asikaso sa kanya 

"Hi Alvin." Bati ko.

"Hello, girl. Bibili sana ako ng red roses para sa office ko." Sabi nito in a maarte way.

"Sure. Ilan?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. 50 siguro." Sabi niya.

Tiningnan ko sya ng maigi para masure sana kung nagjojoke ba sya. Pero seryoso sya.

"Okay, papaayos ko lang ha? Have a sit." Sabi ko sa kanya. At ginawa naman nya.

Pumunta ako sa staffs ko at sinabi ang gagawin. Agad naman nilang ginawa ito. At pagkatapos, binigay na nila kay Alvin ito.

Pagkatapos nyang magbayad, nagpaalam na muna sya kasi may aasikasuhin daw sya sa office nya.

Suddenly, nakaramdan ako ng gutom, kaya napatingin ako sa orasan. It's already 12 na pala.

Kaya pinasara ko na muna ang shop ko, at nagpa deliver ng pagkain para icelebrate ang first successful day namin.

Kasama ang staffs ko at ang parents ko, nagsimula na silang kumain.

Ako, wala akong ganang kumain. Gusto ko kasabay si Glaiza.

Kinuha ko ang phone ko and I dialed her number.

Sinagot nya naman kaagad ito.

Her: Hi love. So, how's it going?

Me: okay naman, ang dami ngang tao kanina. Dyan kumusta?

Her: Katulad din ng sayo. Kumain ka na ba mahal?

Me: Hindi pa nga eh. Gusto ko sana sabay tayo.

Her: Ako din. What if dyan nalang kami kumain? Kaming lahat?

Me: Talaga? Sige. Madami pang foods dito.

Her: Okay, coming.

And before I ended the call, nakita ko na sila na pumasok sa shop ko.

Nagtawagan pa kami, eh nasa kabila lang naman sya.

Nang tumabi na sya sakin, ayon, nagkaroon na ako ng gana sa pagkain.

We enjoyed our food so much kaya naman nagmadali na kami ng makita naming 1 p.m. na.

Lumabas na ulit sila Glaiza, at kami naman ay back to work na ulit.

_________________

Glaiza POV

Hindi ako nagsisi na ito ang pinili kong negosyo, kasi alam ko naman na ang mga tao, ay mahilig sa kaartehan, at tama nga ako. Dahil kabubukas palang ng botique ko, ang dami na kaagad ng customers.

May free 100 t-shirts ako na pinamigay. Kaya naman, nagkumpulan kaagad ang mga tao.

Matapos ang pamimigay ng free. Madami pa rin ang mga taong namimili.

Wala akong time na makaupo manlang, tulong tulong kami sa pag aasikaso ng mga tao.

Si mama at papa tumulong na rin. And they were happy to do so.

Hindi ako makaramdam ng pagod, dahil naka full charge ang energy ko.

Tapos ng makita ko ang isa kong customer, na may dalang rose. Alam kong galing sya sa shop ni Love.

Kumusta kaya sya doon? Hindi manlang ako makapunta ngayon, kasi busy pa. Alam ko ding matao naman doon kaya mamaya nalang.

Then, my staffs put a close sign sa labas, kaya napatingin ako sa orasan. Alas 12 na pala. Hindi pa ako nakapadeliver ng pagkain.

Tapos tumunog yong cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ko an si love pala. Sinagot ko kaagad ito.

Me: Hi love. So, how's it going?

Her: okay naman, ang dami ngang tao kanina. Dyan kumusta?

Me: Katulad din ng sayo. Kumain ka na ba mahal?

Her: Hindi pa nga eh. Gusto ko sana sabay tayo.

Tapos napaisip ako. Gusto ko kasi talagang pumunta sa kanya.

Me: Ako din. What if dyan nalang kami kumain? Kaming lahat?

Her: Talaga? Sige. Madami pang foods dito.

Me: Okay, coming.

Tapos pumunta na kami sa shop nya.

Tumulong ako sa pag arrange nito kahapon, pero hindi ko alam na ganito kaganda ang kalalabasam nito ngayon.

Ang galing talaga ng asawa ko.

Lumapit na kaming lahat sa table nila at nakisalo sa pagkain.

Ang dami namin, kaya mas lalong enjoy.

Sa sobrang gutom namin, hindi namin namalayan ang oras. 1 p.m na pala. Kaya agad agad kaming namadali at bumalik na sa botique.

Hay buhay may trabaho, hindi ko manlang nahalikan ang asawa ko. Siguro mamayang gabi nalang.

Then, dumami na ulit ang mga tao. Kaya nabusy na ulit ako.

Pagkatapos ng napakabusy na araw, nagsiuwian na kami.

Si mama at papa nagdecide na sa parents ni love matutulog para daw makapag bonding sila.

Okay lang naman samin ni Rhian. At bumyahe na kami pauwi.

Pagdating namin sa bahay, doon palang namin naramdaman ang pagod. Kaya pinaupo ko si Love at minasahe ang legs nya.

Nang matapos, sya naman ang nagmasahe sakin.

At nang marelax na ang sarili namin, saka kami naligo ng sabay. Pagkatapos dahil sa buong araw kaming hindi magkadikit, we make love.

Namiss ko sya ng sobra eh. At alam kong sya rin. Kaya inabut kami ng hating gabi ss paglaloving loving.

*************

Goodnight po! 😘

Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon