Chapter 39

1.6K 74 8
                                    

Glaiza POV

I woke up feeling pained all over. I look around to see where I am. Sa itsura ng lagay ko, halatang nasa hospital ako.

Wait? Nasa hospital ako? Paano? At bakit?

Nag isip ako kung ano ang nangyari sakin at nag flashback sa isipan ko ang kaganapan. Ang pagbaril sakin, ang pag sigaw ni Rhian at ang pagdating ng mga pulis.

Oh my God! Ang asawa ko.

"Rhian!" I called. Nagpapanic ako, nasaan sya?

Lumapit naman sya sakin. She look so worried.

"Shh, I'm here. I'm here. Okay na tayo love. Okay na ang lahat. We're safe." Then she kissed my forehead.

Kumalma ako, knowing na okay na talaga ang lahat. I ask her about Solenn and I was happy to know na nasa kulungan na sya.

Sana naman, makalimut na sya.  Sana magsisi sya sa mga kasalanang nagawa nya. Lalo na samin.

I reach out for Rhian's belly. Halata na ang tyan nya. Napangiti ako.

"Hi baby." Sabi ko.

Napangiti naman si Rhian.

"Love, yong dragon fruit mo, nasa bahay. Baka bulok na yon." Sabi ko sa kanya.

"It's okay love. Hindi ko na rin naman gustong kainin yon. Ang tanging gusto ko lang ay gumaling ka at makalabas ka na dito para maipagpatuloy natin ang ating buhay bilang mag asawa." Sabi ni Rhian.

Napangiti ako sa sinabi nya.

"I love you love." I said.

"I love you too." She answered.

Napakaswerte pa rin namin dahil nakaligtas kami sa pangyayaring yon. Lalo na ako. Hindi ko rin naman kayang iwanan ang mag ina ko. Kailangan pa nila ako, at gusto ko rin magkakasama kami hanggang sa lumaki ang baby namin at kami ay tumanda na.

"Love, saan nga pala si mama at papa?" Tanong ko sa kanya.

"Lumabas love. Bumili ng pagkain natin." Sagot nya sakin.

"Hi Glaiza. Kumusta ka na?" Tanong ni Alvin.

"Uy alvin. Andito ka pala. Ito okay na rin ako kahit papano. Tagal mong di nagpakita ah." Sagot ko kay Alvin.

"Ito naman. Nabusy lang. Alam mo na, business minded person din ako." Sagot ni Alvin.

Totoo yan. Kaya minsan nalang namin syang makita. Napakabusy nya kasi.

"Kayo, kumusta na yong mga negosyo nyo?" Tanong ni alvin.

"Well, may mga nag aasikaso na roon. Pero pumupunta pa rin naman kami doon." I answered.

"Wow, iba na talaga ang may baby." Nakangiting sabi ni alvin.

"Alam mo na?" Nakangiti kong sabi.

"Yes, sinabi sakin Rhian kanina." Sagot naman ni Alvin.

"Excited na kaming makita ang baby namin. Kanino kaya kamukha?" Sabi ko.

"Sana combination natin." Sagot naman ni Rhian.

"Oh sya, kayo na ang sweet. Labas muna ako. Na out of place ako." Sabi ni Alvin.

Pareho kaming natawa ni Rhian.

"Oh ito naman, ang arte." Pang aasar ko sa kanya.

"Hoy, wag mo akong asarin, kilitiin kaya kita dyan ng dumugo yang sugat mo." Maarteng sabi ni Alvin.

Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon