Rhian POV
"Ikaw?! Bwesit ka. I should have known." Sabi ko sa kanya. Mas lalo pa akong nagalit ng malaman ko kung sino ang boss ng mga kidnapper na ito.
"Yes, me. Nagulat ka ba? Hindi mo iniexpect na ako? Hay naku, Rhian. Ang hirap sayo kasi ang bilis mong magtiwala." Natatawang sabi ng boss ng mga kidnapper.
"Sa mukha mo palang, expected na. Pero sa ginawa mong pagpakidnap sakin. Nako, napakacheap mo naman." Mataray kong sabi.
Nako, kung hindi lang ako nakatali, nagulpi ko na ito.
Lumapit sya sakin. At sinampal ako. Naramdaman kong parang kumapal yong pisngi ko.
"Watch your mouth. Rhian. Baka mamaya, matakot ka na sa makikita mo." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Sinong tinakot mo?!" Sagot ko sa kanya.
Bago pa sya makasagot sakin, tumunog yong phone niya. Galit na sinagot nya ito.
"What?!" -the boss
"What do you mean na wala sya?" -the boss.
"Mga gago! Hanapin niyo at wag kayong babalik dito hangga't hindi niyo sya kasama pagbalik dito! Get it?!" Galit nyang binaba ang phone nya.
Natatawa ako sa itsura nya. Mukha syang talunan.
"Saan mo tinago si Glaiza?" Tanong niya sakin.
"Hinding hindi mo sya mahahanap." Tapos tumawa ako ng pagkalakas lakas.
Sana lang talaga hindi nila mahanap si Glaiza. Sana hindi sya umuwi sa bahay.
"Wag kang pakakasiguro!" Tumalikod na sya paalis.
"Yan, tama yan. Umalis ka, nakakasuka itsura mo eh." Sabi ko sa kanya.
Sinara nya ng malakas ang pinto and then I heard them walking away.
Nakakapagod ng umupo. Anong oras na kaya? Sana maging safe si Glaiza. Hindi sana sya mahanap ng mga kidnapper.
Tapos biglang tumunog yong tyan ko. Gutom na pala ako. Kami ng baby ko.
Ayoko sanang maghingi sa kanila ng kahit na ano pero para sa baby ko, gagawin ko ito.
"May tao ba dyan? Nagugutom na ako. Pahingi naman ng pagkain. Please." Nilakasan ko talaga ang boses ko. Pero walang sumasagot sakin.
Ano ba? Papatayin ba nila kami ng baby ko.
"Hello, please lang. Buntis ako. Maawa kayo sa baby ko." Pero wala pa rin.
Hanggang sa nakatulog nalang ako, walang dumating.
"Hoy, gising." Sabi ng boses.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Then I saw food sa harapan ko.
Tiningnan ko kung sino ang nagdala ng pagkain. Yong lalaki na mukhang bakla pala ang nagdala nito.
"Bago ka pa magsalita, kumain ka na muna." Sabi niya sakin.
Tinanggal nya ang tali ng kamay ko, pero bago nya ako tuluyang bitawan, nagsalita muna sya.
"Wag na wag kang magtatangkang tumakas kung ayaw mong masaktan." Sabi niya sakin.
"Sa ngayon, wala pa akong balak na tumakas, kasi nagugutom ako. Kaya bitawan mo na ako ng makakain na ako." Sabi ko sa kanya at inirapa sya.
"Yon ay kung makakatakas ka." Binitawan nya na ako kaya nakakain na ako.
Grabe ang gutom ko, kahit hindi masyadong masarap yong pagkain kailangan ko parin ito para maging malakas at para sa baby ko.
Pagkatapos kong kumain, tinali na ulit yong kamay ko. And then umalis na sila.

BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
FanfictionThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...