Chapter 50

2K 78 34
                                    

Rhian POV

After a week nakauwi na kami sa bahay. Iba na talaga pag may baby na sa bahay, palaging busy ang lahat. Isa isa kaming nagbabantay sa munting princesa at prinsipe namin.

Hindi pa rin ako masyado magalaw dahil sa tahi ko tyan. Pero mabilis naman ang paggaling ng sugat, kasi may gamot naman at ointment para dito.

Kasalukuyan kaming nakahiga ni Glaiza. Actually, hindi pa rin naman nagbabago ang pagtingin namin sa isa't isa. Hindi nga nabawasan kahit may anak na kami.

Magkayakap kami nakahiga, I was staring at her. She never fails to make me kilig, tingin palang nya sakin. Napapangiti na ako, at kinikilig pa ako.

Hinalikan ko sya sa mga labi niya ng dahan dahan. Puno ng pagmamahal. At tinutugunan nya ito. Pero bago pa kami makagawa ng kahit na ano, umiyak ang baby namin.

Napabitaw kami sa isa't isa at parehong natawa. Hindi na talaga tulad ng dati ang buhay namin, mayron na kaming priority at yong ay ang mahal naming babies.

Tumayo kami at pinuntahan ang mga baby namin sa crib nila. Binuhat ko si Prince at si Glaiza naman kay Princess. Yan ang nickname ng baby namin. Cute ba? Cute naman talaga sila.

"Love, Tara labas tayo ng kwarto." Sabi sakin ni Glaiza.

"Sige love." Sagot ko sa kanya.

At pagkalabas namin, may surprise palang nakahain para sakin.

"Happy birthday!" Sabay sabay na sabi ng parents ko, at parents ni Glaiza, pati si alvin at ang mga kasambahay namin.

Nakalimutan kong birthday ko pala ngayon. Masyado kasi akong nakafocus sa baby namin.

Tumingin ako kay Glaiza. She's holding a bouquet of red roses, and a cake.

"Happy birthday my love." Sabi ni Glaiza.

I was so touch thay my tears started falling.

Tinanggap ko ang bulaklak at nag wish ako na sana maging maayos ang buhay namin for the rest of our lives. And then I blow the candles.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Pinahawak pala ni Glaiza si Princesa kay Mari, kaya ako naman ay pinahawak ko kay Alvin si Prince.

At masaya akong bumaba at niyakap ang bawat tao sa bahay.

Nang kay mama na aki nakaharap, I kissed her cheek and thank her for everything. Without her, wala naman ako sa mundong ito diba? Hindi ko sana makikilala ang love ko.

Kay papa, niyakap at hinalikan ko din sya sa pisngi, and I also thank him for everything, kung hindi dahil sa kanya wala din ako sa mundong ito.

At sa parents ni Glaiza. I hugged them and thank them for making Glaiza a wonderful person.

Sunod kay Alvin, busy sya ngayon sa pagkakarga kay Prince.

I hugged him and thank him for being my friend. And for helping us na magkababy.

And lastly, Lumapit ako sa pinaka mamahal ko. I hugged him, and then the music started playing. Siguro pakana na naman nya ito. But I find it romantic.

We danced while hugging each other, ang sarap sa pakiramdam. I felt love in every move we make.

"Love, Sobrang salamat sa lahat. Always keep in mind that I really love you so much at nandito lang ako palagi para sayo." Sabi ni Glaiza sakin.

I smiled and kiss her lips, at narinig kong nagpapalakpakan ang lahat ng mga tao.

Matapos ang sayaw namin, nagsimula na kaming kumain. Simpleng celebration lang ito pero para sakin ito na ang pinaka masayang birthday ko, dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

____________________________

Glaiza POV

Maaga akong nagising dahil na rin sa umiiyak ang babies namin. Syempre, isang iyak palang, gising kaagad ako. Sila na ang naging alarm clock ng buhay ko.

Pinadidi ko sila at pinatulog ulit tapos naalala ko, birthday pala ni Love ngayon.

I look at her, ang ganda ng tulog nya. Kaya naglakad ako palabas ng kwarto. Buti nalang gising na si mama at papa pati parents ni Rhian. Kaya nag usap usap kaagad kami sa kung anong pwedeng gawin para masurprise ang love ko.

And then, we came up to this idea, and then we do it. Napakabusy namin, and I was hoping that hindi sya magising.

It took us two hours to finish everything and when were done, I went back to our room. Thank God she's still sleeping.

I waited for her to wake up, and when she finally did, I put my sweetest smile on my lips and said Good morning.

Ngumiti naman sya sakin, at nag good morning din.

She doesn't seem to remember that it's her birthday, idi successful ang surprise namin.

I keep on staring at her and she do the same.

Tingin palang ni Rhian sakin, kinikilig talaga ako. Ang pungay ng mga mata nya. Yong tibok ng puso ko pag nagkakatitigan kami, sobrang lakas.

She kissed me, at nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. I answered her kisses and deepened it. Pero bago pa kami mag enjoy lalo sa ginagawa namin, umiyak si Prince at princess. Kaya natigil ang paghahalikan namin.

Pareho kaming natawa at tumayo para asikasuhin ang babies namin. Binuhat namin ang babies namin at niyaya ko sya palabas ng kwarto.

Pumayag naman sya. At pagkalabas namin, nakita kumislap ang mga mata. Nasurprise sya. And I am happy that she did. She deserve surprises. She deserve anything in this world.

Habang busy sya sa pag ikot ng paningin nya sa paligid. Binigay ko si Princess kay Mari at kinuha ko yong cake at flowers.

Timing naman na napatingin sya sakin. I can tell that she is so happy. Tinanggap nya ang flowers and she blow the candles.

At doon nagsimula ang masayang kaarawan nya. Siguro masyado na syang hands on sa babies namin kaya nakalimutan nya na birthday nya ngayon.

Habang nagcecelebrate kami, I made sure that hindi mawawala ang ngiti sa mukha nya. Dahil gusto kong happy lang sya ngayon.

And I'm glad na nagawa ko yon. Her birthday party ended late at night. And it was so sulit.

I kissed her lips and together nanood kami ng movie kasama ang pamilya namin. Ang sarap ng feeling pag ganitong magkakasama ang buong pamilya. Sana ganito nalang kami palagi.

Habang busy sila sa panonood, naalala ko si Solenn. I was sad about her. She committed suicide inside her cell. Siguro sa aming lahat dito ako lang ang nalungkot. Kasi naman ako din naman ang rason kung bakit sya nagkaganon diba? I just hope that she may rest in peace.

Nawala din ako sa pag iisip na yon dahil napansin siguro ni love na may iniisip ako. Hinawakan nya ang kamay ko and asked me what's wrong.

Hindi ko na sa kanya sinabi. Ang importante tapos na ang lahat. Wala na talagang mangugulo samin.

This is great.

****************
Hello po. :) Good Evening.

Salamat sa lahat ng sumuporta sa kwentong ito. Bukas may isang chapter pa ako. Haha hindi ko nasakto sa 50 eh.

Sana po ay nag enjoy kayo sa pag babasa ng kwentong ito.

😊❤😘

🔚

Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon