Rhian POV
Nakalabas na si mama sa hospital. And I'm so thankful na walang masamang nangyari sa kanya.
Pauwi na kami ngayon sa bahay. Tahimik lang ako dahil iniisip ko parin ang result ng test kahapon. Possible ba na mali lang yong sa unang test?
"Love, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Glaiza.
"Yes love. Okay lang ako. I was just thinking about that pregnancy test." Nalungkot na naman ang mukha ko.
"Bukas love try mo ulit. Okay?" Sagot sakin ni Glaiza.
Ngumiti ako sa sinabi nya. Pareho pa rin kaming umaasa.
"Sige love." Sagot ko sa kanya.
Soon enough, nakarating na kami sa bahay.
Pagkababa namin, pumasok kaagad ako sa bahay, diritso sa kusina. Kumuha ako ng cake sa ref at kinain ito.
"Uy sya. Gutom na naman." Nang aasar na sabi sakin ni Glaiza.
"Nagugutom lang talaga ako love. Wag mo nalang pansinin." Natatawa kong sabi.
"Okay po. Punta lang ako sa kwarto ha? Magpapalit akong damit. Kaw rin, pagkatapos mo dyan magpalit kana." Sabi sakin ni Glaiza.
"Okay love." Sagot ko sa kanya.
Pumunta na sya sa kwarto. Ako naman ay nag eenjoy sa pagkain ng cake.
Pagkatapos ko, pumunta na ako sa kwarto at nadatnan kong tulog na si Glaiza.
Kawawa naman ang love ko. Napagod siguro sa pagmamaneho.
Hinayaan ko nalang syang magpahinga at nag bihis na ako tapos tinabihan sya.
Nakaharap akong humiga sa kanya, so kitang kita ang mukha nya. Napansin ko na may pimple ang asawa ko sa may forehead nya. Hindi ko yon napansin kahapon at kanina. Ngayon ko lang talaga napansin. Kawawa naman ang asawa ko.
Natawa ako bigla sa naisip ko. Nagkakapimple pala sya. Eh ang kinis ng skin nya.
Maya maya, nakaramdam na rin ako ng antok. Kaya ayon, niyakap ko sya and then I feel asleep.
______________________
Glaiza POV
Pagdating namin sa bahay. Nagulat ako ng madatnan ko si Love sa kusina. Kumakain ng cake.
Napaka unusual naman. Baka buntis na ang asawa ko. Nako sana naman po.
Anyway, hindi ko na muna papansin, para hindi naman kami masyadong parehong umasa if ever na hindi sya preggy.
Pumasok ako sa kwarto, tapos nagbihis. Sa sobrang pagod ko, napahiga ako sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil parang mahuhulog na ako sa higaan ko. Pagmulat ko ng mga mata ko, mahuhulog na nga talaga ako. Nakasiksik kasi si Rhian sakin.
Tumayo ako at pinabalik sya sa gitna ng kama.
Lumabas na muna ako ng kwarto at nagluto ng lunch.
Pagbalik ko, tulog pa rin sya.
Pumunta ako sa banyo para maghilamos, at napansin kong may pimple pala ako.
Gosh! Germs!
Naghilamos ako ng tatlong beses at naglagay ng cream sa mukha. Sana maalis na kaagad ito, bawas pogi points to eh.
Tulog pa rin si Love kaya napag pasyahan kong lumabas ng bahay. Naglakad ako papunta sa may puno. May duyan kasi doon. Naglagay ako.
Humiga ako sa duyan, then I saw a car sa di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
FanfictionThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...